"Even if you know what's coming,
you're never prepared for how it feels."
-Natalie Standiford
xxxxxx
Kahit na ilang beses ko pang sinubukang alisin sa kaniya ang mga mata ko. Paulit-ulit ko pa rin 'tong natatagpuang nakakabalik pala sa kaniya nang hindi ko man lang namamalayan. Hindi lang 'yon simpleng pagpasada na kadalasan kong ginagawa. Ngayon kasi mas tutok ako rito at halos namamangha pa. Bawat pagkilos nito ay parang kinakabisado ko. Kung paano niya hinihila ang string ng bow na hawak. Kung paano lumilipad sa ere ang arrow bago 'yon tumama sa target stand at kung paano pumipinta ang masayang mga ngiti sa labi nitong nagpapaliwanag sa kaniyang maamong mukha.
Tangina, Esquivar. Ano na bang nangyayari sa 'yo?
"Wala na. May nanalo na," sambit ng isang beses sa 'king likuran. Pasimple kong binawi ang bawat hibla ng katinuan kong nakalutang sa ere. Nang nasa tamang wisyo na bumaling ako kay Ryu na umupo sa tabi ko.
"Ang lagkit ha." Behind her words lies meanings that I can understand but would never want to acknowledge. This is not what we think it is and I'm not supposed to feel what she thinks I'm already feeling. Lalaki ako, siguradong-sigurado ako.
"How's Kreios? Still devastated by the fact that her ex-lover will be her Father's new wife and his stepmother?" sinarado nito ang bottled water na hawak at pinanatili lang muna sa kaniyang kamay. Taas kilay niya 'kong seryosong pinanunuod. Masiyadong seryoso 'yon na 'di ko na rin ikinatuwa nang tumagal.
Humalukipkip si Ryu sa 'kin bago unti-unting binuhay ang mapang-husgang ngiti sa manipis at mapupula niyang labi. "Is it just me or there's something really weird about you these past few days? And when did you even start sticking your nose to someone else's business?" hindi ko na lang siya inimikan.
Sakto sa pagtingin ko sa grounds. Nakita ko ang paglapit sa 'min ni Havoc. Tumatakbo ito dala rin ang sarili niyang pana.
"Ivar, sali ka sa 'min. Kulang kami ng isa," anito. Iwinagayway niya sa harap ko ang bow para iparating na 'yon ang lalaruin namin kung sakaling sumang-ayon ako.
"Nasaan na 'yong tatlong itinitrain niyo?" pang-uusisa ko habang hinahanap ang mga 'yon sa training grounds pero wala na nga. Hindi ko man lang napansin na umalis ang mga 'yon.
"Tinawag ni Kreios. Niyaya niyang mag-sparing."
"3 versus 1?" biglang singit ni Ryu.
"Oo ata?" sa gitna nang pag-uusap ng dalawa ay nakita ko ang paglalakad ni Kylué pabalik dito. Pawisan na 'to at ang buhok niya ay basang-basa na dahil doon pero parang hindi niya naman 'yon iniinda.
"Talagang gagong tarantado nga ang lalaking 'yon," bulong ni Ryu bago siya tumayo at patakbong umalis para pumunta sa gym kung nasaan ang boxing ring.
"Ano na, Ivar? Sayang 'yong pustahan. 20 thousands din 'yon." He claps his hand then sprints his way back to the grounds where Noe are.
"Susunod na 'ko. Maglalagay lang ako ng gear," tugon ko.
"You let him call you Ivar too?" may kung ano sa tono ni Kylué. Hindi ko alam kung nagtatampo ba 'to o nabubwisit o baka naman sa pandinig ko lang talaga.
"Akin 'yan!" maagap kong pag-iimporma rito nang kinuha niya mula sa lamesa ang bottled water na ininunman ko. Ipinagsawalang bahala niya 'yon at tinuloy pa rin ang balak. Pagkaubos niya ng laman non ay humarap 'to sa 'kin. Ang isa niyang kamay ay itinukod niya sa lamesa habang ang isa pa ay ginagalaw ang hibla ng buhok nito.
"Dapat ako lang ang tumawatag non sa 'yo, Ivar." saglit mang natigilan. Nagawa ko pa ring makakilos na kaagad at mabawi ang sarili ko mula sa pagkalitong lumulunod na sa 'kin bago niya pa man 'yon tuluyang mahalata.
Pinantayan ko ang nang-eestima nitong mga titig. "It's just a nickname, Kylué. Why does it looks like you're about to cry over it. Kylué ang tawag sa 'yo ng karamihan pero 'di naman ako nagreklamo---"
"Then call me Amorue."
"Ewan ko sa 'yo, para kang tanga," asik ko bago siya iniwan.
Nang marating ko na ang p'westo nina Havoc. Napabalik sulyap ako sa tent. Paalis na rin siya roon para daluhan kami rito.
"Coin flip na lang para malaman kung sino ang magkagrupo at walang dayaan," suhestyon ni Havoc nang nandito na rin si Kylué sa tabi namin sa wakas. Nang walang tumutol, nilabas nito ang limang piso mula sa bulsa. Itinuro niya 'ko. "Ikaw muna, Ivar."
"Esquivar ang dapat mong itawag sa kaniya," pagtatama ni Kylue kay Havoc. Hindi naman niya 'yon pinansin pa at sa halip ay tuluyan na nga niyang hinagis sa ere ang limang piso. Sinalo niya rin naman 'yon gamit ang kaniyang palad na tinakpan niya pa muna saglit gamit ang isa niyang kamay bago 'to tuluyang ipinakita sa 'kin.
"Head." Sabay pakita nito sa 'kin. Sumunod naman tinuro ni Havoc si Kylué. Katulad nang naging proseso kanina. Tinakpan niya muna ulit ng isa pang kamay niya ang barya na bumagsak sa palad nito galing sa ere.
"Head din. Kayong dalawa ang magkagrupo tapos kami ni Noe naman," ani Havoc.
There's a faint of victorious smile on Kylué's pinkish lip that he hides soon. He's weird and I am starting to be like one too. What the hell.
Pinilig ko ang aking ulo bago ko itinapat ang sarili sa isang target stand. "Mabilis lang 'to. Dalawang rounds, sa isang round bawat pares ng player ay gagamit ng limang palaso. Kung kaninong grupo ang may pinaka-maraming maipapatamang palaso sa target stand. Kanila ang 20k," si Noe.
"Pero dahil expertise natin 'tong apat. Lalagyan natin ng kaonting twist para mayroon namang thrill," he added.
Kinuha ni Noe mula sa bulsa ng suot na pantalon ang kulay itim na panyo. "The pairs will work as one. Kung sino ang hahawak ng arrow at bow ay ang siyang pipiringan sa mata. Tapos, iyong isa roon sa pares ang mag-iinstruct sa kapartner niyang may blindfold, kung paano ba ang tamang p'westo, kung ano ang perpektong anggulo. In short, iyong hindi naka-blindfold ang magsisilbing mata ng mayroong blindfold." Inabot na nito sa 'min ni Kylué ang itim na panyo sabay sabing, "Kayo na ang mauna."
"Ako na lang ang magbablindfold," presinta nito. Dahil likas akong competitive. Gusto ko na ako-kaming dalawa ang manalo at para masigurado ang panalong 'yon. Mas maganda kung ako ang titira. Di hamak naman na mas magaling ako sa kaniya sa pagpapana dahil nag-iipin pa lang ata s'ya, namamana na 'ko ng mga ibon sa kakahuyan.
"Ako na." Kinuha ko mula sa kamay nito ang bow at ang arrow. Sinigurado ko munang nakatapat ako sa target stand at maayos na nakaposisyon ang paa ko't torso. Nang matanto ni Kylué na handa na 'ko. Inilagay niya na sa 'kin mga mata ang blindfold.
"
Ivar---"
"Alam ko kung anong gagawin ko," putol ko sa sinasabi nito. Malalim akong bumuntong-hininga saka saglit na pinakiramdaman ang paligid. Nang makuha ko na ang sariling hudyat. Hinila ko ang string ng pana saka 'yon binitawan para pakawalan ang arrow.
Nakarinig ako ng tawang may kasamang pangangantyaw. Namayani ang ingay na 'yon sa paligid sa loob ng ilang segundo. Ngayon pa lang, alam ko nang hindi ko natamaan 'yong target.
"You missed it," Kylué whispers to verbalize my failure.
"Alright." Naglahad ako ng kamay rito para hingin sa kaniya ang panibagong palaso. Nang iabot niya 'yon sa 'kin ay naramdaman kong inalalayan niya rin ako sa paglagay non sa pana. Hindi pa 'yon natapos doon. Sunod nitong ginalaw ng kaonti ang braso ko. Iniangat niya rin ang baba ko at pinosisyon nang mas maayos ang aking binti.
"Inhale," anito. Walang pagrereklamo ko 'yong sinunod. "Exhale..."
"Now, set the arrow free." Walang pag-aalinlangan kong ginawa ang utos nito. Nang marinig ko ang pamilyar na ingay nang pagtama ng palaso sa target ay matamis akong napangiti.
"Tumama ba, Kylué?
"Bull's eye. Let's do it again but first, promise me that if we win this. We will be good friends, Ivar."
"Ayoko..."
"Mmmm then how about lover?" he asked once more that caught me off-guard. "Hindi nakakatuwa 'yang biro mo. Tigilan mo nga 'ko." Seconds after I said that, I heard him chuckles. "What I said could be a joke or not, it depends on you, Ivar."