"Alam mo na hindi titigil ang Conde hangat hindi siya nakakaganti sayo. Dahil pakiramdam niya ininsulto mo ang pagkatao niya ng tangihan mo ang anak niya at piliin mo ang tao. Kilala mo siya Duuke. Tanging ikaw lang ang may kakayahan na humarap at tapatan siya sa mga Elder." Sabi ni Tyrah. Napaisip ako sa sinabi ni Tyrah. "Wag kang magalala Duke nasa likod mo kami." Sabi nila Ashford.Napatingin ako sa kanila tinapik nila ang balikat ko. *******ALIAH POV#****** Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Ginawa ko ang morning routine ko. Ng matapos lumabas ako ng silid ko nakita ko si Alexa. "Oh, hi!" Bati niya sa akin. binati ko din siya. Dinala niya ako sa labas. "Hello! Darling halika at magalmusal kana. Natutulog pa sila Tyrah kaya kami muna ang magaasikaso sayo." Sabi ni Tita Veronica

