Marami silang nakasunod sa amin. Pero sa bilis ng takbo ng jet ski ay pinanood na lang nila kami. May ilang tumakbo patungo sa resort. Tiyak na kukuha nang masasakyan para habulin kami. "May Isla rito na pwede nating tunguhin." Dinig kong ani ni Nathaniel. Of course, alam ko iyon. Bago pa tumapak ang paa ko sa Isla Garalla ay alam ko na ang mga pwedeng exit kapag nagkagipitan. Iyon din ang tinutungo namin ngayon. Madilim na, ang bag na dala ko ay basa na rin. Pagdating doon ay agad kong inutusan si Nathaniel na hilain sa damuhan ang jet ski. Hirap na hirap pa nitong hinila iyon patungo sa damuhan. Tinakpan na rin namin ng damo. Tiyak na makikita agad ang bakas ng jet ski pero ayos lang iyon. Hinila ko si Nathaniel para pasukin ang Isla. Sa likod ng Isla ay may sasakyan akong naghih

