CHAPTER THREE

2099 Words
“PASOK ka, Mando. Bilisan mo, baka may makakita na naman sa ’yo diyan,” halos hilahin ni Luisa ang lalaking tinutukoy ng mga kapitbahay nina Mang Ambo. “Tsk! Eh ’di hayaan mo sila, darling, nang tuluyan kayong maghiwalay ni Tanda,” ismid namang sagot ni Mando. Hindi na ito pinatulan ni Luisa, bagkus ay may pagmamadaling isinara ang pinto. “Ikaw talaga, Mando. Eh, kung maghihiwalay kami ngayon ng hukluban na ’yon, aba’y saan tayo titira? Saan tayo magkikita, eh hindi ka naman tagadito. Mag-isip ka nga nang kaunti, Mando,” pabulong na sambit ni Luisa. “Sa bagay nga naman, darling. Ang sa akin naman kasi ay ang masolo kita at makaligo sa lawa mo anumang oras ko gusto, hindi iyong hihintayin ko pang umalis si Tanda,” walang pakialam na sambit ni Mando sabay himas sa hinaharap ng kaharap. “Loko ka, Mando, nagmamadali ka ba?” kinikilig na sambit ni Luisa dahil sa ginawa nito, pero sa kaloob-looban niya ay gustong-gusto din niya ang pagiging agresibo nito. “Ayaw mo ba, Luisa? Aalis na lang ako kung ayaw mo. Halos hindi na nga tayo makapagsiping sa isang araw eh, ganyan ka pa,” pag-iinarte nito saka bahagyang tumalikod kaya naman naalarma si Luisa. “Sus! Kailan ka pa naging tampururot, Mando? Aba’y kahit nga sa kusina kapag doon tayo nagpang-abot, eh pinapatuw*d mo na lang ako para makaraos tayong parehas. Minsan kahit dito lang din sa likod ng pinto nanghihimas ka na taas-baba para mapagbigyan nating parehas ang init ng damdamin natin. Naku ikaw, Mando, ha? Huwag ka ngang tampururot diyan. Halika na sa kuwarto, nakakabitin ka naman, eh,” malambing na ani Luisa. Siya na mismo ang yumakap sa lalaki at iginiya papasok sa loob ng kuwarto. Pagpasok pa lamang nilang dalawa sa loob ng kuwarto ay agad na itong sinunggaban ni Mando. They exchanged kisses habang ang kani-kanilang mga palad ay abala sa pagdama sa kanilang mga sarili. No words came out from their mouth, instead they talked through their eyes. In just a second, nagkakalat na ang kanilang mga damit sa lapag. Maski ang kanilang panloob ay basta na lamang itinapon sa kung saan. “Sige pa, Mando, bilisan mo . . .” utos ni Luisa sa lalaki. He’s playing her gem as he’s massaging her breast that made her moaned louder. “T*ngina, Mando, malapit na . . .” mura pa nito nang malapit nang makarating sa rurok ng kaligayahan dahil sa panaka-nakang pagkagat nito sa kanyang kaselanan. Akala ng babae, after her man gave her appetizer ay papasok na ito sa kuweba niya pero hindi. Hinila siya ni Mando at napaibabaw siya dito. “Luisa, alam kong gusto mo nang pasukin ko ang paraiso mo, pero not that fast, darling. Ikaw naman ang magpaligaya sa akin bago tayo pumuntang langit,” mapanukso at pa-English-English pang ani ng lalaki. “Sure, Mando darling,” tugon ng babae at sinimulang halikan ito mula sa noo pababa sa talampakan na ikinaungol ng kaulayaw. “Iyan ang gusto ko sa iyo, Luisa. Alam na alam mo kung paano ako paligayahin . . . Hmm . . .” paos na ani ng lalaki. Ilang minuto na rin ang lumipas sa paglalaro ni Luisa sa kaselanan ng kaulayaw nang bigla na lamang siyang hilahin nito. Sakto namang tumama ang naglalawa nitong kuweba sa bibig ni Mando kaya sabay na rin silang naglaro sa apoy. Hindi pa sila doon nagtapos dahil muli silang naghiwalay ng katawan at may pagmamadaling pumaibabaw si Mando kay Luisa. As he thrust inside her, he massaged Luisa’s breast. And the more he got inside her, the more sounds was heard as they called their names! “Luisa!” “Mando!” Sabay pa nilang sambit nang makarating na sila sa dako paroon. “MANG Ambo, okay ka lang po ba? Mas mainam na umuwi ka na lang muna kaysa mapaano ka pa," aniya ng isang kasamahan ni Mang Ambo sa shop kung saan sila nagtatrabaho nang mapansin nito ang pamumutla ng matanda. “Siguro nga, Sammy anak. Pakisabi na lang kay Boss na masama ang pakiramdam ko. Baka dadaan at hanapin ako, eh,” sagot ni Mang Ambo. “Sige po, Mang Ambo. Namumutla ka po talaga, eh. Kaya mo po ba o ihahatid ko na po kayo?” sagot ng binatilyo. “Maraming salamat, Sammy, pero kaya ko na. Saka walang magbabantay dito sa shop, may mga sasakyan pa naman diyan na for pick up ngayon. Sige, anak, mauna na ako,” ani Mang Ambo saka kinuha ang bag at binaybay ang daan pauwi sa kanilang bahay. May kalayuan din ang shop pero para kay Mang Ambo ay okay lang na lumakad siya nang kinse minuto pauwi sa kanila. Exercise na ito para sa katulad niyang nagkakaedad na. Pero habang papalapit siya nang papalapit sa kanilang tahanan ay mas lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. “Mukhang tahimik ang bahay, ah. Saan kaya nagpunta ngayon ang asawa ko? Parang wala siya,” bulong niya nang nasa tapat na siya ng bahay nila. Pipihitin pa lamang niya ang seradura ng pinto nang may maulinigan siyang parang halinghing ng mga tao. “Tsk! Tsk! Mga tao nga naman, oo. Mukhang gusto pang ipaalam sa mundo na gumagawa sila ng kababalaghan,” muli ay bulong niya saka niya tuluyang binuksan ang pinto. Sa pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang nakakalat na sapatos na alam naman niyang hindi sa kanya. Katabi nito ang tsinelas ng asawa. Umakyat yata sa ulo ang dugo niya. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan. Ang halinghing na naririnig niya ay mas naging malinaw sa kanyang pagpasok. Tinawid niya ang pagitan ng maliit nilang sala at silid-tulugan nilang mag-asawa. Mas kumulo ang dugo niya dahil kung sa sala ay tsinelas ang nagkakalat, this time ay ang mga damit naman. “Mando, gusto mo ba ulit? Ang takaw mo naman. Katatapos lang natin, ah,” parang kinikiliting ani Luisa. “Nakakaadik ka kasi, Luisa darling, kaya pahirit pa,” tugon nito. Sa paglalampungan ng mga ito at kagustuhang mairaos pang muli ang kanilang mga sarili ay hindi nila namalayan ang pagdating ng may-ari ng bahay na kanilang pinamumugaran. “Mga hayup kayo! Ano’ng ginagawa ninyo dito?!” malakas na sigaw ni Mang Ambo, dahilan para mapalingon ang mga ito. Hindi na nagsayang ng oras si Mang Ambo. Agad siyang lumapit sa mga ito at kinaladkad ang hubo’t hubad na si Luisa. “Ikaw na babae ka! Ikaw ang pinili ko sa inyong dalawa ng anak ko pero ano itong isinukli mo, ha?! Akala ko bulong-bulungan lang ang mga naririnig ko diyan sa mga kapitbahay natin pero hayup ka—” “Oo, tanda! Hayup na kung hayup! Ni Hindi mo nga ako mapaligaya sa gabi, eh! Aba’y sino ang magtitiyaga sa huklubang tulad mo, ha!?” sigaw din ni Luisa. Mag-asawang sampal ang iginawad ni Mang Ambo dito, dahilan para matumba ito na siya namang pagtakbo ng lalaking kaulayaw nito. Napakapit siya dito pero ipiniksi lamang siya nito na naging dahilan para tuluyan itong matumba. “At saan ka naman pupuntang hayup ka?!” pigil ni Mang Ambo dito. “Tumabi ka, tanda!” “Ikaw na nga ang nagkasala, ikaw pa ang bastos!” Tuluyang nagdilim ang isip ni Mang Ambo. Hinugot nito kalibre kuwarenta y singko na lagi niyang dala-dala. Ikinasa niya ito at tuluyang kinalabit ang gatilyo. Two consecutive sounds of gunshot was heard—isa kay Mando na naunang natamaan at isa kay Luisa na sasaklolo sana sa lalaki. Naalarma naman ang kanilang mga kapitbahay kaya’t agad silang sumaklolo. “Diyos ko, Mang Ambo! Ano’ng nang—” “Tumawag kayo ng pulis, parang awa n’yo na. H-Huwag n’yo s-silang hayaang makatakas. Idedemanda ko sila. K-Kung anuman ang mangyari, i-ihingi n’yo ako ng tawad sa anak ko,” putol-putol nitong sabi bago tuluyang bumagsak. Nagkagulo ang mga kapitbahay nila no’ng mga sandaling iyon. Hindi malaman kung sino ang unang dadaluhan sa mga ito. Gano’n pa man ay ginawa pa rin nila ang ang dapat mangyari. Agad nilang itinakbo ang mga ito sa pagamutan pagkarating ng mga pulis. Dead on arrival ang may-edad na si Mang Ambo dahil sa ang pumutok na ugat sa kanyang ulo ay ang ugat na konektado sa kanyang puso. Samantalang parehong 50/50 sina Luisa at Mando dahil sa kaliwang dibdib nila ang tama ng baril. SA kabilang banda, dahil oras ng pahinga ng mga katulong ay nasa kuwarto lahat ang mga kasambahay ng pamilya Arellano. “Ano ba iyan, ’kainis naman,” aniya ng isa sa mga ito. “O bakit, Lorena, ano’ng nangyayari sa iyo?” takang tanong ng nasa tabi nito. “Kainis naman kasi, Melvz, pinutol ang paborito kong Kapamilya Gold dahil sa newsbreak na ’yan,” parang batang nakangusong aniya nito. “He! ’Ayan ka na naman. Kaya nga newsbreak dahil talagang mapuputol ang palabas,” singhal ni Melvz. “Mga news namang puro na lang krimen. Kundi panloloko sa asawa, mga p*****n o tungkol sa droga! Ay naku, nakakaumay na, Melvz,” simangot nito na halos magdabog na. Ang kanina pa nakikinig na si Karen ay parang kinilabutan sa narinig. “Puro panloloko ng asawa,” piping sambit niya. “Nana Azon, Karen, ’ayan ’di ba taga-Bicol kayo? Sa inyo yata ang krimen na ’yan, panoorin n’yo. Tawagin n’yo na lang ako kapag tapos na,” agaw-pansin ni Lorena sa magtiyahin na mas piniling matulog kaysa manood ng telebisyon. Sa narinig ay parang tubig na rumagasa ang lahat ng sakit na iniwan ni Karen sa kanilang lugar, lalo na nang makita ang laman ng balita. “Isang lalaki ang dead on arrival sa pagamutan ng Naga. Ayon sa mga nakapanayam namin, nahuli nito ang kinakasama na may kaulayaw sa mismong higaan nilang mag-asawa, dahilan para barilin ito ng lalaki. Ang lalaki ay si Ambo Zaldevar na residente sa Naga. At aming napag-alaman na ang dalawang nahuling magkaulayaw ay sina Luisa Carlos at Mando Santino," aniya ng reporter saka huminto at bumaling sa katabi nito. “Ate, ano ang panawagan mo para malaman ng lahat? Live po tayo,” aniya nito sa katabing babae. “Para po sa lahat ng nakakakilala kay Karen Zaldevar, kung siya man po ay nakikilala ninyo, pakisabi po sa kanya na patay na po ang tatay niya. Maraming salamat po,” aniya naman ng babae na kapitbahay nina Karen sabay pakita ng full size photo niya saka ibinalik ang microphone sa reporter. “Inuulit po namin, mga kaibigan. Para po kay Miss Karen Zaldevar, nanawagan po ang mga kapitbahay n’yo dito sa Bicol na ang tatay mo ay pumanaw na. “Ito po ang inyong lingkod, Amina Santos, nag-uulat,” aniya ng reporter saka tuluyang nawala sa linya. Ni walang nakaimik sa apat na naroon. Kahit si Lorena na kababalik lamang sa loob ng kuwarto ay hindi na nakaimik. “Karen Zaldevar? Ikaw ’yon, ’di ba, sis?” halos bulong na tanong ni Melvz pero wala silang nakuhang sagot dito. “Anak, magsalita ka naman, huwag mo kaming takutin,” pukaw dito ni Nana Azon na kahit galit sa bayaw niya ay napaiyak din dahil sa sinapit nito. Pero mas nabahala sila nang bigla itong tumakbo palabas ng kuwarto nila. “Karen anak, bumalik ka dito!” “Ako na ang hahabol sa kanya, Nana,” salo ni Melvz. “’Sama ako, Melvz. Bilisan mo diyan, mabilis pa namang tumakbo si Karen.” Lumabas si Lorie sa silid-tulugan nilang mag-asawa kaya’t kitang-kita niya ang pagkakagulo ng mga katulong nila. “Darwin! Darwin! Mukhang nagkakagulo ang mga kasambahay natin, bilisan mo!” sigaw nito sa asawa. “Nandiyan na, hon,” sagot naman ng tinawag. Pinagtulungan ng dalawang kasambahay na habulin si Karen pero dahil mas nauna itong lumabas ay nakalayo na ito at nahirapan silang humabol dito. “Karen! Karen!” sigaw ng dalawa nang hindi nila ito makita. Halos mamaos na sila ay wala pa rin silang Karen na nakita. SA hindi malamang dahilan ay parang gustong-gusto ni Greg na umuwi samantalang halos sa gym na siya nabubuhay. “Bro, ikaw na muna bahala dito, ha? Sasaglit lang ako sa bahay,” bilin niya sa tauhan niya sa gym. “Sige lang, boss. Mamayang six pa naman ang practice natin,” tugon nito. Hindi na nagsayang ng oras ang binata. Agad niyang pinuntahan ang sasakyan saka pinaharurot iyon pauwi sa kanilang tahanan. On his way ay nakita niya si Karen na wala sa sarili. Out of curiosity, he turned his car para puntahan ito pero bago pa siya makalapit dito ay may nagbanggaan namang truck at bus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD