Chapter 7. 'Trust and Doubts' — Phoebe — Ilang minuto na rin kaming nandito lang sa ilalim ng lamesa at patuloy na nakikiramdam sa paligid. Malinaw pa rin naming naririnig ang paghihirap ng mga estudyante. Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil naaawa ako sa kanila. Naiiyak akong marinig ang tila huling hininga nila. Natatakot din ako na maaaring walang matira sa mga estudyante kung magpapatuloy ang kung anumang nalalanghap nila. Nagkatinginan kaming tatlo nang makita ang makintab na itim na sapatos ng dalawang tao na naglalakad palapit dito sa lamesang pinagtataguan namin. "Marami nang hindi kinaya ang suffocation. Malaki ang chance na mamatay silang lahat," tinig ni Mr. Rivero. Kahit medyo kulob ang boses niya dahil sa mask na suot ay nabosesan pa rin namin siya. "Kung mamamatay s

