RHUELLA’S POV
Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman.
Ang halik ni Thomas ay sadyang aking kinasabikan, walang gabi na hindi ko siya naaalala, ang mga gabi na aming piangsasaluhan. Ang init ng aming mga katawan na nag-iisa lahat ng iyon ay muli ko talagang kinasabikan at ngayon nga sa loob ng mahabang panahon na hindi namen pagkikita muli ko natikman ang halik ng taong mahal ko, ang ama ng anak ko at ang nag iisang lalake sa buhay ko. Kahit rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng aking dibdib ay hinayaan kong damhin ang halik ng pinakamamahal kong lalake.
THOMAS POV
Ang halik na iginawad ko kay Rhuella ay puno ng pagmamahal.Noong una ay hindi siya tumutugon sa aking mga halik pero sa kalaunan naramdaman ko nalang na tumutugon nalang siya sa aking mga halik. Dahan dahan kong binitawan ang kaniyang mga kamay at naramdaman ko nalang na unti-unti siyang humahawak sa aking batok habang patuloy parin ang aming paghahalikan.Saglit ko munang pinutol ang aming paghahalikan at kahit habol kame parehas sa hininga ay pinagmagmasdan kong mabuti ang kaniyang mukha. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang nagbabadyang mg luha.
“I’M sorry! My love!’’
Sinseryong sabi ni Thomas kay Rhuella at tuluyan na nga naglaglagan ang mga luha sa mata ni Rhuella at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya kay Thomas.
Muling naglapat ang kanilang mga labi sa pagkakataon nayun ay puno ng kasabikan ng isang pangungulila at puno ng pagmamahal. Nararamdaman ni Rhuella ang mainit na palad ni Thomas na humahaplos sa kaniyang dibdib na lalo niyang ikinainit ng katawan. Hanggang sa tuluyan na nga pumasok ang kamay nito sa loob ng kaniyang kamiseta at himas himas ang kaniyang malulusog na dibdib.Lalo lamang siyang nag-init ng bumaba ang halik ni Thomas pababa sa kaniyang leeg.
“”tok! Tok! Tok!’’’’ tatlong mahihinang katok
‘’Thomas! Naririnig mo bayun?’’ mahina niyang sabi kay Thomas kahit pakiramdam niya lalagnatin siya sa sensyasiyon na ginawa sa kaniya ni Thomas.
‘’don’t’ mind my love! Hmm! Imiss you so much love!’’ pang-akit na sabi ni Thomas at saka muli ipinagpatuloy paghalik kay Rhuella.
‘’I miss you more Thomas!’’ tugon niya
‘’mommy! Daddy!’’
Napabalikwas agad ng tayo si Rhuella dahil hindi siya maaari magkamali tinig ng boses iyon ng kanilang anak!
‘’Thomas! Si kylie yun!’’ sabi niya at dali dali inayos ang kaniyang buhok pati ang kaniyang kamiseta na nakataas pa.
‘’wrong timing naman ang anak ko na ito oh!!’’ inis na sabi ni Thomas
Napatawa naman si Rhuella ng ba hagya, dahil parang batang naagawan ng candy si Thomas.
‘’magbihis kana Thomas ako na haharap sa anak mo!’’ at dali dali siyang pinagbuksan ang pinto at nabungadan nga niya ang kaniyang anak na pupungay pungay pa ang mata.
‘’mommy!’’ hikbi ni Kylie at saka niya binuhat ang anak
‘’nakuh! Pasyensiya na Rhuella naabala ata namen kayo, nagising kase si baby Kylie at hinahanap ka eh! nung hindi ka makita eh! Ayan umiyak na!’’ paliwanag ng matanda
‘’ok lang manang,kame na po ang bahala sa bata matulog nalang po ulit kayo!’’sagot ni Thomas.
Nagulat naman si Rhuella dahil hindi niya namalayan na nasa likod niya na pala si Thomas at nakabihis na ng boxer at puting sando.
‘’daddy!’’ mahinang sigaw ni Kylie at agad kinuha ang anak mula kay Rhuella
‘’oh! Siya sige! Matulog na din kayo!’’ sagot ng matanda
‘’salamat po manang!’’ sabi ni Rhuella at tuluyunan na silang pumasok sa loob ng silid. Habang karga padin ni thomas ang anak. At dahan dahan inihiga sa kama na pinagigitnaan nila si Kylie.
‘’why are you crying my little baby!’’tanong ni Thomas sa anak habang pinipunasan ang mga natirang luha sa pisngi ng bata.
‘’akala ko kase nawala na si mommy!’’ maluluhang sabi ng bata at agad na yumakap sa kaniyang ina.
‘’no baby hinding hindi mawawala si mommy andito kame ni daddy!’’ sabay tingin niya kay Thomas at sabay yakap din ni kylie sa daddy niya habang hinahaplos ni Thomas ang buhok ng kanilang anak. Wala namang mapaglagyan na kaligayahan si rhuella sa nakikita niyang magkayakap ang kaniyang mag-ama. Nahiling niya na sana hindi na matapos ang kaligayahan na kaniyang nararamdaman.
Pagkamulat ng mga mata ni Rhuella ay hindi na nakita ang mag-ama at nagtungo siya agad sa kanilang kwarto mag-ina at naghilamos at nagsipilyo saka dali daling bumaba at habang pababa sa hagdan ay naaamoy na agad niya ang kanilang almusal.
“wow ang bango naman niyan anak!” dali dali niyang hinalikan ang anak sa pisngi.
“sakto baba mo my love kakain na tayo nga agahan!’’sabi ni Thomas na nakaafron pa saka hinubad ang afron at ianabot naman agad ng matandang babae.
“alam mo ba Rhuella si Thomas nagluto ng agahan niyo!” masayang saad ng matanda.
“yes! Mommy super sarap!”dugtong naman ni Kylie na halatang hindi makapaghinatay at nauna ng kumain.
“mukha nga baby ni hindi mo na na wait ang pray natin!” tuwang sabi agad sa anak at agad namang sinulyapan niya Thomas na nakatingin pala sa kaniya at agad naman niyang ikinapula dahil naiilang parin siya sa mga titig nito.
“upo na Rhuella!” anyaya sa kaniya at mabilis naman siyang umupo sa tabi ng anak.
Masaya si Rhuella na pagmasdan ang kaniyang pamilya. Nahiling niya na sana ay hindi matapos ang kasiyahan na kaniyang nararamdaman. Kung ano man ang nammagitan sa kanila ni Thomas ay walang paglayan ng kasiyahan ang kaniyang puso.