| Extended Night |
PJ'S POV
After our heart-warming dinner we decided to stayed until midnight. Nagkayayaan sina Daddy at Papa na mag-inuman. Si Kuya Gio ay minsan umiinom din. Sina Mommy at Mama naman ay nasa gilid lang nila habang pinapagitnaan ako. And their favorite topic to talked about is 'me'. Game na game nga sina Kuya at Papa sa pagkukwento, e.
Lalo na kung paano ako napadpad sa kanila at paano ako umiyak dahil pilit nilalayo sa akin ni Papa yung pagkain na hawak niya. Tapos nung 5 years old naman ako, yung ginupitan ko yung buhok ko para magkaroon ng bangs na nasobrahan sa ikli. At yung sinuntok ko yung kaklase kong lalaki nung 7 years old ako dahil bigla niyang kinuha yung hawak kong lapis. Meron pa nga nung time na din na 'yon na nakipagsabunutan naman ako sa kaklase kong babae dahil lapit siya ng lapit kay Kuya Gio, e.
Nasaan na kayo 'yon, 'no? Ayos na kaya yung buhok niyang bruha?
And lastly, nung 9 years old ako. Kung saan pumunta kami no'n sa probinsya nila at tinuturuan ako ni Kuya mag-skateboard dahil gusto ko matuto. Parang astig kasi tignan kaya nagpaturo ako sa kanya. Sakto din na marunong siya na lalo kong ginusto na matuto. Kaso hindi naman ako natuto dahil unang subok ko pa lang plakda na agad ako sa kalsada. Natanggalan pa nga no'n ng isang ngipin sa gitna at dumugo ang labi tsaka tuhod ko.
Habang sinasabi nila lahat 'yon napapapikit na lang ako sa hiya. Sila naman ay tuwang-tuwa, lalo na si Kuya na grabe kung makatawa at tinuturo-turo pa ang mukha ko kahit na kitang napipikon na sa kanya.
Napag-usapan din nila ang tungkol sa kinabukasan ko. Tinanong pa nila Daddy kung ayos lang kina Papa na sila na ang bahala sa lahat ng expenses ko for senior high school. Pumayag naman sila at hinayaan silang magpagka-magulang sa akin.
"We want to enroll her where her brothers studying." saad ni Daddy.
Uminom muna si Papa sa iniinom na alak. "Saan naman 'yan?" tanong niyo.
"In Royal Academy."
Napatigil kami sa sinagot niya.
Yung school ng mga mayayaman?!
"Wow. 'Diba exclusive school 'yon?" sabi ni Mama.
Si Mommy ang sumagot sa kanya. "Yes. All of the different courses is in there. Maganda din ang educational system nila at mahuhusay ang bawat professors. Actually, most of our sons are alumni from that school."
Napakurap-kurap ako sa nalaman.
Grabe, ah. Ka-pressure naman.
Tumango-tango si Mama. "Ayos 'yan. Para naman ito sa kinabukasan ni PJ, e."
"We just want to give her what's best for her, hindi lang para bumawi sa kanya." Biglang pumalakpak si Mommy. "Now, let's talk about PJ's dating! What do you all think, hmm?"
"Not going to happen."
"Bawal!"
Sabay na sagot ni Daddy at Papa. Nag-apir pa sila pagkatapos at sabay na natawa.
Napasimangot ako sabay napa-iling.
Hays.
"Why? Don't you both think it's time for her having a love life?" pagpupumilit pa ni Mommy bago humarap sa akin. "Right, darling?"
Nginitian ko na lang siya ng maliit na naging ngiwi lang.
A love life?
That didn't cross my mind. Not even once.
But...
Who knows, right?
.
Nang lumalim na ang gabi nagdesisyon na kaming umuwi nila Mama. Napapansin na din kasi namin na medyo nalalasing na si Papa kaya nagyaya na kaming umuwi. Mabuti na nga lang sumama si Kuya sa amin para may katuwang kami sa pag-alalay sa kanya. Malakas kasi ang alcohol tolerance niya, e.
We are now outside the restaurant. Hinatid kami nila Mommy dito para na din makapagpaalam kami sa isa't isa.
"Thank you again for tonight. Really. We enjoy your company so much!"
"Thank you din dito sa take-out!" masayang sabi ni Papa habang tinataas ang kamay na may bitbit na plastic kung nasaan ang pinatake-out niya.
Napa-iling naman kami pareho ni Mama tapos si Kuya ay napakamot na lang sa likod ng ulo niya. Nahihiya na sa inaasal ni Papa. Madalas talaga wala siyang kahihiyan, lalo na ngayong naka-inom siya.
"Tumigil ka na nga, 'Pa!" saway ni Mama sa kanya at siya ang umunahan. "Wala 'yon! Kung gusto niyo nga palang makita ang iba pang pictures ni PJ ay pwedeng-pwede kayong pumunta sa amin. Kung gusto niyo nga next week agad, e! Kami naman ang magluluto para sa inyo." pag-sasuggest ni Mama na ikinapikit ko na lang.
Myghad... Another kahihiyan na naman.
"Really? I would love that! Thank you so much!" masayang pagsang-ayon naman ni Mommy.
Napangiti na lang ako.
Just think, PJ, this will lead for them to know you more. Okay?
Sighs.
Pero siyempre, kung may usapan ang dalawang ina ko, meron din sa dalawa kong ama.
"Sa susunod ulit, pare! Ipapa-try ko naman sayo yung mga alak na iniinom namin!" pag-aya ni Papa kahit na lasing na siya at pagewang-gewang na.
Ngumiti lang ng tipid si Daddy. "Sure." maikli niyang sagot at parang hindi man lang uminom dahil maayos pa ang itsura niya hindi katulad kay Papa. Mukhang mataas din ang alcohol tolerance ng Daddy ko, ah.
Napa-iling na lang ako sa mga narinig sa kanila.
Pagkatapos nilang magpaalamanan na apat ay inalalayan na ni Mama at Kuya Gio si Papa papasok sa kotse na sinakyan namin papunta dito. Mabuti na lang talaga at may butler sina Daddy, kundi si Kuya pa ang magdadrive na mukhang pagod na.
Ako na lang ang naiwan dito sa labas.
Humarap ako sa kanila na may ngiti sa labi. Parang pati nga yung mata ko ay nakangiti din sa sobrang saya ko ngayon, e.
"Thank you po pala ulit sa dinner. Ang dami ko pong nalaman at nakain na mga bagong pagkain! Masasarap po silang lahat!" I cheerfully said to them. If I can bounce like a kid from where I am standing, I will. But that will be an embarrassment if I do, so nevermind.
Mommy come closer to me and hold my two hands. Ang lambot ng kamay niya! "No, honey. Thank you for giving us this chance to meet you. You made us so happy." sabi niya. I can feel the love and happiness in her voice.
Nanlabo ang mata ko sa luhang nagbabadyang tumulo.
My heart is overflowing with love. Kahit na binubusog naman ako nila Mama, Papa at Kuya ng pagmamahal parang may iba sa nararamdaman ko ngayon. It's like they complete some missing piece that I didn't know where gone.
Because of that I closed our gap and hug her tight. Ramdam kong natigilan pa siya dahil ako ang unang yumakap sa kanya pero agad niya din iyon sinuklian. Our hug become tighter. Tighter like she don't want to lose me again.
"Can I get a hug, too, my princess?"
Natatawang naghiwalay kami ni Mommy sa yakap namin at tinignan si Daddy na nakatayo lang, nakatingin sa amin. Walang expression ang mukha niya. Hindi siya nakangiti o ano man pero kita naman sa mata niya ang pagmamahal.
Its sparkling while looking at me.
I didn't think twice and hug him immediately. A hug with the same intensity the way I hug Mommy that is now looking at us.
Naramdaman ko ang pag ngiti niya kasabay ng paghalik sa ulo ko at yakap sa akin ng mas mahigpit pa. Its like he doesn't want to let me go, too.
"Message us when you got home, okay? You can message us anytime you want, darling." bulong niya.
We exchanged contacts earlier while we're chit-chating.
Inangat ko ang ulo ko para tignan siya sabay tango. "Opo."
Then we have a group hug and after that I wave them goodbye before I hop inside the car.
In five months titira na ako sa bahay ng totoo kong mga magulang...
Mami-meet ko na rin ang mga Kuya ko...
Pero bago 'yon, paano ko pala sasabihin lahat ng ito kay Sheen?! Na lilipat na ako ng bahay at school after ng first semester?!