Nagulat ako sa narinig ko. Napalingon kami sa kanya. "Oo Duke, buntis si Aliah ng umalis sa Castlevania. Hindi niya alam na dinadala niya ang anak niyo. Siguro kung nalaman niya lang yun. Baka hindi siya umalis.?" Sabi nito. "B..Buntis si Aliah?" Tanong ko sa kanya. Parang hindi maproseso sa utak ko ang nangyari.Tumango siya. Gusto kong makita ang magina ko. Kaya minadali ko na si manang. Dinala niya kami sa Isang malaking bahay. "Aliah!" Tawag niya dito. Ng pumasok kami sa bakod. "Aliah!" Tawag niya uli pero walang sumasagot. Kinabahan ako. Kaya nagmamadali kaming umakyat. Ng may tumawag kay manang sa ibaba. Pagtingin namin Nakita namin ang isang grupo ng kalalakihan. Armado ang mga ito. May mga bahid ng dugo. "Sila Inday ba ang hinahanap niyo? Tanong nito Tumango si Manang. "May k

