CHAPTER 5

954 Words
MARIEL / GENEVIEVE POINT OF VIEW Tangina. College pa pala ang katawan na ‘to? Habang nakahiga ako sa kama, hawak ang cellphone ni Genevieve, nag-scroll ako sa mga email at school group chats. May pumasok na notipikasyon galing sa prof niya—may quiz daw mamaya. Tapos sunod-sunod na messages mula sa mga kaklase, puro reminders, at mga pa-group work. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. So hindi pa pala ako graduate sa katawan na ‘to. Masarap palang pahirapan ‘tong mga anak ng mga elitistang ‘to habang suot ko uniform. Napangisi ako. Yung ngiting parang may balak kang sunugin ang buong mundo at mag-milk tea pagkatapos. Pero teka... may mas magandang ideya ako. Napatayo ako bigla. Tinungo ko ang closet ni Genevieve at hinanap ang uniform. Isa-isang binunot ang mga puting blouse, gray na palda, long sleeves, blazer, at kung anu-anong pormal na bagay na tingin mo ay pang-sosy pero pag ako ang nagsuot, pwedeng pangreyna ng kalsada. At doon ko nakita ang isang set ng school uniform na di pa nagagamit. May tag pa. Hinugot ko ito, sabay balik sa kama, at tinignan ang sarili sa salamin sa pinto ng closet. “College girl ka pala dati, Genevieve?” bulong ko sa repleksyon. “Well, not anymore. Ako na ‘to ngayon.” Nagbihis ako. Pero hindi yung “ayusin-mong-mabuti-ang-plantsado-at-iayos-mo-ang-necktie” kind of outfit. Hindi ko estilo yun. Inayos ko ang blouse, pero ‘di ko tinuck in ng maayos. Hinayaan kong naka-bulwak sa labas, parang chill lang. Tinupi ko ang sleeves hanggang siko, para hindi ako masyadong restricted. Yung necktie? Syempre hindi ko sineryoso. Hinayaan kong maluwag at halos parang kwintas na lang na nakasabit sa leeg. Wala akong pake kung hindi yun ang tamang pagsusuot. Mas may dating ‘pag ganun. Kinuha ko yung palda. Medyo masikip. Pinilit ko. Tangina. Ang sexy pala ng katawan ni Genevieve kung aayusan lang ng may attitude. Suot ko na rin yung white socks at black school shoes, pero hinayaan kong medyo magulo yung medyas, parang hindi ko inisip masyado. Yung bag niya? Isa lang ang naiisip ko. Sling bag? Di bagay. Tupperware bag? Hindi rin. Kinuha ko yung simpleng black backpack, sinampay ko sa isang balikat lang. Tapos, to complete the look, kinuha ko yung lollipop sa bedside table. Nilagay ko sa bibig ko habang binubuhol ko ang buhok ni Genevieve sa taas ng ulo. Pero hindi ‘yung mukhang kikay ha, kundi yung buhol na parang ready makipagbugbugan anytime. May ilang buhok sa gilid ng ulo na intentionally hindi ko inayos. Yung mga stray hairs na nagbibigay ng “di ako nag-effort pero ang ganda ko pa rin” vibes. Pagtapat ko sa salamin... Tangina. “Damn...” bulong ko, hawak pa ang lollipop habang nakangisi. “I just fell in love. Sa sarili ko. Putangina.” Tumingin ako sa sarili sa salamin. Yung dating Genevieve na mukhang laging mahihimatay? Wala na. Ang nasa harap ko ngayon ay ‘yung tipo ng babae na papatayin ka ng tingin, sasampalin ka ng math quiz, at magwa-walk out sa classroom with swag. Napakamot ako sa batok. “Kung ganito lang sana magdamit si Genevieve dati, baka hindi siya ginanun ni Ali Murat,” sabay irap sa sarili ko. “Pero oo nga pala. Bago pa man siya maka-level-up, kinitil na ni heart attack ang career niya.” Natawa ako ng bahagya, pero may kurot. Kasi kahit anong gawin ko, hindi ko pwedeng kalimutan na ang katawan na ‘to ay may pinagdaanan. At hindi pa tapos ang mission ko—ang pagbawi sa dignidad ni Genevieve. At syempre, kasama na roon ang pagsira sa mga taong nanakit sa kanya—lalo na si Ali b***t. Este... Murat. Lumabas ako ng kwarto. Hindi na ako nag-ingay. Bahala sila kung makita nilang naka-uniform ako. Ang importante, wala silang karapatang pigilan ako. Pagdating ko sa ground floor, nadaanan ko ‘yung bunso nilang kapatid na lalaki. Napatigil siya at napatitig sa akin. Para siyang nakakita ng multo. “O-ate?” tanong niya, habang kinakabahan. Sumimangot ako. “May utang ka ba sakin at ganyan kang makatingin?” Umiling siya, sabay takbo papalayo. Hala, mukhang may trauma pa rin sa huling confrontation sa dining table. Diretso akong lumabas ng bahay. Doon sa gate, nakita ko ang driver nila na mukhang wala ring gana sa trabaho. Nang makita niya ako, napatayo siya bigla. “Ah, Miss Genevieve... ihahatid ko po ba kayo?” “Hindi na. Hindi ako marunong mag-commute dati, ‘di ba?” Napatango siya, clueless. Ngumiti ako. “Time to learn. Para naman may silbi ‘tong college life ko.” Nilakad ko ang ilang kanto pa-MRT station. Madaming nakatingin, hindi ko alam kung dahil sa uniform o sa attitude ko. Pero wala akong pake. Kahit ang mga lalaki sa kanto, parang hindi makapaniwala na yung tipikal na "fragile na dalaga" na si Genevieve ay biglang naging walking badass. Pagsakay ko sa tren, pinili kong tumayo kahit may bakante. Nakapamewang ako, lollipop sa bibig, isang kamay sa strap ng bag. Pinagmamasdan ko ang reflection ko sa bintana ng tren habang iniisip ang mga susunod kong hakbang. College? Kaya ko ‘yan. Homework? Bahala na. Group project? Eh ‘di sila na ang gumawa. Ang goal ko lang ay isa: Ang magpatibok ng puso ni Ali Murat para lang wasakin ‘to pagkatapos. At habang gumugulong ang tren sa kahabaan ng Lungsod, nakangisi ako. Parang eksena sa anime. Kasi sa bawat hakbang ko, sa bawat galaw ng katawan kong bago, isa lang ang alam ko—ang Genevieve na kilala nila ay hindi na babalik. Ako na ‘to ngayon. At sa mundo nilang mapanghusga at mapagkunwari... ako ang simula ng naguluhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD