Chapter 18: The Lie Reeve Lowel's Point of View Binuhat ni Nikos at Uncle si papa upang makahiga sa sofa. Ako naman ay nakatayo lamang sa gilid habang kinakagat ang aking kuko. "I didn't know. Dumating kasi sila kaninang alas sais ng umaga at pinapasok ko sila. Kung alam ko lang nandito siya ay ginising na sana kita agaad." Banggit naman ni Colleen sa aking tabi. Kahit ako ay nahihilo sa sitwasyon ko ngayon. "Why are they here? Bihira lang sila pumunta dito." Tumingin sa akin si Colleen na para bang may gusto pang sabihin. "Reeve... huwag ka sanang magalit pero nasabi ko kay Mama ang sitwasyon mo. Malamang ay sinabi ito sa papa mo. I told my mother that your boyfriend cheated on you." Napahawak ako sa ulo ko at tiningnan ng masama si Colleen. "Colleen!" Agad naman siyang tumakbo sa b

