Chapter 26: "Don't Look Away" ISANG oras na ang nakakalipas nang umakyat na sila Dara sa bundok kung saan sila magpapalipas ng buong magdamag. Sa heart pick ng bundok sila magka-camping. Maganda raw ang view doon at masarap mag-relax. Doon na rin sila kukuha ng kakainin sa paligid. Huminto sa paglalakad ang professor nila at humarap sa kanila. “Guys, maari muna tayong magpahinga para makainom kayo ng tubig at magka-energy ulit. Almost 2 hours pa raw bago natin marating ang heart pick,” paliwanag nito. Kanya-kanya namang puwesto ang mga estudyante sa mga bato sa paligid upang maupo at magpahinga. Huminto na rin sila Andrei sa paglalakad. Medyo pa-incline ang dinaraanan nila kaya nakakahingal at nakakapagod. Bahagya ring basa ang mga lupa kaya madulas doon. “N-nakakapagod, be-beshy…” hin

