I swipe the thin curtain that's hanging against the french window to the side so I could get a proper glimpse of the outside world. The gloomy gray sky catches my attention. Like Kylué, the sun and its sunshine is nowhere to be found and I couldn't help but feels emptier today than I was last night.
"Isang beses sa isang taon bigla na lang umaalis si Kylué," sabi ni Ryu nang lapitan niya ako kinagibihan din noong araw na bigla na lamang nawala si Kylué. I stopped playing with my phone and tilted my head to her direction. She got my full atention and she knows it. Ipinasok ko ang cellphone sa loob ng bulsa ng aking pantalon at tuluyan nang binalingan si Ryu.
"Taon-taon?" tumango ito at ngumuso nang bahagya na para bang may kung ano pa 'tong inaalala. "Isa o dalawang linggo, matagal na 'yung tatlo. Mawawala siya nang gano'n katagal tapos babalik siya na parang walang nangyari—sa simula talaga siya ng April biglang umaalis. Walang palya 'yon. Ewan... parang tradisyon niya yata 'yon o ano ba." Muling tumawa si Ryu habang mayroon naman akong naalala. Tuwing Apil. April is Lady Barcelona—his mother's death month. Dinadalaw niya kaya 'yon sa pinagtapunan niya ng abo nito na siya lang din naman ang nakakaalam kung saan? Sunod-sunod kong tanong sa 'king sarili na hindi ko rin naman mabigyan ng kasagutan.
Mapakla akong napangisi bago ko nagawang bitawan ang hawak na kurtina saka dumiretso sa banyo ng sariling silid. Ang sabi ni Ryu pinaka-matagal na ang tatlong linggo pero lampas isang buwan nang wala si Kylué. Araw-araw at maski na sa gabi ay nakabantay ako sa 'king cellphone para kung mag-reply na siya sa mga text ko o kung tumawag man siya ay agad kong masasagot pero wala. Wala akong natanggap na kahit na ano kung kaya't sumasagi na sa isip kong hindi na siya babalik. Kapag naiisip ko 'yon halo-halo ang nararamdaman ko. Natatakot, nag-aalala—nagagalit. Natatakot at nag-aalala ako na baka napahamak na siya kaya hindi pa 'to nakababalik at kung minsan, kapag napagod na 'kong mag-alala ay nagagalit ako sa kaniya. Anong karapatan niyang iparamdam sa 'kin noong gabing 'yon na mayroon nang nakaiintindi sa 'kin sa wakas tapos bigla siyang mawawala? Ang lakas ng loob niyang guluhin ako sa panahimik ko tapos kung kailan hinahanap-hanap ko na siya ay saka siya hindi magpapakita?
Pagkakuha ko ng isang kapsula ng aking maintenance medicine ay kaagad kong sinara ang drawer kung saan 'to nakatago. Habang nakipagtitigan sa sariling repleksyon ay ipinasak ko sa 'kong bibig ang gamot at nilunok 'yon ng hindi na pinaresan pa ng tubig. Isinangkal ko ang aking kamay sa magkabilang gilid ng lababo saka mariing pinilig ang aking ulo nang masakop na naman ni Kylué ang aking pag-iisip.
"Tangina. Tigilan mo na 'yan, Ivar!" Naiiling akong humalakhak saka nagmulat ng mata. Una kong nakita ang gawa sa bakal na gunting na nasa gilid ng lababo nang tumaas na ang talukap sa 'king mga mata. Hindi na alam pa kung ano ang tumatakbo sa 'king isipan. Wala sa sariling ginupit ko ang aking buhok at habang ginagawa 'yon ay mas lalong lumalapad ang mapaklang kurba sa aking labi. Tuwing inilaglag ko ang hibla ng aking mga buhok sa lababo ay parang mas nakakaramdam pa ako ng kung anong bugso na may kailangan pa 'kong gawin sa 'king sarili para maging maayos ang pakiramdam ko.
Gusto kong makaramdam ng pisikal na sakit para makalimutan ang lahat nang bumabagabag sa 'kin.
"Esquivar!" a horrified voice brought me back to my senses.
"Tangina." Mahina kong mura. Bumaling ako sa 'king likuran at nagmamadaling kinuha ang maliit na towel mula sa rack at itinapal 'yon sa dumudugo kong pala-pulsuhan. Nang maramdaman ko ang kirot at hapdi galing sa dalawang malalim na hiwang nagawa ko malapit sa 'king pala-pulsuhan ay muli na naman akong napahagikhik at napapikit.
Nang maramdaman kong nakatayo na malapit sa 'kin si Ruth ay nagmulat na 'ko ng mata at kaswal 'tong pinasadahan. "Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na Ruth," sabi ko bago 'to nilampasan at iniwan sa loob ng banyo.
Dumiretso ako sa 'king higaan para kunin ang bendang nasa drawer ng bed-side table. Napaismid na lamang ako bago naupo sa kama nang mapatingin ako sa pinto ng cr at nakitang lumabas doon si Ruth. Her worried face and cautious steps annoyed me more. Imbes na pag-aksayahan pa siya ng oras at laway ay hindi ko na lang siya pinansin pa at nagsimula na lang sa pagbenda ng aking sugat.
"I missed you, Esquivar. I miss saying I miss you." Natigil ako sa paglalagay ng benda sa 'king pala-pulsuhan para lamang matitigan ko siya nang maayos. "I'm glad I make it to the final training stage for Femme Fatale." Malalim akong bumuntong-hininga.
"I hope you want to become a Femme Fatale girl to prove something in yourself Ruth 'cause if you're doing that to be with me... let me tell you that I'm not worth it. Puwede kang mamatay sa training na ibibigay ni Ryu at kung mamatay ka nga, wala na 'kong pakialam pa... ni hindi kita ipagluluksa," anas kong nagpatahimik at nagpayuko kay Ruth.
"Ano na naman?" asik ko sa lalaking sakto sa 'king pagtatanong ay ang pagpapakita niya naman sa pinto. Itinaas ni Noe ang dalawang kamay at mapanuksong ngumisi. "Relax, Head Knight. Nandito lang naman ako para ipaalam sa 'yong may prinsipeng napadpad dito. Wala si Kraige at Kreios kaya naman ikaw na ang humarap sa kamahalang galing pang Grivence." Noah Evan bow down his head as if he's doing curtsey.
"Nice. Did she cut your hair? That's sweet and cute," dagdag na komento ni Noe. Nang samaan ko 'to nang tingin ay ipinakita niya lang sa 'kin na izinipper niya na ang bibig saka umalis na sa may pintuan.
Grivence. Prinsipeng galing sa Grivence. Kung gano'n ay si Sinichi? Ano naman ang kailangan ng taga-pagmana ng trono sa Rapscallion?
Dahil hindi naman ako puwedeng humindi sapagkat sakop ng tungkulin ko ang makipag-usap sa mga kung sino mang panauhin sa tuwing wala rito si Kraige o Kreios. Napilitan akong mag-ayos ng sarili at lumabas sa pader ng aking silid na isang buwan ko na ring pinagtataguan.
"You stand in the presence of his royal highness, Sinichi Stygians, crowned prince of the Grivence Kingdom," pormal na anunsyo ng isang babae pagpasok ko sa assemblage kung saan ipinadidiretso ang mga importanteng taong napadpad ng RMH para mapag-usapan ang kung ano mang ipinunta nila rito.
The familiar royalty raised his left hand and gestures his butler to leave the two of us. As if he's the one who owns this place, the crowned prince signalled me to sit down on the opposite side of where he's resting comfortably.
"Esquivar dela Torre, 'di ba? Head Knight of Rapscallion Mafia. The cracken and one of the world's best reaper. Those titles got my curiosity, Mr. dela Torre." The two of us keep a straight face as our conversation kicks in. The way this man scribble words will tell everyone that he's noble even if he wears worn out clothes and try to disguise.
"And that curiosity lead you here, your highness?" I asked. Pinasadahan ni Sinichi ang itim na itim niyang buhok habang ang kaniyang abuhing mata ay nagpakita ng kakaibang kislap ng kaseryosohan.
"You can say that too but the reason why I came all the way from Grivence to here is for a request." Tumaas ang dulo ng aking kaliwang kilay habang hinihintay ko pa ang mga kasunod na sinasabi niya.
Sinichi chuckled heartily. "It's a long and boring story tell and I think all that you need to know is I want you to become my head of security while the man who owns that position is on the hospital and doing his recovery." Pinagsiklop ko ang aking kamay saka diretsong nakipagtitigan sa lalaking kaharap na masuyong naghintay sa 'king itutugon.
"It would be a pleasure but unfortunately I can't. Some things here needs my attention and I'm afraid I can't leave them behind but Rapscallion could still help you with your problem, your highness."
"Really though?" he asked, interested. I moved my head and smiles formally to him. "I can reccommend someone whom I think is a perfect fit for the job. His name is Harvey Octavius Arellano, your highness." Napaisip si Sinichi habang tumayo naman na ako sa 'king kinauupuan.
"Ipatatawag ko siya para makapag-usap na kayong dalawa."