Heaven’s point of view Kagagaling ko lang sa kwarto, nang biglang bumungad sa akin si dad at agad akong inaya pababa. “Heaven—let’s go down, at may gusto akong ipakilala sayo. He’s a friend of mine—kaya dapat maayos ang pakikitungo mo sa kaniya okay? wag na wag mo akong pahihiyain,” pahayag niya sa akin, Doon ay dahan-dahan naman akong tumango sa kaniya, at sumunod ako pababa ng hagdan. Pag-kababa ko ay bumungad sa akin ang isang lalaki at ito at nakangiti sa akin. “Heaven—this is Mr. Matsumoto, kaklase ko noong college,” pag-papakilala niya sa akin, At agad naman akong nakipag-kamay sa kaniya, “Nice to meet you po tito,” pag-bati ko naman sa kaniya “Wow—hindi mo naman sinabi sa akin na you have this beautiful young lady. Alam mo—mukhang bagay na bagay yan sa anak ko,” saad naman ni

