| Dinner |
PJ'S POV
Today is sunday. We are preparing for our dinner later with my real parents. After yesterday kasi Mommy call Mama and asked if we can have dinner together later at night. Gusto pa nga sana nila Mama na ako na lang pero hindi pumayag sila Mommy. Gusto daw kasi nila na hindi lang ako ang makilala, kundi pati na din sila Mama.
And siyempre kasama si Kuya Gio. Dahil nga linggo ngayon, of course, wala siyang pasok. Ayaw nga din niyang sumama, e, pero isang sabi ko lang ng 'Please' at puppy eyes ko sa kanya pumayag na siya.
Perks of being the youngest.
Napa-isip ako bigla.
Kina Mommy at Daddy kaya meron din akong kapatid? Kuya o kaya kahit nakababatang kapatid? Sana meron. Gusto ko kasing maging Ate, e.
Sobrang lapit ko kasi sa mga bata. Mahilig din ako sa mga baby. Ang saya-saya kaya nilang alagaan. Ang cu-cute pa!
Napapadyak na lang ako sa inis nang wala pa rin akong makita na magandang damit na susuotin para mamaya. Marami naman akong mga magagarang damit na galing kay Sheena, pero bakit nahihirapan akong pumili. May mga skirt, dresses and sandals pa nga ako. Pero wala akong mapili sa kanila.
Hays.
Napabuntong hininga na lang ako.
I marched towards to the living room where Mama and Papa are watching TV with Kuya Gio. Kanina pa kasi sila tapos mamili ng dadamitin nila at talagang ako na lang ang nahihirapan. Pagkatapos kasi namin magtanghalian pumunta na agad kami sa kanya-kanyang kwarto para maghanda para mamaya.
Pagbaba ko tumingin muna ako sa orasan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang oras. Bakit 4:30 na?! Apat at kalahating oras akong namimili ng damit?!
Napapadyak muli ako habang nakasimangot.
"Oh. Bakit nakasimangot ka diyan?"
Napatingin ako kina Papa ng marinig ko itong magsalita. Nakatingin na pala sila sa akin nang hindi ko namamalayan.
Sumimangot ako lalo. Pumunta ako sa tabi nila at naupo sa gitna nila Mama at Papa.
"Hindi po ako makapili ng susuotin..." nakanguso kong sabi. Para akong batang nagsusumbong sa kanila.
Naramdaman ko ang kamay ni Mama sa likod ko na hinahagod-hagod. "Ikaw talagang bata ka! Sige, tara at tutulungan na kita!" saad niya kaya napangiti na ako.
Sabay kaming dalawa na bumalik sa kwarto ko. Naiwan sa sala sina Papa at Kuya samantala kami ay mamimili ng dadamitin ko.
Lahat ng damit na mayroon ako ay pinapasuot sa akin ni Mama. Merong skirt, pants at dresses. Naka-ilang balik ako sa bathroom para lang magsuot at tanggal ng damit. Para siyang si Sheen kapag nagpapasukat sa akin ng damit sa mall. Sa huli ay spaghetti strap na dress na color beige ang napili ni Mama. Medyo nailang pa nga ako dahil hindi naman ako sanay magsuot ng ganito. Hapit na hapit pa sa baywang.
Huminga ako ng malalim.
Solo per stasera.
(Just for tonight)
.
Kinagabihan nag-aayos na kami ng aming mga sarili. Mabilis lang natapos sa pag-aayos sina Mama kaya nandito siya sa kwarto ko para tulungan ako.
Tinulungan niya ako sa pagsusuot ng dress saka ng sandals na may one inch na taas. Pinagamit pa niya sa akin ang mga make-up na binigay sa akin ni Sheena. Nilagyan niya ako ng konting powder sa mukha at liptint sa labi. 'Yon lang ang pinayagan kong ipalagay sa mukha ko kahit na marami pa siyang gustong ilagay na kolorete.
Hindi naman sa hate ko ang pagmemake-up pero hindi ko talaga hilig ang mga gano'n. Siguro kapag may importanteng pupuntahan na lang, katulad ngayon.
Nang matapos bumaba na kami kung saan naghihintay sina Papa sa amin. Nakasuot sila ng simpleng damit lang pero mukha namang disente. Lumabas na din kami agad sa bahay dahil narinig na namin ang busina ng magsusundo sa amin na ini-utos pa ni Daddy.
Wala akong alam sa mga brand ng kotse ngunit masasabi kong maganda ito at halatang libo-libo ang halaga. The color is black and can accommodate six person including the driver.
Pagpasok namin sa loob amoy na amoy agad ang pang mayaman na amoy. Medyo nahilo pa nga ako habang bumibiyahe dahil hindi ako sanay. Pero mabuti na lang at nakarating agad kami sa pupuntahan namin kaya bumaba agad ako upang makalanghap ng sariwang hangin.
Hoo!
Nang mawala ang pagkahilo nilibot ko ang paningin sa paligid. Halos mangliit ako dahil nasa isang mamahalin pala kaming restaurant. Binasa ko ang pangalan nito.
Jasmin's
My head went sideways.
It is just a coincidence na kapangalan ko 'to? Or intentionally? Nagkibit-balikat ako.
"Ma'am, this way." said by the butler who drive us here.
Pumasok kami sa loob nang pagbuksan niya kami ng glass door. Tinawag pa nila akong 'young lady' tapos nag-bow pa na ikinaconscious ko. When we went inside, the luxurious and elegant design of the place welcomed us. It is also smell expensive that we can't have in our whole life.
Bigla tuloy ako napa-isip.
Gaano kaya kayaman ang tunay kong mga magulang?
"This way po," turo sa amin ng mga ilang waiter na nandito.
Nang makarating doon sinalubong agad ako ng yakap ni Mommy. Hindi pa ako nakagalaw no'n sa una pero agad ko rin naman siyang niyakap pabalik. I can feel the joy in her when I did that.
Bumitaw din siya sa yakapan namin. "We're glad you came," malumanay niyang sabi.
Ngumiti lang ako.
"Oo naman! Tatanggi pa ba kami sa libreng pagkain?" biro ni Papa dahilan para mahampas siya ni Mama sa braso. "Aray naman, 'Ma!" daing niya pa.
"Mahiya ka nga! Pasensya na sa asawa ko, ah." hingi niya ng paumanhin.
Napatawa naman ng bahagya si Mommy para mapatingin ako sa kanya ulit. "Ano ka ba? It's alright. Don't worry." mahinhin pa rin ang kanyang tinig.
Napangiti ako.
Ang ganda talaga ni Mommy.
"Won't you greet your father, mia figlia?" My eyes went where I heard my Daddy's voice. He is standing behind his wife and it's like he's waiting for me to come to him.
(My daughter.)
I look at him with hesitant in my eyes.
"My Princess..." he speak again, calling my name. Binuka niya pa ang kanyang braso.
Napakurap-kurap ako.
Alam ko ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang yakapin ko din siya. And I want that, too, I just... I just don't know how will approach him. His too serious kasi, e. Para siyang nakakatakot na hindi ko maintindihan. Tahimik pa siya at hindi palakibo.
He's still waiting for me to embrace him. While me look first to Mama and Papa. They nod their head that's why I look at my real father again. Pero agad akong na-guilty nang makita ko ang mata niyang lumungkot. Unti-unti na rin bumababa ang kanyang dalawang braso.
I exhale.
Bago pa niya tuluyang maibaba ang braso niya naglakad na agad ako patungo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit sabay pikit ng mata. He froze on my sudden move but immediately hug me, too.
.
After that moment we all sit down to our seat. We are in a round table and I am sitting between my two mother. While Kuya is beside Mama and beside him is Papa then Daddy who is beside Mommy. Malaki ang table kaya hindi kami masikip. Halos kasya pa nga ang isang upuan sa pagitan ng bawat isa sa amin, e.
"We are so glad that you all came," sabi ulit ni Mommy sa amin. Mahahalata mo talaga ang saya sa kanyang mukha, boses at lalo na sa mata.
"Wala 'yon," Si Mama na lang ang sumagot habang kami ay ngumiti lang.
Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko.
"Oh. Sorry," ngiwing sabi ni Mommy. Kahit gano'n ay maganda pa rin siya. Bumaling naman siya sa akin. "Darling, what do you want to eat? Do you have specific dish you want?" she asked me.
"Uhm. W-wala naman po. Kahit ano naman po kasi kinakain ko, e." sagot ko sa kanya.
"Is that so," She hold my cheek. "Don't worry, all our dish here is high quality. You will love it, darling" nakangiting sambit niya. Bumaling na siya waiter para sabihin na lahat ng order namin. Halos lahat nga ng mamahaling pagkain ay inorder niya na.
Magkano kaya lahat 'yon?
Nang matapos siya ay humarap na siya muli sa akin. She even comb my hair before she talk again. "How are you, Princess—I mean, PJ? Naging maayos ba ang biyahe niyo?"
"Ayos naman po," tipid kong sagot. Hindi ko masabi na medyo nahilo ako sa sasakyan nila. Nakakahiya.
"Are you sure?"
I nodded.
"That's good to hear. We're really, really glad you all are here tonight, especially you, PJ." Napatingin ako kay Daddy nang siya naman ang nagsalita. Pinagsiklop niya ang mga kamay tapos tumingin din siya kina Mama at Papa. "We also like to formally introduce ourselves." he said.
"That's right," Si Mommy. "My name is Yasmin Salvador Castanier. I am a chef and also helping my husband, Jasfher Castanier, in our business." Tinignan niya si Daddy.
"Uhm. Ano pong... Business?" may pag-aalinlangan kong tanong. Napakagat pa ako sa ibabang labi dahil sa hiyang nararamdaman.
They both look at me.
Lalo tuloy ako nakaramdam ng hiya kaya agad ko na lang binawi. "Ah. W-wag niyo na lang po pala sagutin. A-ayos lang po." Nagkada-utal-utal pa ako sa pagsasalita habang kinukumpas ang kanang kamay.
"No, it's okay, darling. You can ask us," sabi naman ni Mommy sabay hawak pa sa kamay ko. They both even gave me a gentle and warm smile.
Pero kahit gano'n ay nandoon pa rin ang hiyang naramdaman ko. "Ayos lang po. W-wag na lang."
"You sure?" Si Daddy.
I nod.
Bigla tuloy nagkaroon ng awkward silence sa pagitan namin. Dapat pala hindi ko na lang tinanong 'yon kung ganito lang ang kalalabasan.
Mossa sbagliata, PJ!
(Wrong move, PJ!)