PAKIRAMDAM KO'Y ilang sandali na lang ang itatagal ko dito sa Ahyme. Katakatakang bigla na lamang nawala ang mga halaman na siyang pinagkukunan ko ng tubig. Dumoble rin ang init ng buong lugar, tila nagliliyab ang kalupaan sa sobrang init kahit na hindi sumisikat ang araw. Nanunuyo na ang aking lalamunan at hinang-hina na ako, nais ko na makaalis sa lugar na ito. Nanlalabo ang paningin na pinahiran ko ang pawis sa aking noo. Nakahiga ako sa buhangin at panay ang paglunok ng sariling laway, umaasa na kahit papaano'y maibsan ang pagka-uhaw. Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa sikat ng araw, subali't may isang nilalang na biglang sumulpot sa harapan ko kaya kahit papaano ay nabawasan ang ilaw na siyang bumubulag sa akin. "If you didn't invaded my paradise, you should have been living y

