Chapter 23: "Don't be serious" MAAGANG gumising si Dara para ipaggayak si Ice ng breakfast nito pero hindi ito lumitaw kagaya ng inaasahan niya. Hindi niya alam kung galit ba ito sa kanya o talagang lumamig na ang pakikitungo nito. Ilang araw na rin kasi na laging si Camille ang kasama nito sa school. Kung hindi naman ay busy itong nakikipag-usap sa mga classmate nila. Wala tuloy siyang chance para kausapin ito dahil ilang araw na rin itong hindi umuuwi sa dorm nila. Nami-miss ko na siya. Aalis na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya iyon at laking tuwa niya nang mabasang si Ice ang nag-text sa kanya. Yelo: Can you prepare me something for lunch? Na-miss ko na ang luto mo. Napangiti siya nang mabasa iyon. D: Yes. Kita kits sa school! :) Agad niyang inih

