Two

837 Words
"Nat!" tawag ng babae na lantang gulay. Tsk, kung ako ang nang-romansa sa babaeng ito ay tiyak kahit magsalita'y 'di na nito magawa. Napangiwi ako sa naisip. Lagot na naman ako kay Perri nito kapag nalaman ang nasa utak ko ngayon. Tumalikod ako, mahal ko si Perri. Iiwas ako sa tukso haggat kaya ko. Pero s**t, ang sexy no'ng babaeng kasama ni Bossing Nathaniel. Oo, sa babae ako mas nag-focus kanina ng tingid. Not interested sa alaga ng amo ko. "Sino ka?" ngayon ay narinig ko na ang paghakbang ng lalaki palapit sa akin. Ilang hakbang lang ay tiyak na mahahawakan na ako nito. Tumingin ako rito saka seryosong naglahad ng kamay. "Ako po si Pluma, ang bagong lifeguard dito sa Isla Garalla." Pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa. "Are you sure?" salubong ang kilay na tanong ni Bossing Nathaniel. Tumango naman ako rito. "Sure na sure, Boss." "You know me?" ani ng lalaki. Mukhang nakalimutan na nito ang kasama nitong babae na hirap pang nagbibihis dahil mukhang sobrang nadali talaga nitong amo ko. "Yes, Boss." Tumango-tango naman ito. "Nice meeting you, Pluma." Tinanggap na nito ang kamay kong nakalahad para rito. "Nat!" ani ng babae. "You can go now. Tatawag na lang ako kapag kailangan kita." Jerk! Iyon ang gusto kong sabihin dito. Oo na, mahal ko si Perri pero sadyang mapaghamalan din ako sa iba. Gusto ko ngang alalayan ang magandang chicks ni Boss Nathaniel eh. "What? Akala ko ba pupunta pa tayo sa Yate mo?" inis na ani ng babae. Opps, ayaw ko sa ganitong attitude. Mahina ang pasensya ko sa gano'n, si Perri lang ang nakakagano'n sa harap ko. Wala talagang label ang relasyon na mayroon kami ni Perri, ang alam ng mga kaibigan at katrabaho ko ay kasintahan ko na ito, pero wala pa talaga. Sadyang pareho kaming masaya sa company na mayroon kami ng babae. "Maybe next time. Let's go, Pluma, may iuutos ako sa 'yo." Mukhang ginawa lang akong way ni Bossing para makalayo sa babae. Wala na kasing nagawa ang babae nang hilain na ako ng lalaki palayo. Pasimpleng kinindatan ko pa ang babae na ikinaawang ng labi nito. "Puro lalaki ang makakatrabaho mo, bawal kang makipagrelasyon sa kanila." "Nandito po ako para magtrabaho." Mabilis kong tugon dito. "I know, pero pinaaalala ko lang naman." "Noted." Sagot ko rito. "Alam mo naman siguro ang trabahong pinasukan mo rito. "Alam na alam." Sagot ko. Nagawi sa dagat ang tingin ko. As expected maraming guest ngayon. Mga foreigner ang karamihan. Kinailangan ko nga ring mag-training sa mismong field para handa ako sa pagpunta ko rito sa Isla Garalla. May mga sinasabi pa si Bossing Nathaniel pero ewan ko ba, kahit hindi pa nagsisimula ang trabaho ko ay naging observant na ako nang magawi sa dagat ang tingin ko. Medyo malakas ang alon na ikinasisiya nang mahilig mag-surf. Nang magawi ang tingin ko sa red flag deretsong muli sa tubig ang tingin. Kitang-kita ko ang babaeng kumakaway. Tiyak na nakita na iyon sa tower, pero mas malapit ang pwesto ko at mabilis akong makatatakbo patungo sa babaeng kailangan na ng tulong. Mabilis na iniabot ko ang gamit na hawak ko kay Boss Nathaniel. Habang tumatakbo ay tinatanggal na ang tsinelas at t-shirt na suot. Dinaanan ko na rin ang surf board na nakahanda para sa mga life guard at mabilis na lumusong sa tubig. Mabilis at tiyak ang kilos ko. Ang life guard na sasaklolo sana ay nanood na lang sa pampang. Mabilis kong nahawakan ang palad ng babae at iginiya ito para makakapit sa surf board. Malakas ang alon pero mula sa pwesto ko ay kampante naman akong maidadala ko ito ng ligtas sa safe area. "Miss, hindi mo ba nakita ang red flag?" seryosong tanong ko rito. "I'm sorry, akala ko kasi kaya ko." Malambing ang tinig na ani ng babae. Nakasampa na rin ito sa board. Nasa harap ko ito, iginiya ko ito padapa upang makaayos ito ng pwesto. Mukhang alam din naman nito ang gagawin n'ya. "Ikapapahamak mo 'yang akala mong 'yan." Sermon ko rito. Ewan, sinesermonan na bumungisngis pa. "Thank you sa pag-save sa akin. Ang ganda mo." Gusto ko sanang sabihin maganda rin s'ya. Pero baka isipin n'ya na type ko s'ya. Tsk, slight lang naman. Sinalubong kami ng isa sa lifeguard at ito na ang umalalay sa babae. Umahon ako na bitbit ang surf board, ibinalik ko iyon sa lagayan saka tinahak ang daan patungo kay Boss Nathaniel. "Salamat!" ani ko na kinuha ang hawak nito na gamit ko. "That's so cool," ani nito. Sabay hagod ng tingin mula sa mukha ko pababa sa dibdib ko na tanging sports bra lang ang takip. Iyon ang suot ko dahil bago ako nagpunta ay sumaglit ako sa gym kanina. "Eyes up here." Pukaw ko sa lalaki. "Nice." Pilyong ani nito. "Mas nice 'yong kasama mong babae, pwede mo ba akong ipakilala?" cool na tanong ko rito. Nanlaki ang mata nito saka ako nakatawang tinalikuran ito. Tiyak na gets naman nito ang ibig kong sabihin 'di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD