Sofia P.O.V.
Ginigising ko si Victoria para kumain na sa baba ngunit tulog na tulog ito kaya lang mas pinili ko parin siya na gisingin
"Huyyy, Victoria, gising na" sabi ko dito habang niyugyug ko ang mga braso niya
"Ayoko naantok pa ako" saad ni Victoria habang nakapikit ang mga mata nito
"Dali na kasi, gumising ka na" saad ko dito
"Oo,sige na" sambit niya habang kinukuskos ang mga mata niya
"Bumaba ka na ha, magluluto na ako, kasi nga kahapon ikaw nagluto kaya ngayon ako naman" nakangising sabi ko dito
"Okiee" sabi ni Victoria sa akin
Bumaba ako at naghilamos ako at nag toothbrush at pagkatapos non ay nagsimula na akong magluto, nagluto ako ng bacon, hotdog at itlog, at noong matapos na ako nagluto ay di ko akalain na baba na pala si Victoria
"Huyy, anong niluto mo, mukhang masarap yan ah" nakangising sabi ni Victoria habang buma baba ng hagdanan
"Masarap talaga" mapilosopong sabi ko dito
"Ganon ba, sige na nga kain na tayo" sambit ni Victoria at umupo sa upuan at akmang hahawakan na ang sandok para kumuha na ng kanin, pero kaaagad kong pinalo ang kamay niya
"Aray, naman ito oh,mapanakit" pabebe na sabi nito, luhhhh sabi niya mapanakit ako eh, di naman malakas ang pagkakapalo ko sa kamay niya
"Mag toothbrush ka kasi at maghilamos bago kumain, ito talaga oh" sambit ko dito habang kinakamot ko ang batok ko
"Ganon ba"
"Oo" sagot ko naman dito
"Eh, hayaan mo na, pwede ko naman gawin yun, after ko kumain diba" saad nito
"Luhhhh, di pwede,dapat bago ka kumain, ito talaga oh"
"Sige na nga" sambit nito at pumunta kaagad sa CR at nagsimula na itong maghilamos at mag toothbrush at pagkatapos niya yoong gawin ay pumunta ito sa lamesa at umupo sa upuan nito
"Yes, kakain na ko" nakangising sabi ni Victoria habang ang mga mata ay tikim na tikim sa mga ulam na nakalagay sa lamesa, at nagsimula na kaming kumain, at habang kumakain kami ay naisipan kong magtanong
"Oum, Victoria, sama ka sa akin bukas ha, simba tayo, kasi bukas ay Sunday, kaya kailangan nating magsimba"
"Wag nalang tayo magsimba, magdasal nalang tayo, ayun din naman ang gagawin natin sa simbahan eh"
"Luhhh, grabe ka naman ang pupuntahan natin ay bahay ng diyos at tsaka tignan mo ah, anim na araw tayo na kahit anong ginagawa natin diba, tapos isang araw lang, di pa natin maibigay sa Panginoon" sambit ko dito
"Ayoko" pabebe na sabi ni Victoria
"Ayaw mong magsimba bakit?" tanong ko dito
"Eh, gigimik ako bukas eh"
"Ano gigimik ka sa mismong Linggo, bakit naman eh banal na araw yun eh?"
"Basta ayoko" pabebe na sabi nito
Ayoko nalang siyang pilitin kung ayaw niya rin kaya omuoo nalang ako sa sinabi niya
" Oh sige na, kung ayaw mong magsimba okay lang sa akin" mahinahon na sabi ko dito
"Talaga?" nakangising tanong ni Victoria
"Oo" sabi ko dito
"Yehheyy, makakagimik ako bukas" tuwang tuwa na sabi ni Victoria
(Kinabukasan)
Nag aayos ako para makapagsimba na mamaya habang si Victoria naman ay nakaupo lang sa sala at nanood ng TV
"Victoria, akala ko ba may gimik ka ngayon" saad ko dito habang nag iipit ako
"Mamayang gabi pa yun" sambit nito habang nakaupo ng komportable sa upuan
"Luhhh, talaga ibig sabihin makakapagsimba ka pa kasi ngayong tanghali na yung Simba eh"
"Hayysstt, ayoko nagiipon ako ng lakas para malakas energy ko mamaya sa bar" saad ni Victoria
"Ganon ba,oo nga pala aalis na ko, alasdose na ng tanghali eh, byee!" sabi ko dito
"Sige byee, ingat" saad nito
Nasa simbahan ako at nagdadasal
Ama po namin na nasa langit nagpapasalamat po ako ngayong araw dahil po makapagsimba po ako at matagal ko na rin po pinagsasalalamatan na makahanap po ako ng sobrang bait na kaibigan tulad ni Victoria, hinihiling ko po na lahat po ng mga nasa puso na gustong tuparin ni Victoria sana po ay ibigay niyo po yun sa kanya, at hinihiling ko rin po na gabayan niyo po kaming dalawa ni Victoria, sa pang araw araw na buhay po namin, at lahat po ng ito ay iniiwan ko po sa pangalan ni hesukristo Amen, yuon ang mga hinihiling at pinagsasalamatan ko sa ating Panginoon, at palabas na sana ako ng simbahan ng may nagkabunggoan ako
"Ay, sorry" saad ng Lalake
"Hindi po okay lang po" sambit ko dito
"Hehehehe, ganon ba, oum nagsisimba ka?" tanong ng Lalake
"Opo"
"Ganon ba, bihira lang kasi akong makakita ng babaeng nagsisimba tulad mo eh" sabi ng Lalake
"Di naman po siguro" sambit ko dito
"Hehehehe, anong pangalan mo?" tanong ng Lalake
"Oum, Sofia po" sagot ko dito
"Ian" saad ng Lalake at ininangat niya ang isa niyang kamay, para makipag kamay sa akin, at nakipag kamay naman ako dito
Si Ian ay isang lalakeng sobrang puti at napakaguwapo niya, parang lahat ng babae na makakakita sa kanya ay maiinlove sa kanya at umiigting din ang panga nito.
"Ah, sige po mauna na po ako" sabi ko dito
"Oum, sige" saad ni Ian at paalis na ako ng bigla niyang hinablot ang aking braso
"Ah, sandali lang, anong number mo?" tanong nito, grabe di ako makapaniwala na may lalakeng naglakas ng loob para kunin ang number
"Oum, ano po eh" nahihiya na sabi ko dito
"Ayaw mo ba?" tanong ni Ian sa akin
"Ay hindi ito po yung number ko" sabi ko dito at inabot ko sa kanya ang cellphone ko at kaagad naman na inabot nito ang cellphone ko para makuha ang number ko
"Ito na tapos na" nakangising sabi niya at inabot niya sa akin ang cellphone ko
"Sige po, mauna na po ako" sabi ko dito at tinalikuran siya at nagpatuloy ako sa nilalakaran ko
"Nice to meet you Sofia" narinig ko yun sa aking likod dahilan ng paglingon ko at nakita ko si Ian na nakangisi sa akin, siya pala nagsabi sa akin non
Victoria P.O.V.
Yessss, excited na akong mag party party mamaya, yehheyy
Nasa bar na ako at umiinom ng red wine ng may grupo ng mga lalakeng nakatingin sa akin at isang lalake lang ang tinuunan ko ng pansin, grabe ang gwapo niya
Ian P.O.V.
"Pare, dali na lapitan mo na yung babae dun" pagpupumilit na sabi sa akin ng isa sa mga tropa ko
"Bakit ako kanina nga inutusan niyo ako lapitan yung babae na nasa simbahan kinuha ko pa nga number niya eh, tama na yun" sambit ko dito
"Ito talaga oh, dali na kasi" sambit pa ng isa sa mga tropa ko
"Bakit kasi ako?,kayo na lang ah"
"Pare alam mo naman na sa ating magkakatropa ikaw lang ang maitsura diba, kaya dali na lapitan mo na, yung chicks"
"Ano naman sasabihin ko?" tanong ko sa mga tropa ko
"Magpapakilala ka sabihin mo ang pangalan mo ay Luke"
"Ha?, bakit iibahin ko yung pangalan ko?" inis na tanong ko dito
"Pare, diba kanina sa simbahan sinabi mo sa babae ang tunay mo na pangalan dito naman papalitan mo pangalan mo, kasi baka kapag nalaman nila na iisa ka, sigurado ako malalagot ka, dali na lapitan mo na, kanina pa nakatingin sayo oh" pagpupumilit nito
"Oo na, lalapitan ko na" sabi ko dito, bahala na para lang tumahimik sila
Victoria P.O.V.
Luhhhh lalapit siya kinikilig ako hahahahha
"Hi Miss" nakangising sabi nito, luhhh ang gwapo niya
"Oum Hello" nahihiya na sabi ko dito
"Anong pangalan mo?" tanong nito sa akin, luhhh kinikilig talaga ako ahahahhahahah
"Oum, ako si Victoria" nahihiya na sabi ko dito
"Ako naman si I- este Luke pala" nauutal na sabi nito siguro kinikilig siya kaya siya nauutal haha
"Anong gusto mong inumin?" tanong ni Luke sa akin
"Oum, wala naman at tsaka umiinom na ako ngayon hehe"
"Ganon ba" saad nito at pagkatapos niya yuong sabihin ay nagbigay ako ng topic, dahil sa ginawa ko ay nagsimula na kaming nagkuwentuhan, luhhh ang gwapo niya talaga