Sofia P.O.V.
Nag rereview ako sa sala pero kahit ganon pa man hindi parin maalis sa isip ko yung lalake kahapon sa simbahan grabe ang gwapo niya, mag kikita pa kaya kami ulit, hayysstt di ko alam, hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang nangyari kahapon nong nagkakilala kaming dalawa, grabe naman ako, kahit nag rereview ako siya parin yung pumapasok sa isip ko hehehe.
(Flashback)
Palabas na sana ako ng simbahan ng may nagkabunggoan ako
"Ay, sorry" saad ng Lalake
"Hindi po okay lang po" sambit ko dito
"Hehehehe, ganon ba, oum nagsisimba ka?" tanong ng Lalake
"Opo"
"Ganon ba, bihira lang kasi akong makakita ng babaeng nagsisimba tulad mo eh" sabi ng Lalake
"Di naman po siguro" sambit ko dito
"Hehehehe, anong pangalan mo?" tanong ng Lalake
"Oum, Sofia po" sagot ko dito
"Ian" saad ng Lalake at ininangat niya ang isa niyang kamay, para makipag kamay sa akin, at nakipag kamay naman ako dito
Si Ian ay isang lalakeng sobrang puti at napakaguwapo niya, parang lahat ng babae na makakakita sa kanya ay maiinlove sa kanya.
"Ah, sige po mauna na po ako" sabi ko dito
"Oum, sige" saad ni Ian at paalis na ako ng bigla niyang hinablot ang aking braso
"Ah, sandali lang, anong number mo?" tanong nito, grabe di ako makapaniwala na may lalakeng naglakas ng loob para kunin ang number ko
"Oum, ano po eh" nahihiya na sabi ko dito
"Ayaw mo ba?" tanong ni Ian sa akin
"Ay hindi ito po yung number ko" sabi ko dito at inabot ko sa kanya ang cellphone ko at kaagad naman na kinuha nito ang cellphone ko para makuha ang number ko
"Ito na tapos na" nakangising sabi niya at inabot niya sa akin ang cellphone ko
"Sige po, mauna na po ako" sabi ko dito at tinalikuran siya at nagpatuloy ako sa nilalakaran ko
"Nice to meet you Sofia" narinig ko yun sa aking likod dahilan ng paglingon ko at nakita ko si Ian na nakangisi sa akin, siya pala nagsabi sa akin non
(End of the Flashback)
Hayysstt, di ko parin talaga makalimutan yong nangyari kahapon, at habang nag mumuni ako at nag rereview, ay biglang niyakap ako ni Victoria
"Huyyy, alam mo ba kahapon, may nakilala ako sa bar,lalake ang gwapo niya!" kilig na kilig na sabi ni Victoria sa akin
Gustong gusto ko rin sabihin sa kanya na may nakilala akong lalake sa simbahan at gwapo rin yun
"Huyyy, nakikinig ka ba?" tanong ni Victoria sa akin at kumawalas ito sa pagkakayakap sa akin
"Oo naman, nag rereview lang kasi ako" sabi ko dito, hahahahha sinungaling na ako nag rereview nga ako iba naman iniisp ko
"Ah, ganon ba" sabi ni Victoria habang nakayuko at may pagka malungkot ang boses nito
"Luhhhh, hindi sige na magkuwento ka na" nakangising sabi ko dito
"Ah, ganon ba, alam mo ba kahapon may nakilala akong guwap-" di na natuloy ni Victoria ang sinasabi niya dahil biglang sumeryoso ang tingin nito sa akin
"Huyyy, bakit naman ganyan tingin mo sa akin?" nagtatakang tanong ko dito
"Teka, nakikita ko lang sa mata mo parang may pagkamasaya ka?" saad ni Victoria
"Luhhhh, wala noh" sagot ko naman dito
"Wehh, sandali lang may Lalake na bang nagpapangiti sayo?" nakangising tanong ni Victoria sa akin, luhhhh wait lang pano niya nalaman, nakakahiya kasi alam niya buong buhay ko ay naka focus lang ako sa pag aaral ko, at tsaka ngayon niya lang talaga nakita na pati ang mata ko ay parang nakangiti na
"Ngayon sagutin mo ko, Sofia, may lalake na bang nagpapangiti sayo?" tanong ni Victoria sa akin na may halong kilig
"Oum" sabi ko dito
"Dali na sabihin mo na, sino?" tanong ni Victoria sa akin
"To be honest,oo per-" di ko pa natapos ang sinasabi ko ng nagsalita kaagad si Victoria sa akin
"Sinasabi ko na nga ba eh, hahahah, talaga anong pangalan?" kinikilig na sabi ni Victoria sa akin
"Ang pangalan niya ano, Ian" saad ko dito
"Talaga, yung lalake naman na nakilala ko kahapon ang pangalan niya naman ay Luke" saad ni Victoria sa akin
"Talaga?" sabi ko dito
"Oo, ayieeeee" kinikilig na sabi ni Victoria, grabe naman itong si Victoria, kilig na kilig, hahahahha
(Kinabukasan)
Nasa park ako at nakaupo sa mga damuhan at pinapanood ko ang mga bata na nag sasaranggola, haahaha ang cucute nila sobra
"Ganyan Sana ka cucute mga anak ko, balang araw" bulong ko sa aking sarili
"Talaga?" sabi ng boses na nangagagaling sa likoran ko, at nagulat ako ng makita ko ang maamong mukha ni Ian
"Hi?" nakangising sabi ni Ian
"Oum, hello" sagot ko naman dito, dahilan ng pag upo niya sa tabi ko
"Ang cute mo pala kapag nahihiya ka" sambit ni Ian habang nakatitig sa akin
"Ah, eh, hehehe" luhhhh di ko alam sasabihin ko, hehehe kinikilig ako
"Oum, may boyfriend ka na ba?" tanong ni Ian sa akin, dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso ko, luhhhh bakit niya kaya natanong sa akin yun
"Oum, wala, since birth" nahihiya na sabi ko dito
"Wow, first time ko makarinig niyan sa babae" sambit ni Ian, ha?, anong sinasabi niya eh di lang naman ako ang single sa mundong ito, marami rami kami hahahah
"Ah, hehehehe" sabi ko dito
"Kanina ka pa dito?" tanong ni Ian sa akin
"Oum, oo" sabi ko dito
"Ah" sagot naman ni Ian
Nanatili kaming tahimik dahil pinapanood namin ang mga bata na nag sasaranggola magkatabi parin kaming dalawa sa damuhan ng park ng biglang nagsalita ito
"Ang cucute nila noh" sabi ni Ian ng di inaalis ang tingin sa mga bata
"Oo nga eh" sagot ko naman dito
"Gusto mo gawa tayo niyan?" saad ni Ian habang nakatitig sa akin, luhhhh anong ibig sabihin niya
"ng bata?" tanong ko dito
"Ah, hindi ng saranggola" sambit ni Ian, grabe nakakahiya ako baka sabihin niya green minded ako, hayysstt nakakahiya talaga ako oh
"Oum, Ian, mauna na ako" sabi ko dito
"Ha?, bakit?" tanong nito
"Mag gagabi na kasi eh, bawal pa naman ako gabihin sa daan" pagpapaliwanag na sabi ko dito
"Ganon ba, ihatid na kita?" saad ni Ian
"Ah, hindi na kaya ko naman"
"Hindi, delikado kasi eh"
"Hindi naman siguro"
"Sigurado kaba uuwi ka mag isa?" tanong ni Ian
"Oo naman" sabi ko dito
"Sige"
"Sige bye" sabi ko dito at nagsimula na akong tumayo sa ikinauupuan ko at nagsimula na akong maglakad
"Ingat ka ha!?" sigaw ni Ian sakin, kaya siya sumigaw dahil malayo ako at baka di ko siya marinig kapag di ito sumigaw
"Sige, ikaw rin!" sigaw ko rin dito habang patuloy na naglalakad palayo sa kanya
Naandito na ako sa tapat ng pintuan ng bahay namin at naka-lock ito kaya't sinusian ko ito, pagkapasok ko sa loob ng pintuan ng bahay namin ay may kumalabog sa taas ng kuwarto namin ni Victoria, kaya't dali dali akong tumass at binuksan ko kaagad ang pintuan ng kuwarto namin at laking gulat ko ng punong puno ng dugo ang pulsoan ni Victoria, at nagwawala ito lahat ng mga gamit na nakikita niya ay ibinabalibag niya sa samento, kaya't tumakbo ako papunta sa kanya at hinawakan ko kaagad ang pulso nito ng punong puno ng dugo
"Ano bang ginawa mo Victoria, bakit naglaslas ka na naman?" umiiyak na sabi ko dito, grabe ang lalim ng sugat niya
"Ano ba, hayaan mo nga ako!!" galit na galit na sabi ni Victoria sabay tulak sa akin pero niyakap ko ito
"Ano ba Victoria, bakit ka ba nag kakaganito!?" sabi ko dito habang di ako kumakawalas sa pagkakayakap sa kanya
"Tuwing nakikita ko ang mga bata na may mga kasamang magulang, naiingit ako lagi, at tsaka tuwing pipikit ako naaalala ko yung bad memories ko noong bata pa ako" sambit ni Victoria
"Ano ba, kalimutan mo na yun!" sabi ko dito at hinawakan ko ang mukha niya at pinupunas ang mga luha niya
"Ayoko na ng ganitong buhay!!" galit na galit na sabi ni Victoria
"Ano ba Victoria, kapag namatay ka pano ako, di mo ba nakikita na sobra akong masasaktan kapag nawala ka!, ha?" umiiyak na sabi ko dito, niyakap lang ako nito at niyakap ko rin ito
Di nagtagal ay napakalma ko ito at ginamot ko ang sugat niya sa pulsoan niya, at nagsimula kaming magkuwentuhan ni Victoria.