7: Dinner (Part 2)

1329 Words
| Dinner (Part 2) | PJ'S POV Pagkatapos ng eksenang 'yon kanina agad rin nawala ang awkwardness sa paligid dahil sa pagdating ng mga pagkain. S-in-erve ito sa tapat namin at lahat 'yon ay masasarap. Nilibot ko pa ang paningin sa buong lamesa upang tignan ang iba pang pagkain. Natigilan ako dahil sa pagkaing nasa harapan ko. Bigla akong napabahing dahilan para mapatingin sila sa akin. "Darling, are you okay?" nag-aalalang tanong agad ni Mommy sa akin. "Hala!" Si Mama nang makita kung saan ako nakatingin. "'Pa, ilayo mo 'yang kare-kare sa tapat ng anak mo! Dali!" utos niya kay Papa na agad nitong sinunod. Pinalit niya doon yung buttered shrimp. "Uhm. W-what's happening? Are you alright, PJ?" tanong ulit ni Mommy. Nakahawak na siya ngayon sa likod ko. Tumango naman ako sa kanya. "O-opo. Ano l-lang po kasi..." "Allergic kasi siya sa peanut. Kahit anong may peanut." pagpapatuloy ni Mama sa sasabihin ko. "R-really?" Pain suddenly appeared to her eyes but I'm not sure though, because it immediately disappear. "Opo," Ako na ang sumagot. "Maka-amoy lang po ako ay binabahing na agad ako. Lalo na po kapag nakain ko na po, magkakaroon po agad ako ng mga pantal." sabi ko pa. "T-talaga?" Ngumiti siya ng maliit. "Kung gano'n parehas pala kayo ng Daddy mo..." Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa Daddy ko. Tumingin din siya sa akin at nakita ang nagtatanong kong mga mata kaya tumango siya para kumpirmahin. "Yes and that sucks. We both won't get a taste of your Mom's spe—" "Hon," Pinutol siya ni Mommy tapos umiling-iling pa bago humarap sa amin. "Let's eat na!" masigla niya ng sabi. "Ito na lang ang tikman mo, darling. This is one of the best here." sabi niya pa sa akin habang may sinasandok sa pinggan ko na pagkain. Hindi ko alam kung anong tawag dito pero meron siya chicken and broccoli. Tapos yung sauce niya is color white na malapot-lapot. Nang matapos ako lagyan ni Mommy sinabihan niya akong tikman ko na agad kong ginawa. Pagkatapos ng isang tikim nasundan pa ito ng dalawa bago ako humarap sa kanya na may malaking ngiti sa labi. "Ang sarap po! Ano pong tawag dito?" tanong ko habang may laman pa ang bibig. Natawa naman siya ng bahagya sa naging itsura ko. Nalagyan na ulit ng saya ang mga mata niya na nawala kanina sa hindi ko malaman na dahilan. "I'm glad you like it," She held my cheek. "Well, it's called Chinese Takeout Chicken and Broccoli with white sauce, PJ. It is really yummy because it has milk that makes the sauce creamier!" Wow! Ngumiti lang ako sa sinabi niya tapos binalingan sina Mama. "'Ma, 'Pa, Kuya, tikman niyo po 'to, oh! Ang sarap po! Sobra!" excited kong saad sa kanila. Tumayo pa ako para bigyan sila sa mga plato nila at naupo pagkatapos. Sabay-sabay silang sumubo na tatlo at si Papa ang nagbigay agad ng reaksyon. "Oo nga! Mas masarap pa sa luto ng Mama mo!" biro niya tapos bigla siyang napa-aray na mukhang sinipa ni Mama mula sa ilalim. "Biro lang, 'Ma!" Natawa ako ng bahagya. "'Yan tuloy, 'Pa! Siyempre mas masarap pa rin ang luto ni Mama, 'no!" sabi ko sa kanya. "Isa ka pa!" Pabirong hinampas ni Mama ang hita ko. "Binobola niyo lang ako, e!" Binangga ko siya ng pabiro sa balikat. "Hindi, 'no." Pagkasabi ko no'n ay humarap na ulit ako sa plato ko at umayos ng upo saka kumain. Napansin kong wala pang laman ang pinggan ni Mommy pagkasubo ko kaya tinignan ko siya na ikinahinto ko sa pag-nguya. Nawala kasi ang ngiti sa kanyang labi at saya sa mukha. Mukhang nakita niya kung paano ako makitungo kina Mama. Napapikit ako. PJ, cosa hai fatto! (PJ, what have you done!) I bite my lower lip before open my eyes. Nag-exhale muna ako bago humarap kay Mommy ng nakangiti. "Ahm, Mommy, ikaw po?" Gulat na napalingon siya sa akin nang tawagin ko siya. "Ano po yung gusto niyo sa mga pagkain?" tanong ko. "Uhm..." Hindi siya makapaniwalang napangiti sa narinig. Nilibot niya pa ang paningin sa mga pagkain. "'Y-yon na lang, darling..." Turo niya sa isang pagkain na nasa gitna namin pareho. Tumayo ako at sinandukan ko siya no'n sa plato niya. I don't know what its called but it is a pork and potato marble with red sauce and parsley on the top. "'Yan. Kain ka na po, Mommy." sabi ko pa pagkatapos ko siyang lagyan ng pagkain. She hold my cheek again and kiss me on my forehead. "Thank you, darling." pagpapasalamat niya. Ngumiti lang ulit ako sa kanya at pinagpatuloy na ulit ang pagkain. Kain lang kami ng kain at walang nagsasalita. Parang ba nagpapakiramdaman kami. . Minutes passed Daddy clear his throat to get our attention after he wipe his mouth. "I know my wife already said this but I would like to thank you for taking care of our daughter. Thank you for coming here tonight. It really mean to us." he pormaly said while looking at Mama and Papa. "That's right." Si Mommy naman ang nagsalita. Naging masigla na ulit ang boses niya. "And we also like to apologize about what happened the other day. Masyado namin kayo nabigla. We are very sorry." Mama wave her hand. "Ano ba kayo! Naiintindihan namin. Nawalan kayo ng anak at natural lang na puntahan niyo agad siya pagkatapos niyong mahanap. If mangyari sa amin 'yon ay gano'n din ang gagawin namin." sagot niya sa kanila. I can also feel her hand touching mine in my lap. "Oo nga! Tama ang asawa ko. Naiintindihan namin ang sitwasyon niyo." pagsang-ayon naman ni Papa. Napangiti ako ng maliit. I'm so lucky I have them. "Thank you for your understanding. But I also know that this is not easy for all of us, hindi lang kami. Tayo..." sabi ni Daddy sabay tingin pa sa akin. "Especially for PJ." My Mommy agrees to him, too. "My husband is right. We are all stressed because of what's happening right now." And I'm also lucky to my biological parents. . After that talk we ate again for the second course of our meal. Na-shock pa nga kami nila Mama dahil ang dami pala ng inorder ni Mommy na pagkain. Hindi ko nga alam kung kakasya pa ba 'yan sa tiyan ko sa sobrang kabusugan. Habang nakain bigla na lang akong nasamid sa kinakain. "Are you alright, PJ?" "Anak, ayos ka lang?" My two mother asked with worried in their eyes. "O-opo..." sagot habang umuubo pa rin. "Bunso, oh." Abot sa akin ni Kuya Gio ng tubig. Kinuha ko ito agad. "Thank you, Kuya." pagpapasalamat ko bago inumin yung inabot niya. Mabuti naman at nagsalita na 'to. "'Nak, number?" biglang tanong ni Papa pagkatapos kong uminom. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nila Mommy at Daddy. Nag-isip muna ako bago sumagot. "13." Nagbilang sandali si Papa sa daliri niya. "Letter M, anak. Sino kaya 'yon at bigla kang naisip?" tanong niya. "Baka ikaw 'yon, Papa." nakangiti kong sagot. "'Diba Michael po ang pangalan mo?" Napa-isip rin siya. "Oo nga, 'no? Pero hindi naman kita iniisip, e." "Bakit ano bang iniisip mo, 'Pa?" tanong naman sa kanya ni Kuya. Ngumisi siya. "Ano pa ba? Edi pagkain!" tuwang-tuwa pa niyang sagot na ikinatawa namin ni Kuya. Si Mama naman ay pilit siyang inaabot para mahampas. Agad din naman tumigil si Mama at inambahan na lang si Papa ng palo bago umayos ng upo. "Pasensya na kayo sa ingay namin, ah? Ganito lang talaga kami magkulitan." hinging paumanhin ni Mama kina Mommy. Tumango-tango din ako sa kanila bilang pagsang-ayon habang medyo natatawa pa din. "No, it's okay. We're used to it." she said, laughing a bit. "If I know, if PJ's brothers are all here, it will be chaotic, for sure." dagdag niya pa na nagpagulat sa amin. "Brothers?" "May mga kapatid si PJ?" "Akala ko ba 'only daughter' niyo siya?" "May mga Kuya po ako?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD