Chapter 4: Drunk

1128 Words
Victoria P.O.V. Nasa bar ako ngayon at nakaupo sa isang tabi ng biglang may tumabing lalake sa akin sa tabi ko "Hi?" sambit nito "Oum, hello?" "Teka diba ikaw si Luke, tama ba ako?" tanong ko dito "Oo" nakangising sabi nito Maya maya lamang ay napansin niya ang sugat ko sa aking pulsoan "Teka bakit ka may sugat sa pulsoan mo?" tanong nito sa akin at hinawakan ang pulsoan ko "Oum, ito ba wala ito" kinakabahan na sabi ko dito at kaagad kong nilayo ang pulsoan ko dito "Bakit ka nga pala naandito ulit?" tanong niya sa akin "Bakit masama ba na naandito ako ulit" sabi ko dito at kinuha ko ang isang baso ng red wine at ininom ko ito "Wala naman hehehe" sabi nito sa akin Ian P.O.V. Kanina ay ang ininom ni Victoria ay red wine lamang ngunit habang patagal ng patagal ang kuwentohan namin ay umiinom na ito ng Hard na alak. Hindi nagtagal ay nalasing ito kinarga ko ito at dahan dahan kong pinasok sa loob ng kotse "Saan kaya ito nakatira?" tanong ko sa aking sarili at pumasok na rin ako sa loob ng kotse para magmaneho habang nasa nagmamneho ako ay hindi ko maiwasang tumingin sa magandang mukha ni Victoria "Sa bahay na muna siya matutulog, hindi ko naman kasi alam address niya eh, teka check ko nga muna Cellphone niya i-contact ko mga parents niya" bulong ko sa aking sarili at pinahinto ko muna ang sasakyan para i-check ang loob ng bag niya. Pagkabukas ko ng bag nito ay nakita ko ang cellphone niya, kinuha ko kaagad ang cellphone niya sa kanyang bag at pagka open ko dito at may nakalagay na please enter youe password "Pano ito, pano ko macocontack ang magulang ni Victoria?" bulong ko sa aking sarili "Sa bahay na nga muna siya magpalipas ng gabi" bulong ko sa aking sarili at binalik ko ang Cellophone nito sa kanyang bag at sinimulan kong paandarin ang kotse Hindi nagtagal ay nasa bahay na kami ni Victoria Binuhat ko siya palabas ng kotse at dinaretsyo ko siya sa kuwarto, pinahiga ko siya sa kama at tinanggal ko ang sandal niya at kinumutan ko ito "Mukhang sa sala ako ngayon, matutulog ah" bulong ko sa aking sarili Pumunta ako sa sala namin at humiga ako sa upuan hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako Victoria P.O.V. May liwanag na tumatama sa aking mata dahil dito ay nagising ako. Pagkadilat ko ay nabulantang ako dahil hindi ko alam kung nasaan ako ngayon "Luhhhh, nasaan kaya ako?" tanong ko sa aking sarili Dahan dahan akong lumabas sa kuwarto at nagulat ako ng makita ko si Luke na nagluluto "Luke?" tanong ko dito Dahil sa sinabi ko ay napalingon ito "Oh,Victoria gising ka na pala" nakangising sabi nito "Teka nasaan ako?" tanong ko dito "Nasa bahay kita ngayon, paano naman kasi gagabi nalasing ka, at tsaka tatawagan ko sana ang mga parents mo pero may nakalagay na please enter your password, kaya ayun wala na akong choice, kaya inuwi na kita dito, at tsaka wag kang mag aalala wala akong ginawa sayo kagabi natulog lang ako sa sala" pagpapaliwanag nito "Talaga?" tanong ko dito "Oo totoo iyun, oo nga pala halika mag almusal na tayo" pag aayayang sabi nito sa akin Dahil naamoy ko ang halimuyak ng niluluto niya ay lalo akong nagutom "Sa bagay tama ka nagugutom na rin talaga ako" nahihiya na sabi ko dito "Ganon ba sige umupo kana, at ako na ang maghahain ng pagkain natin" nakangising sabi nito sa akin "Talaga?, nakakahiya naman ako nalang maghahain" sabi ko dito at kaagad akong lumapit sa kanya para kumuha ng mga plato at kutsara "Huyy, sabi ko ako na ang maghahain, ikaw umupo ka nalang sa lamesa" pagpapaliwanag nito sa akin at kinuha ang mga hawak hawak ko na mga plato at kutsara "Sigurado ka?" tanong ko dito "Yup" nakangising sabi niya sa akin Dahil sa sinabi niya ay umupo ako sa lamesa. Habang nagluluto ito ay pinagmamasdan ko lamang ito at nakita ko ang mga pawis na tumutulo sa kanyang noo at leeg. Dahil doon ay kaagad akong kumuha ng rabakara sa kanyang drawer at kaagad akong pumunta sa kusina para punasan ang pawis niya Pagkapunas ko sa kanyang pawis ay nagulat ito "Oh, bakit?" nakangising tanong niya sa akin "Ah pinupunasan kita pawis na pawis ka na kasi eh" pagpapaliwanag ko dito habang patuloy na pinupunasan ang mga pawis niya na tumutulo sa noo at leeg niya "Hala wag na nakakahiya naman, baka sabihin mo sa akin baby damulag ako eh" nahihiyang sabi niya sa akin "Hindi noh, okay lang sa akin" sabi ko dito habang patuloy na pinupunasan ang mga pawis niya na tumutulo sa noo at leeg niya Hindi nagtagal ay natapos na itong magluto kaya kumain na kaming dalawa habang kumakain kami ay nagkukuwentuhan kaming dalawa "Luke, ilang babae naman ang dinadala mo sa bahay na ito?" asar na tanong ko dito "Marami eh, sa sobrang dami hindi ko na maalala" saad nito "Hahahaha biro lang, syempre wala noh" tumatawa na sabi nito sa akin "Talaga?" asar na tanong ko dito "Totoo nga" sagot nito sa akin "Ikaw ha?" asar na sabi ko dito "Hala bakit naman" natatawa na sabi nito Hindi nagtagal ay hinatid ako ni Luke sa inuupahan namin ni Sofia Nasa labas kaming dalawa ni Luke at nagpapaalam sa isa't isa "Bye, Victoria" nakangising sabi nito sa akin dahil sa lapad ng ngiti niya ay kinilig ako dahil lalo itong gumogwapo kapag ngumingiti "Bakit parang ang saya saya mo naman, na naandito na ako sa bahay namin?" mahinahon na tanong ko dito "Hala hindi kaya nalulungkot ako kaya ako" mahinahon na sabi nito sabay yuko "Talaga?" "Oo" "Oh sige pasok na ako sa loob ha, byee" pagpapaalam ko dito, at kinawayan ko ito Kumaway din ito sa akin at pumasok sa loob ng kotse at umalis na rin pumasok na rin ako sa loob ng bahay namin, sumalubong kaagad sa akin ang maamong mukha ni Sofia "Huyyy saan ka galing, bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong nito sa akin "Natulog kasi ako sa bahay nila Luke eh" sagot ko dito "Hala anong ginawa nyo ha?" asar na tanong nito sa akin "Wala nalasing kasi ako kaya niya ako pinatulog sa bahay nila" pagpapaliwanag ko dito "Talaga?" asar na sabi nito sa akin "Totoo nga, pero ang bait bait niya sa akin lalo tuloy ako na-inlove sa kanya hahahaha" sabi ko dito "Ikaw talaga oh" natatawa na sabi ni Sofia "Oh sige magkuwento kapa kung ano pa ang nangyari?" sabi nito sa akin "Ah sige sige" sabi ko dito at umupo kaming dalawa sa sofa para i-kuwento ko pa sa kanya kung ano pa ang nangyari sa amin ni Luke sa bahay nila
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD