Chapter 49 'The Fall of the Puppeteer’ — Phoebe — Napaayos ako ng tayo at napalapit sa pinto nang may marinig akong ingay mula sa labas na tila mga nagtatalo. Hindi ko magawang makinig nang ayos dahil sa mga gamit na iniharang ko sa pintuan. "Phoebe!" Narinig ko ang pamilyar na boses at maraming yabag na nagmamadali. "Ares? Ares!" sigaw ko sa pintuan. Inisa-isa kong tanggalin ang kaninang ipinangharang ko nang masigurong boses nga ni Ares ang naririnig ko. "Where the hell are you, Phoebe?" "Nandito ako, Ares!" "Where?" Bakas na ang frustration sa boses niya. Nang matanggal ko ang lahat ng harang sa pintuan ay naka-lock na ito. Paano nangyari ’yon? Napakasama talaga ng Rivero na ’yon! "Ares! Dito!" Kinalampag ko na lang ang pintuan para makuha ang atensyon ng mga nasa labas at nari

