Chapter 19

3109 Words
"Uhm Miguell?" Julie started once she and Miguell were walking back inside from the garden. "Po?" Tingin naman sa kanya ng batang lalaki. "Salamat ulit ah." Medyo nahihiya din na sabi sa kanya ni Julie. "I wasn't expecting that you'd warm up to me this quick." Mahonang ngumiti habang napapailing si Miguell. "Yung totoo po niyan, nahirapan din naman po talaga ako. Gulong gulo pa ako. Pero kinausap po ako ni Sir Elmo." Gulat na napatingin si Julie kay Miguell. "Elmo? Anong sabi sayo ni Elmo?" Kakapasok pa lang nila sa loob ng mismong hotel nang sumagot na si Miguell sa tanong ng kanyang kapatid. "Pinarealize niya lang po sa akin ang mga ibang bagay na hindi ko po nakita kaagad." He smiled at her. Sumakay na sila ng elevator at dahil umagang umaga ay silang dalawa lang ang nandoon. "Alam niyo po...ate?" Miguell uneasily uttered. But Julie was still smiling at him so that was a good sign. And so he continued. "Siguro, mahal na mahal po kayo ni Sir Elmo no? Kasi, apektado talaga din siya eh. Sana po hanggang dulo kayo ang magkatuluyan." Hindi naman nakaimik si Julie sa sinabi ng kapatid. Nakalabas na din ito ng elevator dahil saglit lang naman ang travel hanggang 5th floor. Papasok na sana si Miguell sa loob ng kwarto nilang nang mapakapa kapa ito sa bulsa. "Is there something wrong?" Julie asked when she saw what her brother was doing. Tinuloy tuloy lang ni Miguell ang pagkapa until he smiled sheepishly at Julie. "Ah, nakalimutan ko po kasi pala yung susi ko. Baka po nasa loob lang naman si sir Elmo." Mabilis naman itong humarap sa pinto at kumatok na lamang. Nakatingin pa rin si Julie sa kay Miguell na nakatalikod sa kanya nang bumukas ang pinto. Napako naman si Julie sa kinatatayuan. Shet napaaga ata breakfast ko. "Oh, Miguell." Nasambit na lamang ni Elmo. Nakatwalya lang siya na nakapalibot sa baywang niya at medyo tumutulo pa ang kanyang buhok. "Ah, pasok muna po ako sir, naiihi na ako eh." Mabilis naman na dumeretso sa CR si Miguell kaya naiwan na nakatayo sa may pintuan si Elmo at si Julie naman sa may hallway. "Good morning Sioppy." Anas ni Elmo. "So I guess bati na kayo ng kapatid mo?" Napakurap naman si Julie dahil, naman, may nakabungad na pandesal! Dibdib at abs ni Elmo eh! "W-will you put a shirt on!" Julie stuttered at akmang papasok na sa kwarto nila ni Bianca na nasa tapat nang biglang hilain naman siya ni Elmo palapit. "Ay!" Impit na napatili si Julie nang tumama ang muhka niya sa makisig na dibdib ng kasintahan. "Ano ba Elmo." Simangot ni Julie. Napangisi lang naman si Elmo sa girlfriend niya habang hinahapit pa ito ng mas malapit. If that was possible since there wasn't an inch of distance between them and Julie could fully feel Elmo's heat through his skin. "Miss na miss na kita Sioppy." Bulong ni Elmo habang inaamoy amoy nanaman buhok ni Julie. Lumayo ng kaunti si Julie para kaharap niya ang lalaki. "Araw araw mo kaya ako nakikita. And will you stop smelling me. Wala pa ako ligo." "So?" Sabi ni Elmo at kagaya ng kanina ay hinapit nanaman si Julie. "Bango bango mo pa rin kaya." At bigla naman pinaghahalik ang buong muhka ni Julie. "Elmooo." Tawa lang ng tawa si Elmo habang pinipigilan siya ni Julie. "Ay..." They stopped when they heard someone from across the hall and had to pull away when they saw a small girl about their age. Ngumiti lang naman ito at naglakad na palayo na para bang walang nakita pero namumula naman ang muhka. "Tsk! Ikaw kasi eh!" Sabi ni Julie at mahinang pinalo ang braso ni Elmo. "O bakit?" Natatawa naman na sabi ni Elmo. "Masama ba halikan ang girlfriend ko?" "Sa may hallway talaga? Nako Elmo bibigwasan talaga kita!" At mabilis na pumasok si Julie papasok sa kwarto nila ni Bianca. May pahabol pa siyang narinig kay Elmo. "Mahal kita Sioppy!" =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= "Hello delegates!" Sa wakas after two days of seminar ay sa labas naman ang mga activities nila ngayon. Meron silang make shift stage sa grounds ng hotel at nandoon nakatayo ang speaker. Sa paligid naman nila ay sanu't saring mga booths na may kanya kanyang tema. All about, well of course, music. "Feel free to enjoy our booths! Let's all learn interactively!" "Tara Miguell dito tayo!" "Ehh!" Parehong natawa na lang si Julie at si Elmo habang pinapanuod si Bianca at Miguell na nagtatalo. Panay kasi ang hila ni Bianca sa mga booth at kung ano ano ang pinapasubok habang halata naman sa lalaki na wala ito sa mood o di kaya ay nahihiya. "Alam mo ganyan din tayo noon." Sabi ni Elmo habang nasa booth sila about Philippine History. "Anong ganyan?" Nagtatakang tanong naman ni Julie sa kanya. "Ganyan." Elmo shrugged. "Ikaw yung makulit nun, tapos ako yung aayaw ayaw." He smiled at her then held her hand before kissing her knuckles. "Pero ngayon, ako na yung makulit at...sa akin ka na." "Tse." "Kinikilig ka lang Sioppy eh." Tawa nanaman ni Elmo. Inakbayan niya si Julie at hinalikan ito sa sentido. Lumapit naman si Julie sa kanya at yinakap na din ito pabalik. Saktong nagiikot sila sa isang booth nang mapatigil sila at nakita ang babae kanina na nasa may hallway. Isa pala ito sa naghahandle sa booth ng mga nagtatattoo. Kaagad naman namula si Julie nang maalala ang babae. Grabe. Hiyang hiya siya pero si Elmo naman ay parang proud lang na nakangisi. "Hi Mam! Sir!" Bati ng babaeng maliit. "Patattooo na po kayo dito!" "Salamat na lang miss." Ngiti naman ni Elmo sa babae bago hilain si Julie palayo. "Masakit ba magpatattoo?" Natanong naman ni Julie kay Elmo. Saka naman niya tiningnan ang nakatattoo na titulo ng kanta sa braso ni Elmo. Trinace pa niya ito gamit ang kanyang mga daliri.  Patuloy kang sila naglalakad habang nakaakbay naman sa kanya si Elmo. "Hindi naman ganun kasakit, tolerable naman." Sagot na lamang ni Elmo. "Bakit? May balak ka?" "Wala naman..." Iling ni Julie. "Ano naman kasi ilalagay ko diba." Napangisi si Elmo at nagsalita. "How about, 'Mahal na mahal ko si Sioppy'." "Elmo ah..." Tawa ni Julie. "Ang haba haba. Masakit yun sa balat ah." "Haha joke lang Sioppy." Sabi ni Elmo at bigla naman hinalikan ang tungki ng ilong ni Julie. Patuloy lang sila sa paglalakad at sabay pa na napabalik tingin sa tattoo booth. Nagpapaikot ikot pa rin silang dalawa nang may bigla na lamang humarang sa daan nila. Pareho naman sila nagulat pero kaagad nakarecover si Julie at ngumisi na lamang sa babae na nasa harap nila. "Hi Iris." Iris made a face as she looked at the couple in front of her. Muhkang nagkalakas loob na ito simula ng huli na nilang pagkikita. "Hi Julie...Elmo." Tumango lang naman si Elmo at napahigpit pa ang akbay kay Julie. "Enjoy kayo?" Sabi ni Iris. Pero hindi na niya pinasagot pa ang dalawa. "Muhka naman nageenjoy kayo eh. Pero alam mo ba Elmo, itong syota mo, kalaguyo pala ang estudyante niyo." Nagkatinginan naman si Julie at si Elmo na parehong nalilito. "What?" Julie said. Iris gave a mocking chuckle. "Nakita ko kayo ng estduyante mo kanina sa may gazebo. May pahaplos haplos sa kamay pa kayo. My god naman. Talagang forbidden relationship pa ang peg niyo ah." Masasalita na sana si Julie nang si Elmo na ang unang nagbitaw ng salita. "Kung ako sayo Iris, aalamin ko muna ang mga pangayayari bago ako magsalita. Hindi niya kalaguyo yung estudyante namin na iyon, kapatid niya iyon. At masinsinan na paguusap ang ginawa nila." Halata naman na gulat na gulat si Iris sa sinabi ni Elmo. Pero hindi pa nagtapos doon iyon. Dahil nagsalita muli si Elmo. "At pwede ba, tigilan mo na kami. Kahit anong kapit mo pa sa akin, matagal na na si Julie ang mahal ko at wala ka magagawa para maiba yun. So please, for your sake, just go away." Naluluha luha na tiningnan ni Iris silang dalawa bago nagiba na ah ekspresyon sa muhka nito at nanlilisik na ang mata sa kanila. "Kala mo naman ang gwapo gwapo mo ha Elmo! Di naman! Masyado ka maputi! Muhkang bangus! Hmmpf! Magsama kayo!" At naglakad na ito palayo. Nakatayo pa rin si Julie at si Elmo at pareho na lang din na natawa. "Ang harsh mo Sioppy ah!" Naluluha dahil sa tawa na si Julie Anne. Ngumisi si Elmo. "Nakakainis kasi eh. Ang kulit kulit." "Inasar ka pa no Sioppy?" Julie said at linambing lambing pa si Elmo habang hawak ang pisngi nito. "Di ka daw gwapo? Di ata ako payag doon. Ang gwapo gwapo ng boyfriend ko eh." Elmo smiled proudly before leaning down to give Julie an eskimo kiss. "Bianca ready ka na ba?" Julie asked her student as they stood inside the large seminar hall. Tanghali pagkatapos ng lunch nila naisipan na isagawa ang contest. Pero sa totoo lang, angal don si Julie. Aba, busog ang mga tao tapos pagtutugtugin mo? Baka mapano. Pero wala sila magawa dahil ayon ang nakalagay sa program. "Okay po ako mam." Ngiti naman ni Bianca bago tingnan muli si Julie. "Ah mam, salamat po ah."  "Para san?" Nagtataka pero nakangiti pa rin na sabi ni Julie. "Kasi po, ako pa rin po ang minementor niyo kahit po kapatid niyo si Miguell." Mahinang natawa naman si Julie sa sinabi nito. "Ano ka ba Bianca. Siyempre boys versus girls diba?" Sabi naman ni Julie. "Kahit kapatid ko si Miguell tatalunin pa rin natin siya okay? Sila ni sir Elmo mo ha." Natawa naman doon si Bianca at nagmuhkang mas determinado. Pinapwesto na ni Julie si Bianca sa may makeshift backstage bago siya mismo ay naupo na sa pwesto niya sa audience. Napalinga linga siya at naghanap kung nasaan si Elmo at nakitang naglalakad din ito papalapit sa kanya. "Saan ka galing?" Tanong naman ni Julie sa kanya. "Binigyan lang ng pep talk si Miguell. Ikaw lang ba pwede mam pep talk sa estudyante?" Pangiinis ni Elmo sa kanya. Umirap lang naman si Julie kaya napatawa si Elmo. "Haay Sioppy, wag sabi ako tinatarayan ng ganyan eh. Kapag ako hindi nakapagpigil, deretso tayo sa hotel room. Kahit hindi na natin panuorin si Miguell at si Bianca." "Elmo kalokohan ka nanaman eh. Diet ka talaga sa ano..." "Sa ano??" Nangiinis nanaman si Elmo. He grinned at Julie cheekily as he sat down beside her. "W-wala!" Nahihiya naman na sabi ni Julie. "Alam mo ikaw, manuod ka na nga lang. Pustahan na lang tayo kung sino mananalo." "Siyempre si Miguell na yan. Magaling yung coach eh." Elmo smugly said. And again, Julie mock laughed. "Nakalimutan mo na yung coach ni Bianca yung dating nanalo." "Dati iyon. Saka pinagbigyan lang talaga kita non. Baka kasi umiyak ka." Nangaasar nanaman na sabi ni Elmo. "Ah ganon ah." Pangaasar din ni Julie. "Sige no kissing rule tayo ah." "Ha?!" Malakas na reaksyon ni Elmo kaya naman napatingin sa kanila ang iba pero wala pakeelam ang lalaki. "S-Sioppy anong no kissing?" "No kissing." Simpleng sabi ni Julie at hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitingnan si Elmo. "Bawal manghalik." "Joke lang Sioppy ikaw naman talaga panalo non eh. Hindi nagsisinungaling ang mga judge." Sabi ni Elmo na kinkalabit pa si Julie pero hindi pa rin siya pinapansin ng babae. "Sioppy...ui..." "Shhh, Elmo magsisimula na yung competition o." Sabi naman ni Julie sa kanya. "Pero..." "Shhh..." At hindi na nakapalag pa si Elmo dahil ang tao sa harap nila ang nagsaway na sa kanya. Nagsimula na nga ang kompetidyon at pareho naman na sumeryoso na si Elmo at si Julie. Maari ay nagbabangayan nga sila kanina pero dahil nga musika na ang pinaguusapan, iba na ito. Ika nga nila pareho, or so sa panggagaya lang ni Elmo, this was their sacrifice. Marami din bata na magagaling. May mga nag-gitara, meron mga piano, percussion, at siyempre kanta. Hanggang sa it was Miguell's turn na. Ngumiti muna siya sa audience bago nagsimula tumugtog ng isang pamilyar na guitar piece. Tutok na tutok naman pareho si Elmo at si Julie habang pinapanuod nila ang estudyante at kapatid ni Julie. Napakahusay ng paggalaw ni Miguell. No doubt ay isa ito sa magagaling nilang estudyante at magiging proud ang Apollo-Artemis ng dahil sa kanya. Hindi mapigilan ni Julie ang pagngiti. Aba kapatid niya yang tumutugtog ngayon sa entablado. At napakagaling talaga nito. Natapos na ito at nagsipalakpakan naman ang mga tao sa paligid. Julie leaned in to whisper in her boyfriend's ear. "May laban nga manok mo." Mahinang ngumiti naman si Elmo. "Siyempre Sioppy, nakalimutan mo ba na kapatid mo yan?" Mahinang natawa na lang si Julie. At sakto naman na sumunod sa pagtugtog ay si Bianca. Paborito ni Julie itong tinutugtog ni Bianca  Paboritong piyesa niya sa piano na hindi masyado alam ng tao. Kung papanuorin mo si Bianca ay parang sumasayaw ang mga daliri nito sa teklada. At parang pareho din talaga gumalaw kay Julie. "Si Miguell ba talaga amg kapatid mo?" Bulong naman ni Elmo sa kanya. "Baka si Bianca ah." Mahinang natawa si Julie. "Nako, enough muna with the surprise na kapatid." Natapos na din si Bianca at nagpalakpakan nanaman ang mga katauhan. Masayang punalakpak si Elmo at si Julie. Kahit sino naman kasi ang manalo ay proud na sila sa dalawang estudyante nila. =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= "Magaling din talaga ang manok ko eh." Sabi ni Julie kay Elmo habang papasakay na sila sa van pabalik sa Makati. Oo...si Bianca ang nanalo. "Magaling din naman kapatid mo ah." Sabi ni Elmo. Napangiti si Julie. "Oo naman. San Jose yan eh." Proud na sabi ni Julie. Sakto naman na lumabas na mula sa lobby ang dalawang kabataan. Pareho kasi humirit pa na magCR daw muna sila. "Uwi na tayo guys." Ngiti ni Julie. Sa sari-sariling bahay naman sila iuuwi ng van kaya relax na relax na sila. Nakatulog sa byahe si Julie at nagising nang papalapit na sila sa bahay ni Miguell. Bigla siya kinabugan. Baka makita niya ang ama nila. "Sioppy..." Bulong ni Elmo sa kanya. Naramdaman kasi nito na para siyang kinabahan. Mahigpit pa nitong hinawakan ang kanyang kamay. "Wala daw sa bahay ngayon ang papa niyo. Nasa trabaho pa." Julie released a sigh of relief. Hindi pa kasi talaga siya handa na makita ang ama nila ni Miguell. Maybe some other time but that time wasn't now. Kanina ay nahatid na nila pauwi si Bianca kaya naman ang natira na lamang ay si Miguell. Hindi naman kalakihan nag bahay nila Miguell. Simple lang at bungalow type. "Sir..." Bati ni Miguell kay Elmo nang tumigil na ang van s harap ng bahay nila. Takip silim na kaya naman buti ay nakauwi na ang batang ito. Saka naman humarap si Miguell kay Julie. "A-ate..." Hindi pa rin siya sanay pero gusto niya sa sarili niya na masanay nga siya sa pagtawag kay Julie na ate. "Bye Miguell, see you on Monday." Sabi naman ni Julie sa kanya. Tumango na lang si Miguell at lumabas na ng van. Sakto ay nakita nila na lumabas din ng bahay ang nanay ni Miguell. Inakay na nito ang naka paloob at naiwan sa loob ng van si Elmo at si Julie. "Sioppy? Okay ka lang?" Elmo hesitantly asked his girlfriend. Tumango si Julie. Yes she was alright. She would be alright. Kakapasok lang nila sa condo ni Julie. Nagulat pa nga ang driver dahil doon na din bumaba si Elmo pero napansin naman din nito kung papaano hawakan ni Elmo ang kamay ni Julie at kaagad naman na nakaintindi. Pagod naman na binaba na lang nila Julie ang kanilang mga maleta sa loob ng kwarto. Bukas na lang siya magaayos. Ang gusto lang niya talaga ay makapagpahinga na. "Wash up lang ako ah." Sabi ni Julie kay Elmo. Alam niya na gagamitin din ni Elmo ang bathroom niya kaya naman binilisan niya na bago nagbihis ng sando at shorts. Nang matapos ay sumunod naman sa kanya si Elmo habang siya ay deretso kusina. Naisipan niyang kahit dalawang sandwhich na muna ang gawin para sa kanila ni Elmo kaya naman naghanda na siya ng mga sangkap at nagsimula gumawa. Malapit na sana siya matapos nang maramdaman niya na may dakawang brasong pumapalibot sa buong bewang niya. "Sioppy..." Elmo groaned and started kissing Julie's nape. Nanghina na napatigil si Julie. Elmo's kisses just felt good. Pero bigla naramdaman niya na tumigil ito sa ginagawa. Haharapin na sana niya ito nang magsalita ito. "Sioppy, nagpatattoo ka?" Mahinang napangiti si Julie kahit na nakatalikod kay Elmo. Nakasando nga pala siya ngayon. Kitang kita na ni Elmo ang pangalan niya na nakatattoo sa bandang balikat ni Julie. Hinarap naman ni Julie si Elmo na may ngiti sa muhka. "Naisip ko lang ipatattoo ang pangalan ng mahal ko sa may balikat, wala lang naman." She teased. Isang Elmo ang nakatattoo sa may left shoulder niya. Plain black ink, in her own cursive handwriting. Sobrang laki na ng ngiti ngayon ni Elmo na lumalaban din naman sa ngiti ni Julie. Nagulat naman ang dalaga nang bigla na lang naghubad ng sando si Elmo sa harap niya. Akala niya kung ano gagawin nito nang makita na...nagpatattoo din pala ito. Isang Julie naman ang makikita na nasa kaliwang pectoral niya. Sulat kamay din ni Elmo. "Pareho talaga tayo ng naisip?" Sabi ni Julie na nakangiti at lumalapit kay Elmo. The latter wrapped his arms around Julie and leaned his forehead on hers. "Great minds think alike nga daw. Pero, mas alike ang mga puso natin." He smiled. "I love you Sioppy." Julie wrapped one arm around the man's shoulders while one hand started tracing the tattoo of her name on his pec. "Mahal din kita Sioppy. Walang dulo. Tuloy tuloy lang." Their faces leaned against each other until their lips met in a fiery yet passionate kiss. The kiss was getting deeper as Elmo's hands started wandering under Julie's sando when... "AY HARUJUSKO ANG MATA KO!" "Fuck..." Elmo uttered as he abruptly pulled away and tiredly leaned his forehead on Julie's. Pareho silang hindi nagsasalita habang naririnig nila ang litanya ni Maqui na pabalik ng living room. "Grabe ah! Bakit ba lagi na lang ako nasusurprise sa inyong dalawa kapag nandito ako! Ako may balak mangsurprise tapos ako nanaman nawindang! Haay Lord naman!" Pareho na lang natawa si Julie at si Elmo. It was good to be back. =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= AN: Yebah! Unang una! Sorry sa typos! haha! Marami rami I know. And namiss ko isulat si Maqui yehey! haha! Salamat po sa lahat ng nagbabasa, bumoboto at nagcocomment! Please comment or vote ulit! Boto po tayo ng Tidal Wave sa MYX! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD