Chapter- 3

2240 Words
GALIT na galit si Eloiza dahil alam niyang naisahan siya ni Josh. Wala naman siyang choice. Hindi niya kayang makitang umiiyak ang dating mga tauhan nila dahil sa kasakiman ng bagong management kaya napilitan siyang pirmahan ang kasunduan at pakasalan ito. ‘Humanda ka, Josh Montemayor. Kung akala mo ay nanalo ka na, nagkakamali ka. Umpisa pa lang ng laro ito.’ Maagang bumalik si Eloiza ng Maynila dahil sa final exam niya this week at hindi pa siya nakapag-review man lang. Isa pang ikinaiinit ng ulo niya ay ang mga bodyguard niyang ayaw siyang tantanan. Kahit saan siya magpunta ay naging anino na niya ang mga iyon. Sa ngayon, hahayaan niya muna ang mga ito para pagdating ng tamang oras, hindi siya makikita ng mga ito sa pinaplano niyang gawin. After final exam ay gusto niyang mag-relax, alisin sa isipan ang mga problema pati na rin itong si Montemayor. Alam niya kung gaano kayaman at kaimpluwensiya ang mga ito pero wala siyang pakialam sa pera ng mga ’yon. Gagawin niya ang gusto niya, bahala ang Josh na ’yon magwala sakaling malaman ang pinaggagawa niya. Isang sikat na bar ang pinasok ni Eloiza kasama ng tatlong classmate. Ang akala ni Eloiza ay natakasan niya ang mga bodyguard. Ang hindi niya alam ay nasa paligid lang ang apat at nakamasid sa kanya. Hanggang bandang ala-una ng madaling-araw ay lasing na ang mga kasama niya samantalang siya ay nakaramdamam na rin ng pag-ikot ng paligid. “Let’s go, guys.” Mapungay na ang kanyang mga mata pero hindi naman siya pinapansin ng mga ito. Isang lalaki ang nagtangkang hawakan siya pero sa isang iglap ay bumalandra iyon sa sahig. Lilingonin sana ni Eloiza kung sino ang may kagagawan niyon nang bigla siyang umangat sa ere. “Put me down! F*ck you, assh*le! Sinabing ibaba mo ako!” ani Eloiza habang pinagsusuntok ang likod ng lalaking may buhat sa kanya. Si Josh. Pagkalabas ng bar ay agad na may humintong kotse sa harap nila at iniabot sa kanya ang key. Maingat na ibinaba ni Josh si Eloiza sa unahang upuan. Inayos niya ang seat belt ni Eloiza at umikot sa drive’s side. “Send the three ladies in the hotel and make sure they are safe.” Saka niya pinasibad ang sasakyan. Dinala ni Josh si Eloiza sa mansiyon nila sa Forbes. Malalim ang tulog nito nang pumarada ang kotse sa harapan ng mansiyon. Sinalubong sila ng mga guard at agad siyang bumaba. Ibinato niya ang key ng sasakyan sa isa sa mga iyon at saka binuhat si Eloiza. Pumasok siya sa banyo at kumuha ng mainit na towel saka agad na hinubaran ang asawa. Pinunasan niya ang buong mukha at leeg nito. Bumalik uli siya sa loob ng banyo at kumuha uli ng mainit na towel saka naghanap ng puwedeng malagyan niya ng tubig. Isang bucket ang nakita niya na may lamang mga men’s personal things. Inalis niya ang lahat ng laman n’on at hinugasang mabuti. Sinikap ni Josh na huwag magpaapekto sa nakikitang kahubaran ng asawa pero hindi niya maiwasan iyon kung ganito ang nakalatag sa harapan niya. Almost perfect ang katawan ni Eloiza pati ang buong mukha nito. Binalewala niya ang nag-uumalpas na pagnanasa habang pinupunasan ang buong katawan nito. Isa pang mainit na towel ang kinuha niya saka ibinuka ang mga hita nito at inilapat sa kaselanan nito nang tatlong minuto. Sinuotan niya ng T-shirt ang nahihimbing na na babae pati ng bagong boxer shorts dahil wala itong underwear. Sa haba ng T-shirt na suot nito ay nagmukha itong bata. Ang cute nito at bagay ang ganong attire sa kanya. Bago ito iwan ay hinalikan niya ito sa mga labi at sa noo saka tumalikod na at maingat na isinara ang pinto. ***** MAAGANG nagising si Josh dahil kailangan niyang bumalik sa hacienda. Bago umalis ay dumaan muna siya sa kuwarto ng asawa. Ibinaba niya sa gilid ng kama ang bagong biling pamalit nito saka maingat na hinalikan uli ito sa noo. “Rest well, sweety.” Ayaw sana niyang iwan ito pero wala siyang mapagpilian saka isa itong paraan para paibigin niya ang asawa na alam niyang may pinaplano ito laban sa kanya. Habang nasa biyahe ay hindi maalis sa isipan niya ang kanyang asawa. Feeler lang, Josh? Maka-asawa siya wagas, sa papel lang naman niya asawa si Eloiza. Sa mansiyon ay kanina pa nakaupo si Eloiza sa malaking kama, iniisip niya kung paano siya nakarating sa bahay na ito. Hindi lingid sa kaalaman niya na sa mga Montemayor ito dahil ang kuwartong ’yon, pangalawang beses na siyang nakapasok at nakahiga roon. Saka lang din niya na-realize na naka-suot siya ng T-shirt at boxer shorts. “Oh, God. Sinong nagbihis sa akin?” Agad niyang hinanap ang sariling damit pero wala iyon hanggang mapansin niya ang paper bag sa gilid. Ilang pares ng damit at underwear ang naroon. Agad siyang pumasok sa banyo at naligo. May napansin din siyang tableta na may kasamang note na “Drink me” sa side table. Maingat ang mga kilos na bumaba si Eloiza at nagmamadaling nilisan ang lugar na ’yon. Naalala niya ang mga kaibigan, dinukot niya ang phone sa bag at tinawagan kung ano na kaya ang nangyari sa mga iyon dahil wala siyang maalala sa nangyari kagabi. Ring lang nang ring at walang sumasagot sa mga ito kaya sumakay na siya ng taxi at nagpahatid sa condo niya. Gusto pa niyang matulog kahit ilang oras. Bandang hapon ay umalis siya. Kailangang matakasan niya ang mga bodyguard kaya nagmamadali siyang pumasok sa isang mall saka dumiretso sa restroom. Tinawagan niya ang nobyo na si Ken. “Pick me up, Ken. Narito ako sa mall pero hindi ko alam kung paano ako makakatakas sa mga bodyguard na nakasunod sa akin.” Agad niyang ini-off ang phone saka nagmamadaling lumabas. Dumiretso siya sa mga ladies wear at kumuha ng mga damit at nagbayad sa cashier saka pumasok sa fitting room. Itinaas niya ang mahabang buhok saka nagpalit ng damit at nag-makeup nang makapal. At kahit sinong makakakita sa kanya ay siguradong mapagkakamalan siyang cheap. Talo pa niya ang mga dancer sa mga beer house. Nangingiti siyang lumabas ng fitting room,, patay-malisyang lumabas ng mall at pakendeng-kendeng na akala mo ay malantod na bakla. Nang tumigil ang kotse ng nobyo ay halos hindi siya nito makilala. Ngunit nang lumapit siya sa kotse nito at hilahin ang pinto ay saka lang ito natawa sa itsura niya. “Whoa! Success!” Malakas ang halakhak niya sa loob ng sasakyan. Agad niyang kinuha ng wet tissue saka pinunasan ang buong mukha pati ang makapal na lipstick. ‘Manigas ka, Montemayor. Kahit gaano ka pa katuso, makakalusot at malulusutan pa rin kita.’ “Saan tayo pupunta, Ken? Kanina pa tayo sa daan.” “Hindi ba gusto mong lumayo at takasan ang mga bodyguard mo? So dadalhin kita sa hindi ka nila makikita.” Saka nakangising bumaling sa kanya. Bigla ang kabang naramdaman niya pero hindi siya dapat mag-panic, baka mahalata siya ng kasama. Napansin ni Eloiza na iba na ang way nila, parang papasok na sila sa isang liblib na lugar. “Ano’ng gagawin natin dito, Ken?” Gustuhin man niyang huwag matakot pero pumiyok ang boses niya nang isang abandonadong building ang pinasukan nila. Limang lalaki ang kanilang nadatnan doon at napansin din niyang kakaiba ang tingin ng mga ito sa kanya kaya agad siyang kinilabutan at napahawak nang mahigpit sa braso ni Ken. “Dude, tama ka, ang ganda nga ng chicks na ’yan kaya umpisahan na natin. Kanina pa ako naglalaway.” Lumapit pa sa kanya ang may tattoo saka hinaplos ang pisngi niya. Agad naman niyang iniiwas ang mukha rito. “Sit down, honey,” tawag sa kanya ni Ken saka may mga inilabas ang kasamahan nitong alak at yosi. May mga lighter din at injection na nakita si Eloiza pero wala siyang idea kung ano ang mga ’yon. Habang umiinom at nagsisipagyosi, mayroon ding umuusok na nakapatong sa foil. ‘Ano naman kaya iyon? Bakit nila hinihitit ang usok?’ “Come, honey, join us.” Umiling lang siya pero hinila siya ni Ken saka walang babala na siniil ng halik. Sa pagkabigla ay hindi siya nakagalaw agad. Bigla ang dating ng takot sa dibdib niya kaya malakas niyang itinulak si Ken. “Ano ba, Ken! Umuwi na ta—” Pinutol uli ng halik ni Ken ang sasabihin niya at doon na siya nag-panic kaya sinampal niya ito. “P*cha! Ikaw pa lang ang nakakasampal sa akin, ah!” Hinila ni Ken ang buhok niya at sinabunutan saka dinaklot ang kabilang dibdib niya. Nagpupumiglas siya pero hindi siya makawala at lahat sila ay nakamasid sa kanila ni Ken. “Dude, bilisan mo na, kanina pa ’ko atat na matikman ’yan!” “Maghintay kayo! Pagkatapos ko, ipapasa ko siya sa inyo. Manood lang muna kayo.” Hindi na napigilan ang pagpatak ng luha ni Eloiza, wala siyang kakayahang lumaban. “Ken, maawa ka . . . Pauwiin mo na ako, please.” Ngunit sa halip ay hinila ang kanyang blouse at napunit iyon kaya napasigaw siya nang malakas. “H’wag, Ken! Please tigilan mo ito . . .” “Wow, dude, ang sarap niya. Ang lusog ng dibdib, sarap lamutakin!” Iyon ang mga salitang naririnig ni Eloiza. Nanghilakbot ang dalaga nang makita niyang nakabukas ang jeans ng mga lalaki. Ang lahat ay humahaplos sa kanya-kanyang harapan habang si Ken ay pinipilit ibaba ang kanyang skinny jeans. Halos hubad na siya dahil sa pagkapunit ng blouse niya. “T*ngina, ang arte mo! Kanina pa ako nabubuwisit sa ’yo!” Isang malakas na sampal ang naramdaman ni Eloiza na dumapo sa kanyang mukha. Nalasahan niya ang dugo sa pumutok na labi. “Maawa ka, Ken. Pakiusap h’wag mong gawin sa akin ito.” Ngunit isa pang malakas na suntok ang tumama sa tiyan niya at namilipit siya sa sobrang sakit. Halos ikatigil ito ng hininga niya hanggang unti-unti nang nalugmok siya sa sahig. Bago nawalan ng malay ay hinila na nang tuluyan ang kanyang jeans. Nang matanggal ni Ken ang jeans ni Eloiza ay halos tumulo ang laway niya sa kagandahang nakalatag sa harapan niya. Halos manginig ang mga kamay niya sa pagmamadaling mahubad ang sariling jeans at pumwesto na sa pagitan ng hita ng walang-malay na dalaga. Agad niyang hinawakan ang panty nito para hilahin iyon pero isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Ken at bumagsak siya sa sahig. “Kuya, si Eloiza!” sigaw ni Delta. “Kami na ang bahala dito!” boses ni Drake. Halos mapatay ni Josh si Ken nang may humila sa kanya. “Kuya, si Eloiza!” Saka pa lang siya tila bumalik sa realidad at agad na hinubad ang suot na T-shirt at isinuot iyon sa walang-malay na asawa saka ito binuhat at nagmamadaling ipinasok sa kotse. Halos lumipad ang sasakyan niya sa sobrang bilis. Sobra ang galit niyang makita ang sitwasyon ng kanyang asawa, ang walang-kalaban-laban na babae. Seconds na lang, kung na-late pa sila ng dating ay baka na-rape na ang kanyang mahal. Dinala ni Josh ang wala pa ring malay na asawa sa isang beach resort saka pinatawag ang kaibigang doktor. “Drei, sa ngayon ito muna ang ibibigay ko sa kanyang gamot. ’Pag nagising na siya saka natin malalaman kung may nai-inject ba sa katawan niya. Kagaya ng sabi mo, may mga nakita kayong injection kung saan ninyo siya nakita. ’Pag nagising siya ay ipatawag mo na lang uli ako.” Saka ito tumalikod at nagpaalam na. Kumuha ng malinis na tela si Josh saka isang bucket at nilagyan iyon ng maligamgam na tubig saka binuhusan ng shower gel. Ini-lock niya ang pinto saka agad hinubaran ang asawa. Sa bawat marka na nakikita ni Josh sa mukha at katawan ng asawa ay gusto niyang manuntok. Maingat niyang pinunasan ang katawan nito para maalis ang mga natuyong dumi na nakadikit dito. Ang magkabilang dibdib nito ay may bakas pa ng mahigpit na pagkakahawak dahil sa pamumula at pangingitim. Sa sikmura pa niya ay may malaking pasa. Sigurado si Josh na sinuntok doon ang kanyang asawa. “Huwag! Maawa ka!” Biglang bumangon si Eloiza at nagsisigaw sa takot. Agad namang inilayo ni Josh ang bucket at towel na basa saka nilapitan ang asawa. “Sweety, it’s me.” “Huwag kang lumapit, parang awa mo na . . . Please, Ken, iuwi mo na ako . . . Ayaw ko dito.” Walang-tigil ang pag-agos ng luha ni Eloiza habang namamaluktot ang katawan sa sobrang takot. Mahigpit na niyakap ni Josh ang babaeng minamahal. “Shhh . . . Tama na, sweety, wala nang mananakit sa ’yo.” Nakaramdam naman siya ng unti-unting kapanatagan kaya agad siyang yumakap sa kanyang tagapagligtas. “Please, ialis mo ako dito. Please t-take me, s-sa ’yo na lang ako. Huwag mo l-lang akong ipasa s-sa kanila,” pagmamakaawa nito sa kanya habang nanginginig ang katawan sa sobrang takot. Mahigpit ang kapit ni Eloiza sa katawan ni Josh habang hinahaplos naman siya sa ulo ng tagapagligtas niya. Ramdam ng katawan niyang ligtas siya sa taong ito kaya mas pipiliin niya ito kaysa pagpasa-pasahan siya ng limang lalaking iyon. Naramdaman ni Josh na napanatag na ang katawan ng asawa kaya maingat niya itong inihiga sa kama at iniangat ang kumot para takpan ang kahubaran nito. Tatalikod na sana siya nang hilahin nito ang kamay niya. “Please don’t leave me . . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD