Chapter 33: “Is it wrong to love?” HINDI na nakauwi pa si Ice ng gabi na ‘yon. Kahit pa sinabi nito na 'wag na siyang mag-alala ay lalo lang siyang kinakabahan. Ayaw niyang masira ang tingin ng fans nito kay Ice lalong ayaw niyang masira ang career nito nang dahil lang sa kanya. Kinabukasan ay naisip niyang ipaghanda si Ice ng breakfast kung sakaling umuwi na ito. Naghanda na siya para lumabas ng apartment at bumili ng ingredients. Hindi pa man siya nakakababa ng hagdan ay nagulat siya nang makita ang napakaraming tao roon. "Siya ba ‘yong Dara na sinasabing girlfriend daw ni Ice?" "Ang pangit naman pala niya, anong nagustuhan sa kanya ni Ice?!" “Akala ko naman mukhang artista dahil nagustuhan siya ni Ice!” "Picturan niyo!" Dinig niyang usapan ng mga babae roon na pakiwari niya ay m

