Chapter 10 'Planet Eureia' — Phoebe — Halos matumba ako nang bigla na lang akong ibinaba ni Ares nang makapasok kami sa isang pinto. "I hate you to infinity and beyond!" singhal ko sa kanya at nginisian niya lang ako. "Ssh..." We heard someone hush at nilingon namin ang pinanggalingam no’n. Nakita namin si Prof Alarcon na naka-laboratory gown at naglalakad palapit sa amin. "You made it, students," bati niya sa amin at dumating din si Eros. "Tungkol saan po ang pag-uusapan natin?" hindi na ko nagpaliguy-ligoy pa at nagtanong na ako. "Maupo kayo." Itinuro niya ang upuan sa tapat ng table kung saan nakapatong ang iba't ibang kulay ng mga likidong marahil ay pinag-aaralan nila. Naupo kami at nakatayo si Prof sa harap namin. Para lang kaming nasa classroom. "Let's start, Eros," sabi niya

