Nasa living room pa ang mga magulang nang makabalik sa bahay si Liam matapos ihatid si Ysabel sa condo.
"Kumusta ang DGC, Liam?" tanong ng ama. Inilapag niya ang susi sa estante saka nagtuloy sa dining room. Nagugutom siyang talaga. Hindi naibsan ang gutom niya ng french toast na hinain ni Ysabel kanina.
"I haven't talk to Nathan yet. Bukas pa kami magmi-meeting."
"Balak mag-invest ni Fred sa kumpanya. Magandang panimula iyon para makabawi ang DGC sa pagkalugi."
Naningkit ang mata ni Liam. Ang Fred na sinasabi nito ay may ari din ng iba't ibang negosyo sa Mindoro. At ama ni Laura na matagal nang inirereto sa kanya.
"Hindi natin binebenta ang shares ng kumpanya hindi ba?" paalala niya. Ang DGC ay pag-a-ari lamang ng mga Delgado. Alam naman niya ang tinutumbok ng usapin ng ama.
"Kailangang kailangan ng kumpanya ng additional investment Liam. Pero totoong hindi mangyayari iyon kung hindi isang Delgado din ang magiging shareholder. Sa susunod na linggo ay mag-uusap kami sa isa pang negosyong hawak nila. Maybe you and Laura can get along; to know each other. I invited them for a dinner."
"No way, Dad. I told you, I will not marry Laura." Sinikap niyang maging kalmado sa ganitong usapin.
"Ano ang ikaaayaw mo kay Laura, Liam? Galing sa desenteng pamilya, mayaman, at may itsura din naman."
"Dad, I don't even date someone I was not attracted to. Let alone marry her!"
"I told you, you need to get married otherwise you will not receive anything from the company anymore. Alam mo na ang mangyayari. Trenta anyos ka na. What do you want to do with your life?"
"I will marry someone else, just wait and see."
"Sino? Yung babaeng nakilala mo sa isang bar? My god, Liam, can you even get a decent woman?"
"She is decent, Dad! I am sure of that!"
Tila nagpapataasan na sila ng boses mag ama. He will never marry Laura kesihodang tanggalan pa siya ng mana. Sigurado na sya ngayon.
"How can you call her decent, Liam? Ibinahay mo na siya sa condo mo gayong hindi naman kayo kasal?"
He was stunned for a moment. Paanong nalaman ng ama niya? Ipinasusundan ba siya nito?
"I know what you are doing Everything. I am your father. Kaya kung ako sayo kikilalanin ko si Laura nang mabuti. Malaki ang maitutulong ng pamilya niya sa kumpanya," pinal na sabi ng ama bago ito tumalikod.
Pabagsak siyang umupo sa sofa at pumikit. Ilang minuto siya sa ganung ayos bago nagsalita ang ina.
"Bakit hindi mo sinabi ang totoong pagkatao ni Ysabel, anak?" Elena asked in a soft voice nang wala na ang ama sa sala. Hinahangaan niya ang pagiging kalmado nito sa lahat ng bagay. Napakunot naman ang noo niyang tumingin sa ina na kanina ay nakikinig lang sa diskusyon nilang mag-ama.
"Sabi ko sayo pamilyar talaga ang mukha niya. Nang makaaalis kayo ay pilit kong inalala kung saan ko siya nakita." Binuklat nito ang isang magazine doon na may larawan ni Ysabel na kasama ng isang lalaking kapareha at iniabot sa kanya.
Napabuntunghininga siya. Hindi niya na pwedeng pagtakpan si Ysabel.
"Alam na rin ba ni Dad?" Umiling naman ang Mama niya.
"Kailangan ko munang itanong sa'yo. Baka may malalim na dahilan kaya niyo inilihim."
"Like Dad, her mother is also manipulating her life. She wants her to marry that Fabiano guy."
"Pero kasintahan niyang talaga iyon anak ayon sa mga articles na nabasa ko. Siya ang nangaliwa hindi ba?"
"No 'Ma. He cheated on her. Nahuli niya itong may kasiping at isang lalaki."
"And do you believer her?"
"Yes. Bakit naman ho hindi?" Ysabel will not lie to him, he was sure of that.
"Hindi ko alam, anak. Pero masyadong maiksi ang ilang linggo para makilala mo siya ng lubusan. Kung may mga eskandalo siyang tinatakasan hindi maganda na maugnay ka sa kanya. Tututol ako kung ano man ang ugnayan na meron kayo." Tumayo ang ina at nagtungo na sa kwarto. Naiwan siyang nakatitig lang sa kisame.
Kanina'y nagagalit siya sa ama. Hindi siya papayag na manipulahin nito ang buhay at kalayaan niya. Ngayon naman ang ina ang nagpapakita ng pagtutol. May takot na nagsimulang bumangon sa dibdib niya. His father will do everything in his power to find out who Ysabel is. At malamang gamitin niya iyon para mapaalis ang dalaga sa bayang ito. At wala siyang makukuhang suporta sa ina.
What now?
*****
Isang tawag ang nagpagising kay Ysabel, ala una na ng madaling araw. Dinampot niya ang telepono sa gilid ng kama at napabuntong hininga. Her mother was on the other line.
"Hello, Mom."
"Ysabel Montes! I want you to come back here as soon as possible!" She knows her mother is really mad when she calls her by that name.
"Oh please, Mom, I am not coming back yet," lakas loob niyang sabi.
"Your contract is waiting for you for a long time! Napakatagal mo nang wala! What's wrong with you!"
"Bakit kayo nag-announce ng engagement namin ni Fabiano? I broke up with him months ago, I told you, he cheated on me! Bakit ba hindi kayo naniniwala?"
"Pag-usapan natin yan pagbalik mo dito. For the meantime, pack your bags and get back here. Malapit ka nang palitan ng mga bagong modelo dito. You know how I've moved mountains para makapasok ka sa Supreme. They are waiting, Ysabel. But they will not wait for you forever!"
"Bawiin nyo ang engagement namin ni Fabiano, Mom, yun lang ang makakapagpabalik sa akin dyan."
"Of course I will not do that! The media is crazy over you and Fabiano, you two are an item. Pinag-aagawan ka ng mga agencies and your price is doubled. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganyang pagkakataon. Naayos na ni Fabiano ang lahat. Kahit ang damit mong pangkasal ay naghihintay na lng para isukat mo."
"Then I'm marrying someone else," pinal nya ring sabi. Kung dati may agam agam siya sa pagpayag niyang pakasal kay Liam, ngayon ay sigurado na siya. It's the only way to get out of her mother's manipulation.
"No, you will not! Ipapahanap kita saang sulok ka man ng mundo. I will bring you back here at magpapakasal ka kay Fabiano!" Ibinaba na ng ina ang telepono bago pa siya muling makasagot.
Alam niyang hihingi ng tulong si Candida kay Fabiano para mapabalik siya sa New York. At alam niya kung bakit nagpupumilit ang ina na makasal siya sa lalaki. She is now twenty-four. At totoong maraming bagong modelo ang nagsusulputan. Ilang panahon pa ay mawawala na rin siya sa limelight. Fabiano will give them the most comfortable life that her mother had dreamed about.
Pero paano bang nangyari na hindi siya makapag desisyon para sa sarili niya?
Tumayo siya sa kama at nagpunta sa kusina para magtimpla ng tsaa. Nagising ang diwa niya sa pagtawag ng ina. Naupo siya sa sofa at itinaas ang mga paa sa lamesitang nandoon. Inikot niya ang mata sa kabuuan ng condo. Her mother will freak out kapag nalaman niya ang pinag gagawa niya sa Pilipinas. Pero so far wala pa siyang pinagsisisihan. Not even her elicit affair with Liam.
At sana'y hindi rin niya pagsisihan ang napagdesisyunang pagpapakasal dito.