Chapter 34 'Liftoff' - Phoebe - Kinabukasan, ang siyang araw na aming pinaghandaan. Nakatanaw kami sa katatapos lamang na space probe. Ang disenyo nito ay nahahawig sa Rosetta na ni-launch noong March 2, 2004. "Job well done, kids," komento ni Prof. "Wala na tayong oras. Built-in hold couldn't be in our option. Same as Go/No Go dahil kailangang ma-launch ang space probe anuman ang mangyari. Ang Expendable Launcher Vehicle na gagamitin natin ay may three stages. Kailangan na natin itong ma-i-setup sa launch pad," sabi ni Eula at agad na kumilos ang tatlong lalaki. Si Eula ang nagmamaniobra sa bawat parts at stages ng ELV na ipinapasok nung tatlo. Ilang oras ang ginugol nila upang tuluyang ma-setup ang lahat. It's nine in the morning at ngayon pa lang kami magsisimula sa countdown. Bin

