Ilang text message galing kay Ruth ang pumasok sa cellphone ko. Base sa announcement ng flight attending. Mayroon pang kinse minutos bago umalis ang aircraft na magdadala sa amin sa Basco. Marami pa akong oras na reply-an ang text message nito o sagutin ang mga tawag niya pero hindi ko ginawa. I pulled down my screen and press the airplane mode. Nang magawa 'yon ay saka ko isa-isang binasa ang napaka-rami niyang text. From: Ruth Vanderwood [Ang aga mo namang umalis. Hindi ko alam na may lakad ka pala.] [Anong oras ka makakabalik? Dito ka ba magbi-breakfast?] [Gising na si Sivan. Hinahanap ka niya. Nasaan ka ba?] [Pauwi ka na ba? You joining us for lunch? Nagluto ako ng paborito niyo ni Sivan.] [Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag? Kanina ka pa hinahanap ni Sivan. Umiiyak

