| Found |
PJ'S POV
"Bye, 'Ma! Bye, 'Pa!" paalam ko sa mga magulang ko paglabas ko ng pintuan para pumasok sa school.
Sabay silang nag-angat ng tingin mula sa mga ginagawa nilang pagdidilig at pag-aayos ng jeep namin. Hindi ito yung jeep sa mga nasa palengke o yung sinasakyan pag nagko-commute ka. It's an old kind of car na jeep ang tawag.
Kinawayan nila akong pareho.
"Bye, anak, ingat ka!"
"By, PJ! Ingat sila sayo!"
Paalam nilang pareho sa akin bago bumalik sa kanya-kanyang ginagawa.
I just saluted at them and continue from walking. Hindi pa ako dideretso sa school dahil pupuntahan ko pa ang bestfriend ko. Sabay kasi kami lagi no'n pumapasok saka umuuwi. Nilalakad lang namin papuntang eskwelahan at kung minsan ay sumasakay kami sa tricycle kapag pagod na talaga sa klase. Pero kadalasan lakad lang talaga dahil malapit lang naman 'yon at para makatipid na rin sa pamasahe.
Kahit medyo mayaman ang kaibigan ko na 'yon ay hindi niya ako tinatrato na iba. We treated each other like sisters. Sabi niya nga, kung anong meron siya, dapat ako rin. When she want to buy something she like lagi niya akong naiisip at binibilhan din. Tinatanggihan ko 'yon pero nangba-blackmail siya, kung hindi ko daw tatanggapin hindi na raw kami best friends na ayoko namang mangyari.
Nang makarating ako sa bahay nila na two-story but modern house, as usual ay wala pa siya sa labas no'n. Siguradong nag-aayos pa 'yon ng kung ano-ano sa katawan at mukha niya. May pagkamaarte kasi, e. Kapag magkasama nga kami laging nag-aayang mag-shopping tapos lagi rin bumubili ng mga bagong damit at make-up, habang ako ay napapa-iling na lang sa kanya habang nakata-nga. Minsan nga binibilhan niya din ako na hindi ko naman matanggihan, kaya ang ending nakatambak lang 'yon lahat sa kwarto ko.
Hays. I don't know how we become friends sometimes.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto nila nang maglakad ako palapit. Binuksan naman 'yon agad ng kapatid niyang si Kuya Niccolo. Meron pa siyang dalawang Kuya na sina Kuya Andrei at Kuya Oliver na siguro ay pumasok na sa trabaho.
"Oh, PJ. Si Ave ba? Naku, kung ano-ano pang kaekekan ang ginagawa no'n!" nakabusangot niyang bungad nang makita ako.
Natawa na lang ako at napa-iling.
Typical, Sheen.
"Hoy! Anong pinagsasabi mo diyan sa best friend ko, ha?!"
Napatingin kami parehas ng Kuya niya sa loob ng bahay nila. Bumaba na si Sheena Avery, ang bestfriend kong nuknukan ng arte pero mahal na mahal ko naman. And her Kuya is right dahil may make-up at kung ano-anong clip na naman ang nakalagay sa buhok niya.
Kailan kaya 'to papasok ng walang kung anek-anek?
Napa-irap ako.
Hinarap siya ng kapatid niya. "Hoy din, Avery! Maka-'hoy' ka, ah, akala mo hindi mo ako Kuya! Matuto ka ngang gumalang katulad nitong ni PJ!" singhal nito.
Inirapan lang naman siya ng kaibigan ko. "Whatever, Kuya." aniya pa at talagang diniinan pa ang huling word na binigkas. Humarap na siya sa akin. "Tara na nga, bes! Baka tuluyan pang masira ang mood ko!" maarte niyang sabi sabay ankla ng kamay sa braso ko.
Napabuntong hininga naman ako at nagpahila na lang sa kanya. Iniling-iling ko pa ang ulo ko habang siya ay may kung anong binubulong habang naglalakad kami papuntang school hanggang sa makapunta kami at makapasok na sa classroom.
Pagkaupo namin sa upuan namin lumayo ako ng kaunti sa kanya dahil bulong pa rin siya ng bulong. Hindi ko naman maintindihan kung ano 'yon tapos nakangiti pa siya at nag-i-inhale at exhale habang gumagano'n.
Nasisiraan na ba siya ng ulo?
Napatingala ako at napapikit.
Per favore, dammi un po' di pazienza per questa mia amica.
(Please, give me some patience for this friend of mine.)
Yes, I can speak Italian. I don't know why basta kusa lang siyang lumalabas sa bibig ko. Hindi ako nagpaturo dahil wala namang alam ang pamilya ko sa ibang lenggwahe pati itong kaibigan ko. Hindi rin ako nag-aral dahil dagdag bayad pa 'yon at gastos na ayokong mangyari.
Narinig ko na ang teacher namin kaya nagmulat na ako ng mga mata. Tumigil na rin si Sheena sa ginagawa niya na ipinagpasalamat ko.
Grazie a Dio.
(Thank God.)
.
Natapos ang isang buong araw namin na puro lesson lang kami. Yung tipong pagkatapos ng break time ay makikinig na ulit kami sa panibagong papasok na teacher. Isang buwan pa lang na nag-uumpisa ang pasukan namin pero puro na agad discussion. Hindi ba sila na uubusan ng laway kakasalita sa unahan?
Puro reklamo nga ang bestfriend ko habang naglalakad kami pauwi, e. Kesyo ang boring raw, nakakapanghina, nakakaubos ng braincells at kung ano ano pa. Hinahayaan ko na lang at hindi pinapansin. Tipong tumatango-tango lang ako sa kanya kahit wala na akong maintindihan hanggang sa makauwi na siya ng bahay na ikinatahimik ng mundo ko.
Nang makarating na ako sa bahay namin may nakita akong mga itim na sasakyan na nakaparada sa harapan nito na ikinakunot ko ng noo. Meron pang mga bodyguard sa labas na lalong nagpataka sa akin.
Anong meron? May artista ba kaming bisita?
Lalapitan ko na sana ang isa sa bodyguard para magtanong kung sino ang amo nila nang may humawak sa kanan kong kamay. Paglingon ko si Kuya Gio lang pala, kapatid ko.
Seryoso ang mukha niya na bihira ko lang makita kaya hindi ko maiwasang magtanong. "Kuya, ayos ka lang?" bakas ang pag-aalala sa boses ko.
Tinignan niya muna ako ng mabuti tapos bigla akong niyakap ng mahigpit na ikinagulat ko. Bumitaw din naman siya at ngumiti sa akin ng tipid. "Oo naman!" Ginulo niya ang buhok ko. "Tara na, pasok na tayo sa loob." aya niya saka hila sa akin papasok.
Pagpasok namin ay sala agad ang bubungad sa loob ng bahay namin na bungalow. Kaya kitang-kita agad kung meron kaming bisita, kagaya na lang ngayon.
Merong nakaupo na sa tingin ko ay mag-asawa na mayaman sa sofa namin na isa kaharap nina Mama at Papa na nakaupo rin sa isang sofa. They looked at me and I saw the happiness and longing in their eyes as I see sadness to my parents.
Anong nangyayari?
Naglakad ako papunta kina Mama at Papa na ikinabitaw ko kay Kuya. Nakita ko ang sakit sa mata ng mga bisita namin.
Hinalikan ko sila pareho sa pisngi bago nagtanong. "Ano pong nangyayari? Sino po sila?" Turo at tingin ko pa sa nasa unahan namin.
Hinawakan ni Mama ang kamay ko para mapatingin muli ako sa kanila. "Anak, huwag kang mabibigla, ah?" sabi niya habang naluluha na.
Ngumunot ang noo ko.
Mabibigla naman saan?
Naguguluhan ko silang tinignan ngunit hindi sila ang sumagot sa tanong sa utak ko kundi ang mga bisita namin na ikinaguho ng mundo ko dahil sa mga binitiwan nilang mga salita.
"We are your parents. Real parents. We finally found you, Princess."