Chapter 4

900 Words
Hinatid siya ni Liam sa bahay ni Nana Ising. "I'll be in DGC today." Ang tinutukoy nito'y ang opisina na pag aari ng kanilang mga pamilya. "I'll pick you up at six o'clock and we'll have dinner." Nang makaalis ang kotse nito'y pumasok na siya sa maliit na gate. "Saan ka nagpalipas ng gabi Ysabel?" Muntik na siyang mapaigtad nang lumabas si Nana Ising na nakakubli sa malaking puno. Nakatingin din ito sa sasakyang halos hindi na matanaw. "S-sa bar ho. Si Liam ho yun, nakilala ko sa bar kanina." "Si Liam na anak ni Atty. Delgado?" Bahagya siyang tumango. Hindi na kailangan pang malaman ng matanda na sa condo sila nagpalipas ng umaga. "Kumain ka na ba? May tira pang dilis at sinangag sa kusina." "Kumain na rin ho kami ni Liam." Umupo siya sa silyang kahoy sa silong ng malaking puno. Ang matanda ay nagpatuloy magwalis ng mga tuyong dahon na nalalaglag mula doon. "Kilala niyo ho siya Nana?" "Aba'y oo. Prominente ang pamilya nila sa bayang ito. Maliit lang ang San Nicholas, halos magkakakilala pa naman ang mga tao dito. Maliban na lng kung may mga dayo." Umupo ang matanda sa tabi niya "Tila may suliranin ka anak, hind ka umuwi magdamag." "Nagisip lang ho ako Nana. Si Mama ay gusto akong ipakasal sa dati kong boyfriend." "Ikaw ay nasa hustong gulang naman na. Makakapag desisyon ka na ng para sa sarili mo. Kausapin mo na lang ng maiigi si Candida, maiintindihan ka noon." Hindi siya sumagot. Pinanood lang ang matanda na bumalik sa pagwawalis. How she wishes her mother was just like this old woman. Yung kinakausap at inuunawa siya kung ano ang gusto niya. "Mamaya ho ay susunduin ako ni Liam. Baka ko gabihin ako o umagahin wag nyo ba ho akong hintayin." Muli siyang tinitigan ni Nana Ising. Isang buntong hininga rin ang pinakawalan nito. "Kayo ba ay magkaibigan na ng Liam na ito?" Tumango siya. "Kilala si Liam na palikero sa bayang ito anak, halos lahat ng kadalagahan dito'y nabihag niyan. Hindi naman ako magtataka kung magkagustuhan kayo, abe e mula nang dumating ka'y napakaraming lalaki ang gustong pumasyal dine. Pero paalala lang anak, ayokong masaktan ka ha." "Oo naman ho Nana. Atska hindi naman ho ako magtatagal dito. Magkaibigan lang ho kami." Tumuloy na siya sa loob ng bahay at humiga sa kamang naroon. Nakishare lang siya kay Ana ng higaan. Napaka payak ng buhay niya dito. Malayong malayo sa silaw ng camera at entabladong nirarampahan niya. Wala pang alas sais ay sinundo na siya nito. Nagbigay ito ng galang kay Nana Ising at sa asawa ng huli bago sila umalis. "Saan ba tayo papunta?" Tanong niya dito habang nagdadrive ang binata. "Surprise." Wika ng binata na kumindat pa sa kanya. Ibinaling na lang niya sa kalsada ang tingin. Fifteen minutes ay nasa five-star restaurant na sila na puro seafood ang inooffer na pagkain. Liam ordered food and wine for them at hindi na siya tinanong. It seemed like a romantic date with the saxophone music that was playing and flowers on the table. Nasa dulong mesa sila na pinareserve ng binata maaga pa lang. Iilan lang ang tao sa lugar na iyon. Nang dumating ang order ay natakam siya. Halos isang bwan na din siyang puro gulay at isda ang ulam. Ang nasa harapan niya ngayon ay steak and some side dish. Na miss din niya ang ganitong lifestyle. "Natutuwa akong nagustuhan mo." May galak sa tinig ni Liam. "Mukhang masarap eh." Muntik niya nang masabi na natakam talaga siyang muli sa ganitong pagkain. "Kapag pumayag kang pakasal sa akin, you will have this kind of luxury and more. Plus, hindi mo na kailangan magtrabaho unless gusto mo lang talaga." Natahimik siya. So the discussion is not over huh! E kung sabihin kaya niyang kaya niya rin kumain ng steak kahit araw araw pa? She sighed in frustration. "Kaya mo ba ako dinala dito para painan?" "No. I'm offering you. Magkaiba yun" "Sabihin mo nga sa kin kung ano ang batayan mo ng marriage? At bakit ako?" "First, sinabi ko na sayo hindi ako naniniwala sa kasal. Ayokong magpatali. Pero kailangan kong sumunod sa gusto ng ama ko kundi ipapakasal niya ako sa babaeng hindi ko gusto. So that's where you enter, sa question number two. Bakit ikaw? Simple. We compliment each other in bed. Napatunayan na natin yan kagabi at kanina. Any questions?" Pinamulahan siya sa mukha. She can't even finish her steak napainom na siya ng wine. "Masisiyahan ka ba kung sasabihin kong mahal kita?" Tinitigan niya si Liam saka umiling. "Hindi ako naniniwala sa pag-ibig. That's for hopeless romantic people. Pero wala naman talagang ganun." "See? We're on the same page. We lust each other kaya tayo magpapakasal." Napaubo siya sa sinabi nito. Parang masagwang pakinggan. "Nabanggit sa akin ni Nana Ising ang reputasyon mo sa mga kababaihan dito. You can't stay faithful once we're married." "Are you saying yes?" Oh God! Bakit ba siya pumapatol sa ganitong usapin? Pumapayag na ba siya sa gusto nito? "Wala akong sinabing yes. Ang sinasabi ko lang 'what if'." "Sayo pa lang pagod na ko pano pa ko titingin sa ibang babae." He grinned. Napalunok tuloy siya at tuloy tuloy na ininom ang alak na nasa mesa. Kung bibigyan nga naman siya ng tadhana ng pagpipilian ay napaka swerte niya. It's like between the devil and the deep blue sea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD