MAAGANG nagising si Ice dahil kahit madaling-araw na siya dinalaw ng antok kagabi ay hindi pa rin siya nakatulog nang maayos. Wala siyang pasok sa araw na iyon kaya naman naisipan niya na ayain si Dara na lumabas. Gusto niya kasing i-enjoy ang araw ng pahinga niya. Gusto niyang sulitin ang mga araw na malaya siyang gawin ang gusto niya. Nag-ayos muna si Ice ng itsura niya bago siya nambulabog sa kabilang kuwarto. Hindi man siya sinagot ng dalaga kagabi. Napagdesisyunan niya na hindi roon magtatapos ang kuwento kundi bulabugin niya ang natutulog nitong puso. Hindi siya papayag na siya lang ang nakakaramdam ng kakaibang feeling sa kanilang dalawa. Hindi niya hahayaan na hindi ito matamaan ng Ice-effect niya. “Wake up, sleepy head!” sunud-sunod na katok ang ginawa niya hanggang sa buksan n

