4: Accept

955 Words
| Accept | PJ'S POV Three days have been passed since I know the truth. At sa tatlong araw na 'yon hindi bumalik ang mga tunay kong magulang. Nagtaka pa ako kung bakit at inakala na baka nagkamali lang pala sila at na-realize na hindi pala talaga ako ang nawawala nilang anak, but Mama and Papa said that's their purpose is to give me time to process all what happened. All those days wala akong ginawa kundi pumasok sa school at paulit-ulit na basahin yung iniwan nilang nasa brown envelope na parang may magbabago kapag lagi kong tinitignan. Sa tatlong araw din na 'yon ay hindi ko pa sinasabi kay Sheena ang tungkol sa nalaman ko. Napapansin niya na nga ang pagiging tulala ko sa klase kahit na pinipilit kong mag-focus, e, pero ang sabi ko na lang ay wala lang 'yon at huwag na pansinin. Buti na lang sinunod niya at tinawanan na lang dahil hindi ko pa talaga alam kung paano sasabihin sa kanya ang nangyari. Ako nga na mismong involve hindi pa rin makapaniwala. Hays. Spero che il mio problema sia finito. (Hays. Sana matapos na itong problema ko) Saturday ngayon at wala kaming pasok. I suppose to be with my best friend house because she invites me for a sleepover that we usually do every weekends, but I make an alibi to her na hindi ako pwede ngayon na inintindi niya na lang. Pero I know malapit na 'yon magtampo sa akin na ngayon lang mangyayari kung sakali. I will just explain myself to her if happens. Habang hawak at nakatitig muli sa real birth certificate ko at DNA test namin na positive hinihintay ko rin ang pagdating ng mga magulang ko na ngayon daw dadating sabi nina Mama at Papa kanina. Simula ng pagkagising ko at malaman na darating sila parang may nagsasabi sa akin na maghintay. Para akong nasasabik na muli silang makita. Maybe because they are my real parents? Tapos na kaming magtanghalian kaya nakaupo na lang ako dito sa sofa namin. Wala dito si Kuya Gio dahil may trabaho siya kapalit sa pag-stop niya mag-aral. Sina Mama naman ay naghuhugas ng pinagkainan namin na tinutulungan ni Papa na ikinangiti ko. Naglalambingan na naman kasi sila. Nasa gano'n akong eksena nang biglang may bumusina sa labas ng bahay namin. Napa-angat ako ng ulo at napatingin sa may pinto, umaasa na sila na 'yon. "Baka ayan na sila, anak." sabi ni Mama na nagpupunas na ng kanyang basang kamay. "Ako na magbubukas. Mahal, ikaw na dito." sabi niya kay Papa at naglakad na siya papunta sa pinto saka ito binuksan. Mula dito sa kinauupuan ko naaninag ko na sila na nga 'yon kaya parang may humaplos sa puso ko ng malaman na nandito na sila. Nginitian sila ni Mama at binuksan ng malaki ang pintuan para makapasok. Nang magtama ang mga mata namin nginitian agad nila ako at naglakad palapit sa akin. Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at hinarap sila na may maliit na ngiti sa labi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin ko dahil tila na-blanko ang utak ko. Hindi ako makapagsalita at tanging ngiti at titigan lang sila ang nagagawa ko. Cosa mi sta succedendo? Parla, PJ! Vergogna ai tuoi veri genitori! (Ano bang nangyayari sa akin? Magsalita ka nga, PJ! Nakakahiya sa totoo mong mga magulang!) "Uhm..." Napakamot ako sa ulo ko at napapikit sa hiya. "Sorry po. Hindi ko po kasi alam ang sasabihin ko." paumanhin ko sa kanila saka nagmulat ng mata. Nakita ko naman ang tuwa sa mata ng totoo kong ina. "Don't worry, darling, it's fine. Its just us! We are not pressuring you," malumanay niyang salita sabay haplos sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla sa ginawa niya kaya bigla akong napa-atras na ikinababa ng kanyang kamay. Her face went sad and I felt guilty for that. Inakbayan na lang siya ng totoo kong ama para pagaanin ang kanyang loob. That's not me! It's my reflexes! "S-sorry po..." nakayuko kong paumanhin ulit. "N-no. Don't apologize. It's not your fault." mabilis niyang sabi sa akin na nagpa-angat ng tingin ko muli sa kanila. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero parang may gustong ilabas na dalawang salita ang aking labi. Napatingin ako kay Mama na nasa may pinto pa rin na agad akong nginitian ng matamis. It's like she's saying that do and say what I want to them. I sighed. Binalik ko na ulit ang tingin sa kanila at sinabi ang gusto kong sabihin na alam kong ilang taon na nilang inaasam na marinig mula sa akin. "D-daddy..." Natigilan sila ng bangitin ko ang unang salita na 'yon. Pero lalo silang natigilan ng sabihin ko pa ang pangalawang salitang nagpaiyak sa kanila ng tuluyan. "Mommy..." "Oh my god!" Napatakip sa bibig ang totoo kong ina sa gulat at walang kung ano-ano na sinunggaban ako ng yakap. "My daughter! My baby girl!" she exclaimed. Nagsimula na rin tumulo ang mga luha ko at kusang yumakap sa kanya na ikinahigpit niya ng yakap sa akin. Binaon ko ang mukha sa kanyang balikat at doon umiyak. Hindi nagtagal naramdaman ko na rin ang pagyakap sa amin ng totoo kong ama na ikina-angat ko ng tingin sa kanya. He stared at me with so much joy in his eyes before he kiss my forehead and hug us both. Napangiti na lang ako habang umiiyak at napatingin kay Mama na umiiyak na din sa kanyang pwesto. Nandoon na rin si Papa sa tabi niya. Magkayakap sila habang parehong naiyak at nakatingin sa amin ngunit may ngiti sa kanilang mga labi. I'm so lucky. I have my two loving parents now that I know loves me so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD