Chapter 9

1146 Words
Nagulat si Ysabel nang may kumatok sa pinto at si Sarah ang mabungaran niya. Alas syete na 'yun ng gabi. "Hi! May I come in?" nakangiting nitong wika. "Sure." Gumanti siya nang ngiti saka nilakihan ang awang ng pinto. Pumasok si Sarah at inikot ang mata sa loob ng condo. "Nagpasabi si kuya na hindi siya makakadaan. May mga meetings pa kasi sila ni Kuya Nathan." Tumango siya bagamat nahihiya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito ngayong sa condo siya ni Liam nakatira. "Don't worry, alam ko na ang tungkol sa inyo ni kuya." Alam niyang pinamulahan siya ng mukha. "Sorry ha, hindi ako nakarating nung dinner. May lakad kami ng friends ko nung time na 'yun." "Okay lang. You like coffee? Juice?" Pumunta siya sa kusina para maghanda ng inumin. Sumunod naman si Sarah sa kanya. "Actually, I'm kinda hungry. Anong dinner mo?" Mas lalong namula ang mukha niya nang matanong ang dinner. Paano niya sasabihing kahit simpleng pinakbet hindi niya maluto? Puno ng sabaw at nadurog-durog lang ang gulay. "W-wala akong naluto eh. Order na lang tayo?" suhestyon niya. Hiniling niyang huwag sanang maghalungkat si Sarah sa kusina dahil makikita pa ang niluto niya kanina. "I know some good food nearby. Tara, treat ko na," wika naman ni Sarah na agad niyang sinang-ayunan. Walking distance lang ang pinuntahan nilang restaurant. Si Sarah ang um-order ng pagkain na hindi niya na rin ipinilit na siya ang magbayad. "So, how does it feel to be a supermodel?" tanong nito habamg kumakain sila. "Okay naman. Masarap kapag nasa gitna ka na ng runway, na sa 'yo ang atensyon ng mga nanonood. Malaki rin naman ang sweldo at maraming prebilihiyo. Pero mahirap kapag pinagpipyestahan ka na ng paparazzi. Kailangan lagi kang perpekto sa mata ng tao kung hindi ay masisira lang ang pangalan mo. Madali ka nilang mapapalitan dahil araw-araw may nagsusulputang bagong mga modelo." "Yeah, I feel you. Ganun nga talaga ang society natin. I read some articles about you. Some are good, some are bad. Nagkaroon pa ng eskandalo sa inyo ng boyfriend mo that made him the most righteous boyfriend in the universe." Isang tamad na ngiti ang pinakawalan niya. Hindi niya na sana gustong alalahanin ang nakakahiyang parte na 'yun sa buhay niya. Pinag-usapan siya sa lahat ng sulok ng peryodiko noon. "Media went crazy about it. Ang nakakatawa, sa halip na mawalan ako ng projects mas lalo pang tumaas ang value ko." "True?" Hindi makapaniwala si Sarah. "Yes. Fabiano also made himself the highest paid model right now dahil sa kunyaring pagpapatawad niya sa kataksilan ko. Actually, I don't care less kung anong image na ang meron ako. I broke up with him the moment I saw him and his lover naked in bed." "Pero bakit may engagement kayong lumabas lately?" "Kinuha niya ang loob ni Mommy, sila ang may pakana sa engagement. Two months na akong wala sa New York dahil gusto kong lumayo kay Fabiano. Hindi siya pumapayag sa pakikipaghiwalay ko. Ako ang panakipbutas sa totoong pagkatao niya. But I will not allow myself to be used by him. Then, the media started to hunt me every now and then. Lahat na lang ng makita nilang may kasama akong lalaki ay ikinakalat nilang kalaguyo ko na." Nakita niya ang awa sa mga mata ni Sarah matapos niyang ilahad ang kwento ng buhay niya bilang supermodel. That was the price of being a popular. Wala siyang kalayaan ngayon at madali sa lahat ng tao ang husgahan siya. "So, anong plano mo ngayon?" Napatitig siya kay Sarah nang wala sa loob. Sa buong panahon niyang nakatira sa New York, iilan lang ang mapagkakatiwalaang mga kaibigan. Hindi na siya sanay na buksan ang buhay niya sa iba. Kahit ang mga kaibigan niya nung high school at college dito sa Pilipinas ay may mga asawa na. O ang iba ay busy na rin sa iba't ibang career. "Honestly, I don't know. I'm kinda lost." Pinaglaruan niya ang straw sa juice sa baso habang iniiwasang salubungin ang mga mata ni Sarah. "Ang sabi ni Kuya magpapakasal daw kayo." Doon na siya muling nag-angat ng tingin. Wala naman siyang nabanaag na panghuhusga sa mukha ni Sarah. "Inalok niya ako. It's something like he needed to marry because he is already old and your father was forcing him to do so. Nagkataon na magiging pabor sa aming dalawa kapag nakasal kami." "Sigurado ka na ba na magpapakasal ka sa kuya ko?" "What choice do I have? At siya? Kapag hindi ako ang pinakasalan niya, ipakakasal rin siya sa iba, hindi ba?" "But it's a lifelong commitment, Ysabel. Sa ating mga babae, importante na mahal mo ang lalaking pakakasalan mo." Umiling siya. Sa puntong iyon ay magkaiba sila ng paniniwala ng kaharap. "Hindi ako naniniwala sa pag-ibig, Sarah. My parents were separated, I don't know who my father was, my Mom were never affectionate even when I was a kid. Hindi ko alam kung pano talaga ang magmahal. O mahalin." "Anong pundasyon ninyo ni Kuya kung magpapakasal kayo?" "Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang kailangan namin ang isa't isa ngayon. I'm sorry kung pati ikaw nadadamay sa mga problema namin." "Walang problema sa akin, Ysabel. Actually, natutuwa ako sa pagbabago ni Kuya nitong mga nakaraang araw. The ever happy-go-lucky guy in town, ngayon ay lagi na lang nag-aalala sayo. Hindi ko man gustong umasa pero sana maging successful ang marriage nyo kung sakaling matuloy." "Sana nga. Pero paano? Hindi ko alam kung paano maging 'wife material' . Ni hindi ko nga naisip na mangyayari 'to nang magdesisyon akong dito magtago sandali." "So, okay... Since hiningi ni Kuya ang tulong ko, let's get straight to the point. Kailangan kong malaman kung seryoso na ba kayo sa desisyon niyo." "Anong tulong?" Napakunot ang noo niya. "Gusto ni Kuya na mapalapit ka kila Mom and Dad. Na matanggap ka nila kaagad bilang mapapangasawa ni Kuya." Tumango lang siya. "I noticed your Dad didn't like me." "Which is understandable. Una, may iba nang napupusuang babae si Dad na ipakakasal sa kapatid ko. Nasa krisis kasi ang kumpanya ngayon at sa tingin nila ay makakatulong ang pamilya ni Laura." Napabuntunghininga siya. Kung pera ang kailangan ng Daddy ni Liam ay marami siya nun. Pero sa ngayon ay hindi niya mahahawakan dahil tiyak na naka-monitor sa ina ay kay Fabiano anumang galaw niya. Iilan lang ang hawak niyang pera sa ngayon. "Paano kung hindi talaga nila ako magustuhan?" Dumagan ang insekyuridad sa dibdib niya. "H'wag ganyan ang isipin mo. Be positive. And I am here to help you, okay?" Ngumiti siya kay Sarah kahit may agam-agam sa dibdib. Pakiramdam niya ay napakabuti nitong kaibigan. "Thank you. Kung anuman ang kahahantungan nito, I am glad that I have found a friend in you." "Me too." Hinakawan ni Sarah ang kamay niya at pinisil. Nagkwentuhan pa sila sandali bago siya inihatid sa condo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD