Heaven's point of view Nang matapos na kaming kumain ay agad naman muna kaming humiwalay ni Stephen kayna Dad, "Thank you pala sa kanina ah? Mukhang walang naimik si dad kanina," pahayag ko naman sa kaniya, Ngumiti naman siya sa akin nang sabihin ko iyon sa kaniya, "No problem Heaven, alam ko ang feeling ng pinagdadaanan mo ngayon and I've been there okay? And that time ipinaglaban ko pa, kaya kung ako sayo ipaglaban mo lang," tugon naman niya sa akin, Nagulat naman ako nang sabihin niya iyon sa akin, "Huh? Hindi mo nasabi yan sa akin kanina ah-- na naranasan mo na ito," saad ko naman sa kaniya, Natawa naman siya at napangisi nang sabihin ko iyon sa kaniya, "Now you know, ang hirap kaya at first. Kaso syempre dahil kailangan mong gawin, hindi mo naman maiiwasan na mahalin mo di

