POV: Jelie (Eli)
"Ma'am hindi pa po ba kayo matutulog?" rinig kong tanong ni nana Rosa.
Isa siya sa mga katulong ko sa mansyon ko dito sa Manila at limang taon ng naninilbihan sakin.
"Mamaya nalang po nana Rosa, mauna na po kayo, ako na din pong bahala dito, ako narin po ang magliligpit ng mga ito maya-maya" sagot ko kay nana Rosa habang pinapa-ikot ko ang alak sa baso ko.
"Sa limang taong paninilbihan ko sayo ma'am ni walang araw na di kita nakitang hindi uminom" salita niya ngunit hindi pa ako nakakasagot nong magsalita ulit siya.
"Hanggang kailan ka magiging ganyan iha, nagpapanggap na masaya at palagi ka pang nagiinom". may himig ng kalungkutan at mayroon ding lungkot na nakapaskil sa mga mata.
"Nana Rosa, I'm okay.. I...I'm just tired and I need this" sabay taas ko sa basong may lamang alak at ngumiti ng mapait.
" Ma'am hanggang kailan ka magkakagayan?" sabay upo sa may tabi ko at hinawakan ang balikad ko upang ipaharap ako sakanya.
"Nana Rosa, ang sakit lang po kasing isipin na nasakin na ang lahat ngunit ang pagiging maligaya ay diko man lang maibigay sa sarili ko" saad kung may lungkot sa mga mata.
"Ma'am kayo po ang may hawak ng buhay nyo na kung tutuusin kaya nyong sumaya kayo lang talaga ang nagtatago sa malungkot na nakaraan ninyo" kinuha nya ang bote at baso ko sabay tayo at ilagay inya iyo sa may lababo.
"Mahal ko po siya, mahal na mahal ko po siya nana Rosa but I'm very angry with him because he cheated on me. " I bowed my head to the counter table of my mini bar here in my mansion. Hindi ko na natuloy ang aking mga sasabihin dahil nagsimula ng pumatak ang aking mga luha.
Sa pitong taong paghihiwalay namin ay sariwa palang ang sakit na parang kahapon lang naganap. Marahan namang hinihimas ni nana Rosa ang aking buhok papuntang likod at rinig ko pang pinapatahan niya ako sa pag-iyak.
"Tama na sa pag-iyak iha, halika na't ihahatid na kita sa iyong silid" inakay na nga niya ako pataas ng hagdan upang tunguhin ang aking kwarto hindi narin ako nagmatigas dahil wala na din akong lakas dahil naka ilang bote na ako ng alak.
Pagkahiga ko ay narinig kung nagpaalam na si nana Rosa. Kay nana Rosa lang ako madalas magpakita ng mga bagay na ganito at kay nana Nelsa isa rin sa katulong ko sa mansyon ko sa Pangsinan at alam din ng iba kung katulong ngunit kindi ako nagpapakita ng kahinaan o ang mga bagay na ipinapakita ko kila nana Rosa at nana Nelsa tanging sakanila lang talaga. Kinuha ko ang kumot at bahagyang pinangpunas sa luha ko at tumingin sa kisame at inalala na naman kung pano kami naghiway ng nobyo ko.
Flashback-
" What is this?!" I said while standing in front of his door room.
"Baby, let me ex-" kinakabahang sagot nito pero agad naputol nong magsalita yung babaeng mukhang tukneneng sa likod niya.
"Hey, I'm Ana and I'm his girlfriend" she said while smiling sweetly to me. What the f*ck, eehh boyfriend ko toh eh. Pero di pa ako nakakapagsalita nong magsalita ulit ito. bida-bida.
" And I'm 2 months pregnant and you are?" sabay taas ng kilay sakin. Wow kala mo manan maganda pangit rin naman.
"Hoy babaeng mukhang tukneneng na binaluktot, eh boyfriend ko yang sinasabi mong boyfriend mo rin. How long is your relationship?!" sabay hakbang sakanilang harapan.
" We're 5 months in relationships and I think you are the mistress here!" pabulyaw na saad nya sa akin. Aba siya pa ang galit baka pag sinabi ko kung ilang taon na kami mapahiya pa siya. Sarap ingudngod sa putikan .
" Owwssss talaga ba? 5 months pa lang kayo nagpabuntis kana? eh ako we have been in a relationship for 6 years with this m*th*rfu*ker man." saad ko at sasampalin ko na sana siya nong pumagitna ang lalaking manloloko.
" Tumabi ka jan at babasagin ko ang mukha ng babae mong mukhang tukneneng na binaluktot." saad kung nagpupumilit na makaalis sa yakap niya.
"Please allow me , yeah she's right she's carrying my child and I... I really sorry for what I've done." inilayo niya ako at tinunga namin ang pinto niya. Ako pa ang mali? he cheated on me in front of my face then f*ck ako pa papaalisin ang kapal naman ng mukha nitong lalaking toh.
" Wha..t.. what happened on us? did I do something wrong ? I... I don't know what to say right now para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa mga gi-na-ga-wa mo." I said while scrubbing my shoulders.
"I met her 5 months ago in a bar." huminga muna ito ng malalim at ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin.
"That day we have a problem because you're too busy in your studies and I felt like I'm not important to you anymore." he said while looking at me.
"Hindi yan rason para magloko ka sakin, alam mo kung gaano ka kaimportante sakin, mahal na mahal kita alam mo yan." tumingin ako sakanya na may mga hula sa mata. Sa pagkakataong ito ayaw ko ng itago ang sakit na nararamdaman ko Wala na akong paki kung makita niyang naghahalo na ang sipon at luha ko.
" That night nakita ko siya sa may counter ng bar inaya nya akong maginom at syempre dahil nasa bar ako at maglalasing ang pimunta ko ay pinaunlakan ko ang gusto nya but when I woke up in the morning iba na ang lugar na kinaroroonan ko at bi...bigla na..lang ako nanlamig nong may umungol na babae sa tabi ko. Ti...tinignan ko ang ibaba ng kumot at nagulat ako nong parehas kaming nakahubad." mahabang salaysay niya at namumula narin ang mga tainga nya.
"Ano ako tanga? ginusto mo yun. ginusto to niyo yng pareho ka-" pinutol nya Ang sasabihin ko at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
" I.. I know I brought so much pain to you bu...but please baby stay with me.. please don't break up with me" saad niya may luha na sa mga mata.
" I....I love you but I won't allow you to stay with me because I don't want that child to grow without a father in his side." saad kung humahagugol na. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit na parang isang bitaw niya lang ay maglalaho na ako sa harap nya.
"Pwede ko namang sustentohan na lang ang bata gagawin ko parin ang responsibilidad ko sa kanya just please stay with me baby" he said while kissing my forehead.
" Kaya kung magsakrepisyo dahil mahal kita.. KASALANAN mo rin kung bakit tayo nagkakaganto dahil dika nakontento, humanap ka pa ng ibang libangan mo" Saad ko at lumayo sa kanya.
"Hindi ko sinasadya baby... I thought that it was you that night." he said and bowed his head na parang nahihiya sa ginawa niya.
" Tanga ka ba o bobo?! ano yun bumukas niyang zipper ng pantalon mo at tumakas yang sandata mo?!" hinarap ko siyang lumuluha pero may galit na sa mga mata ko.
" I...I...I really sorry baby... I'm sorry." lumuhod ito ang niyakap ang mga hita ko.
" I'm sorry but I'm breaking up with you, panindigan mo ang mga ito. Mahal kita pero put*ang in*ka manloloko " sinampal ko siya ng malakas kasabay ng pagtayo niya.
"wa.. wait baby .. I love you please don't leave me" saad niyang hinahabol ako pababa sa hagdan ng bahay niya.
"Jan ka lang hayop ka, bumalik ka don at pakasalan mo yung mukhang tukneneng na Yun.. ampapangit nyo!" sigaw sa kanya habang nasa gitna kami ng mahaba nyang hagdanan..
" Let's end this f*cking bullsh*t 6 years relationship, goodbye." tinalikuran ko na siya at lumabas sa bahay niya tinanong pa ako ni manong Miguel na guard sa bahay niya pero nagdere deretsyo lang ako palabas.
At ganon nga kami nagtapos ng aking nobyo, siya ang first boyfriend ko and she brought so much happiness with me when I was with him. In our 6 years relationship wala kaming naging problema kung mayron man agad namin iyong nareresulba and both our family accepted and respect what our decision is kasi nagsama na kami sa iisang bubong.
At nakatulugan ko na nga ang pag-alala sa mga nakaraan na kay sakit na hanggang ngayon ay nananatili parin akong kinakain ng kalungkutan.
That man is very sweet, gentleman, gwapo, moreno, matalino lahat ng katangiang gusto ko sa lalaki nasakanya na, pero hindi ko aakalain na may ganong bagay pala ang darating upang masira kami.At hanggang ngayon sinisisi ko ang aking sarili na kung sinunod ko lang sana siya hindi mangyayari ang mga ito pero nagpapasalamat din ako kasi isa na akong tanyag na Business woman na kilala sa buong Asia. I'm 27 years old now, and his 34 years old narin. Siguro may masaya na siyang pamilya na kasama si Ana dapat ako ang kasama niya, nong kinasal siya sana ako yung babaeng ihaharap niya sa altar pero hindi dahil after we broke up wala na akong naging balita pa sakanya. Kasi ayaw kung makasira ng relasyon at ayaw kung makita ang dati kung nobyo at baka pag nakita ko siya ay babawiin ko lang siya kay Ana kaya minabuti ko nalang na huwag ng magpakita at tuluyang lumayo nalang sa kanila.
Pagkatapos naming maghiwalay noon at nakapagtapos ay nagboard exam agad ako para makapagturo at nong lumabas na ang resulta ng exam ko ay walang mapagsidlan ang kasiyahan ko nong makita ko ang pangalan kung nasa pinaka taas. Topnotcher ako at nong araw din na yun ay may tumawag sa akin at hindi ko inaasahan ang mga sinabi nila na iniimbitahan nila akong magtrabaho sa kilalang University sa Manila at kung maari daw ay agahan ko ang pagsasubmit ng mga requirements ko upang makapagtrabaho narin. Nakapasok nga ako bilang Isang guro sa kilalang Unibersidad sa Manila nong una ay medyo mahirap ngunit di kalaunan ay nasanay narin, at ang 7months na sahod ko ay pinangpatayo ko ng maliit na paupahan ko, dahil wala naman akong panggagastosan dahil ang pamilya ko ay nasa Amerika na dahil kinuha sila ng kapatid ng aking mama at syempre kasama narin ang aking papa, kapatid kong lalaki at ang lola ko dahil matagal narin wala ang aking lolo sa father side. At dahil sa aking mga paupahan at pagtuturo ay lumago ng lumago ang aking negosyo hanggang sa dalawang taon mahigit na ang nakalipas ay nakapagpatayo na ako ng isang hotel at dalawang restaurant dito sa Manila. Di naman mahirap magpatayo ng negosyo dito sa Manila kasi maraming tao at turesta.
Nagpatuloy sa paglago at paglawak ang aking negosyo hanggang ako'y nakapagpatayo na ng aking kompanya at mga mansyon, nakabili din ako ng malawak na lupain sa Cebu na aking nagsilbing hacienda, pinataniman ko ito ng iba't-ibang uri ng puno, prutas, gulay at mga halaman at mayroon ring mga hayop tulad ng mga kabayo, kambing, baka, manok, itik, pato at marami pang ibang hayop ang nandon at nakapag bigay din ako ng mga trabaho sa karamihan dahil sa aking hacienda.
Kina umagaha pagising ko ay masakit ang aking mga mata at ulo ngunit bumangon parin ako at sa pagbangon ko ay nabungaran ko ang litrato ng kaisa isang lalaking aking minamahal at agad ko itong binati.
. "Magandang umaga mahal ko" Saad ko at dumeretsyo na sa banyo upang maligo at makagayak ng mas maaga sa kompanya ko dahil pang maramihang trabaho na naman ang naghihintay sa pintong nakasara at lamesang mayrong sangmatutak na mga papel at yun ang opisina ko.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko ang mga kasama ko sa bahay na naghahanda ng pakain sa mesa.
"Magandang umaga ma'am, halina po kayo't kumain nakahanda na po ang mga pagkain sa lamesa" saad ni manang Stella na nakangiti pa saakin at inimwestra ang kamay sa may lamesa.
" Magandang umaga ma'am tumawag po pala ni Ms.Carla at pinapasabi na naroon na raw po ang mga blueprint ng inyong bagong restaurant na ipapatayo" saad ni Butler Toni na nasa gilid ko habang ako ay patungo sa lamesa.
"Thank you Butler Toni, halina po kayong lahat at tayo na ay kakain na" saad ko habang hinihila ang aking upuan, ganto ako sakanila ayaw kung itinuturing silang iba at sa sinabi ko nga ay nagsi upuan na sila.
Pagkatapos naming kumain ay pinagmaneho na ako ni Manong Ferdie at sa tabi nito ay si butler Toni na laging kasakasama ko saan man ako pumunta.
"Good morning ma'am" Saad ni Mang Ruben na security guard sa kompanyo ko, tinugon ko lang iyon ng tango at pormal na naglakad papasok sa aking Kompanya.
Nang makita ako ng mga empleyado ko sa may lobby ng kompanya ko ay mas mabilis pa sa alas kwarto silang nagsipulyasan at nagbalik sa mga trabaho nila. Pag karating ko sa 30th floor kung nasaan ang aking office ay agad akong sinalubong ng secretary ko.
"Good morning ma'am" Saad ni Carla habang napaka tamis ng ngiti. Si Carla secretary ko 5 years naring naninilbihan sa akin.
"Alam mo Carla sa tuwing papasok ako dito sa floor yang boobs mo ang bumabati, magkano ba pagawa mo jan?" Saad kung medyo nakataas ang kilay sakanya pero alam naman niya na biro ko lang iyon dahil kilala narin niya ang ugali ko.
" Ma'am. Eli ilang beses ko po bang sasabihin na hindi ko ito pinagawa" giit nya saakin habang sinusundan ako patungo sa office ko. Nagmaka up ako sa swivel chair ko ay inopen ko ang aking computer.
"Carla can you make a coffee for me" utos ko sakanya at agad din naman siyang tumalima. Paglabas ni Carla ay tinignan ko ang aking lamesa na nasa harapan ko, may tatlong nagtatayugang nakahilerang mga folder at ito ang tatrabahuin ko ngayon araw at mukhang dito na naman ako sa opisina ko matutulog at hindi pa man ako naguumpisang magtrabaho ay napapagod na ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na si Carla dala ang kape ko.
" Ma'am ito na po yung kape nyo" inilapag nito ang aking kape at nakangiti, tumalikod na ito upang lumabas pero bago pa man siya makaalis ay tinawag ko na siya.
" Carla kunin mo itong Isang tayug na mga folder, basahin mo at mamili ka ng pagi invest'san natin" hindi ko siya tinapunan ng tingin ngunit kahit hindi ko siya tignan ay alam kung nakasimangot na naman siya.
"Okay po" agad naman niyang kinuha ang
isang tayug ng folder.
"Dito mo na gawin yan. After this, I will treat you to lunch later" seryuso paring saad ko habang nagbabasa ng isang folder.
Pagkatapos ng ilang oras na pagkakayuko ay sa wakas natapos narin namin ang lahat ng folder ngunit 2pm na nong matapos kami.
"Carla you may go, and wait for me outside. Magpapalit lang ako" saad kung tumayo na at tumungo sa private room ko dito sa office ko. Paglabas ko ay nadatnan kung nasa lamesa nya si Carla nagmamake-up. Ewan ko ba sa babaeng toh mamamatay ata pag walang na apply na make up sa mukha.
"Carla, let's go" naglakad na ako papuntang elevator at sumunod naman siya habang sinusukbit ang shoulder bag nito.
Pagkatapos naming kumain sa restaurant na magmamay-ari ko ang ( Eli's restaurant) ay bumalik na kami sa Kompanya.
"Robert may balita na ba sa pinapakuha kung mga documents sayo, at pati narin sa pinapamanmanan ko sayong tao?" tanong ko sa aking private investigator na si Robert Ezpinoza dahil itong mga nakaraang lingo ay napagalaman kung may nagnanakaw na pala sa pera ng kompanya ko. At mukhang may nabuo na akong hinala kung sino ang taong iyon at hindi ko lang alam kung anong pwede kung magawa pag nalaman kung siya talaga ang taong yun.
"Mayron na akong kunting nakalap ma'am at kunting manman nalang at makikilala na natin siya". saad niya habang pormal na naka-upo sa visitor chairs dito sa opisina ko.
"Okay pagbutihan mo Robert after this I will give you bonus" saad kung seryusong naka upo sa aking swivel chair habang pinaglalaruan ang aking ballpen.
"Mauuna na ako ma'am at mamanmanan ko pa siya" Robert said.
"Okay you may go, just call me in case there's something wrong". I said while spinning my ballpen in my hands.
Alas sais na nong makauwi ako sa mansyon ko, pagod na pagod ako sa buong maghapon at magagamot lang ito ng alak. Dumeretsyo ako sa kwarto ko upang magpalit ng damit. Pagkatapos ko namang magpalit ay nagsuot lang ako ng cycling short tapos sandong itim at sabay kuha ko narin sa aking laptop na nasa loob ng bag ko palang at sinukbit sa aking kili-kili. Bumaba naman ako ng hagdan at dumeretsyo sa bar area ng mansyon ko. Inopen ko ang aking laptop dahil may ichecheck akong email galing sa isang kompanya at pagkatapos ay kimuha ako ng wine sa may aparador at nagsalin sa baso. Kababa ko lang ng baso ko dahil sa tinuga ko ito na parang uhaw na uhaw sa alak, magsasalin na sana ako ng ikalawang shot ko sa baso nong may magsalita sa likod ko.
"Ma'am nandito po si mayor Lopez, papapasukin po ba namin?". Nagaalangan na sabi ni Butler Toni. Dahil nong huling punta niya dito ay naka inom siya at muntik nya akong patayin dahil tinutukan niya ako ng dala niyang baril at sinasabing pinagloloko ko daw siya dahil sobrang tagal na daw niyang nanliligaw sa akin ngunit diko pa siya sinasagot at buti na lang talaga at mayron sila Manong Ferdie at Butler Toni na umawat at kinaladkad siya palabas ng gate.
Marahas naman akong napatingin kay Butler Toni at siya naman ay napayuko at napakamot nalang siya ng batok niya, dahil kabilin bilinan ko na wala na silang papapasukin ni isa sa mga pesteng manliligaw ko, oo tama kayo ng pagkakabasa mga peste talaga sila. Dahil pinagpipilitan nila ang mga sarili nila sa akin ehh hindi ko naman sila type noh. Mayayaman lang sila pero ang nakikita ko sa kanila ay mga irresponsible sila at mga arogante.
"Nasa labas naman na siya hindi ba Butler Toni?" nakataas ang kilay na tanong ko at siya naman ay tumango tango.
"Ohh alangan naman na paalisin pa natin, papasukin nyo nalang po siya". sabi ko habang inisang tungga ang isang basong alak na kakasalin ko lang.
"Sige po ma'am, pero san ko po siya paghihintayin?". Saad ulit ni Butler Toni.. pota natural sa may sala alangan naman sa kwarto ko. Nako itong si butler Toni may pagka tanga rin minsan.
"Sa may sala nalang at paki sabi paki-hintay nalang ako at magwa 1v1 kami" saad ko habang naka ngiti. Peste tong Mayor Denver Lopez na toh pero ngayon mayayari toh sakin. Lalasingin ko siya hanggang sa makatulog na siya tsaka ko siya ipapalapa sa mga aso ko. Hehehehe natural joke lang, sobrang sama na nga ng tingin ng lahat sakin dadagdagan ko pa.
"Ano na naman bang masamang hangin ang nagdala sayo dito Mayor Lopez?". Saad kung medyo iritado sa mukha niyang puno ng mahahabang balbas.
"Hindi mo ba ako namiss? because me, I really miss you. I really madly miss you." he said while smiling and he stood up on the couch to give me a bouquet of tupis.
"For you myloves, those tulips symbolize my love and pure intention to you" Saad nya habang inaabot sakin ang tulips na mukhang kakapitas lang ng mga iyon.
"Thank you, will let's drink then" Saad kung binababa ang bouquet na bigay niya at kinuha na ang isang bote ng alak na binaba ko kanina sa mesa bago ko abutin ang bouquet na bigay nya sa akin kanina.
"Well, let start drinking, coz I love you" sabay akbay ng kamay niya sa balikat ko. I love you'hin mo mukha mo.. pangisi ngisi ka pa dimo bagay mukha kang natustang aso na naka ngisi.. gusto kong sabihin sakanya dahil nakakairita ang mukha nya.
"How's your day?" he said at pinagkrus ang mga paa.
"Ayos lang naman pero medyo sumama na ang pakiramdam ko, nong makita ko yang mukha mo" Saad ko pero syempre mahina na ang pagkakasabi ko sa dulo.
"Did you tell something?" kinuha nito ang isang basong alak tsaka tinungga at humarap sa akin na animoy hinihintay ang maari kong isagot sakanya. Sapakin kaya kita.
" Nothing, I said, let's continue drinking para makauwi kana" tinungga ko ang isang basong alak, medyo lumayo ako ng kaunti sakanya baka mahimas na niya ako sa sobrang lapit nito sa akin.
"Good night myloves, thank you dahil inalok mo ako na makipagwan 1v1 sayo" Denver said while Butler Toni held his hands
kasi sobrang lasing na siya..
"Manong Ferdie paki drive pauwi yang Lopez na Yan, and butler Toni ikaw na magmaneho sa sasakyan upang may sasakyan pauwi si manong Ferdie" at tinalikuran ko na sila upang tumungo sa mini bar ko ulit dahil bitin ang ininom ko idagdag pa na may nakisawsaw.
"Ma'am nahatid na po namin si Mayor Lopez" Saad ni Butler Toni na nasa gilid ko.
" Sige po salamat, pwede na po kayo magpahinga" at tinungga na ang bote ng alak, dahil parang antagal pag binaso baso ko pa kaya sa bote ko nalang deretsyong inumin. Bigla namang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko ito at ang kapatid ko ang tumatawag, umaga na don at nasisiguro kong papasok na siya sa school.
" Hello, papasok kana?" Saad kong medyo lumamlam ang mata dahil miss na miss ko na sila 6months ko ng hindi sila nakikita dahil dalawa o tatlong beses sa isang taon ako kung bumisita sa kanila.
" Ate, I really miss you. When will you come here?" may himig ng pagtatampo ang tono nito. Napa hinga naman ako ng malalim.
" Ate is too busy so I have no time to visit you there and I hope will understand me" tumungga ulit ako sa bote at pinunasan ang aking bibig.
" Dad and Mom and also Lola said that they miss you so much" at parang maiiyak na sa tono ng pananalita nito. Tsk kahit kailan talaga napaka iyakin nito lalaki pa naman ang pagkatao niya. Pero tika anong
nakain nitong kapatid ko at kanina pa english ng english.
" Are you mad at me?" saad ko habang tinatakpan na ang bote ng alak dahil medyo lasing narin ako. Mga dalawa't kalahating wine ang kaya ko pero pagsumombra na ay hindi ko na kaya pang tumayo o lumakad pero dahil sakto lang nainom ko ay nahihilo lang ako. Sa 7 years ng pagiinom ko ay halos lahat na ata ng klase ng alak ay natikman ko na. Expertise HAHAHHA.
" Of course not, and I... I really miss you lang talaga ate" hay salamat at nagtagalog narin siya..
" My school bus is here ate, bye. take care of yourself always, iloveyou" Saad ng kapatid ko.
" Bye, iloveyou too" habang papaakyat na sa hagdan upang tunguhin ko na ang akin kwarto upang maligo ay makapag pahinga narin.
Paglabas ko sa banyo ay naabutan kong tumutunog ang aking cellphone na nasa side table ko. Kinuha ko ito pero hindi pamilyar sa akin ang numero pero sinagot ko parin iyon.
" Hello , who's this?" naupo ako sa gilid ng kama ko habang hinihintay na sumagot ang tao sa kabilang linya.
"Hello good evening anak, si ma'am Roggy mo toh, yung teacher mo nong elementary ka" hala si ma'am akala ko wala ng nakakakilala sa akin pero mayron pa pala.
" Aii kayo po pala ma'am Roggy, ano po ang paguusap natin" tanong to sakanya na tumungo sa may veranda nitong kwarto ko at paglabas ko ay yumakap sa akin ang napaka lamig na hangin dahil naka roba pa lamang ako
"Napagusapan na namin ng buong school na Ikaw ang kukunin naming guest speaker sa araw reunion dito sa San Felipe Elem.School, if available ka anak pero kung hindi ay naiintindihan ka namin dahil marami kang trabaho pero alam mo ba anak sobrang proud kami sabi Kasi in your young age isa ka ng bilyonarya at kilalang kilala ka na sa buong mundo, anak." saad nito na kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay alam kung nakangiti ito.
" Nako mapaka laking opportunity nito ma'am sige po at pupunta po ako. Ano po bang exact date ang reunion" tanong ko ulit na naka upo na sa may bakal na upuan sa may veranda ko.
" Sa susunod na buwan na anak, March 20." Saad ni ma'am Roggy. Naging subject teacher ko siya nong nasa grade 6 ako. Math at English Ang subject namin kanya noon.
" Sige po makakaaso po kayo na pupunta ako" I said while looking in the moon. Full moon pala ngayon at sobrang laki pa nong buwan.. Naalala ko tuloy nong kabataan ko nong nasa probinsya pa kami tuwing sinasabi naming malaki ang buwan ay sinasabi din samin ng mga matatanda na [ Isungbat met dayta bulan na dakkel met dagita uk* kada b*to yo kunana] ilokano. Basta medyo bastos din.
" Sige salamat anak aasahan namin Ang pagdating mo" narinig ko nalang na pinatay na niya ang tawag.
Pumasok naman na ako sa loob at dumeretsyo sa walk in closet ko upang makapagsuot na ng pangtulog dahil inaantok narin ako dahil pasado alas dyes na ng gabi at maaga pa akong gigising dahil pupunta ako ng Batangas upang mabisita ang isang branch ko don na restaurant at upang makapagpahinga narin sa penthouse
ko kahit kaunting oras lang dahil nitong mga nakaraang araw ay kulang na kulang ako sa tulog dahil sa mga magkabilaang pinapagawa kung branch ko. Pagkatapos kong nakapagpalit ng pantulog ay nahiga na ako at saktong ipipikit ko na ang aking mga mata nong tumunog ulit ang cellphone ko. Nakoman.
" Pota wala ba kayong balak na patulugin ako!" sigaw ko at marahas na dinampot ang cellphone kung nagwawala na sa bed side table ko. Jusko naman.
" Hello!" pabulyaw na tanong ko sa kabilang linya.
" Hoy, bad trip ka na naman!" bulyaw din ng nasa kabilang linya. p*tangi*a mo ka love .. mapapatay kita pag nakita tayo.
" Pwede bang hinaan mo yang bunganga mo Lavander Agoncillo." mahinahong saad ko sa kaibigan ko. Dahil inaantok na talaga ako.
" Magbabakasyon ako next month beshie and I'm so excited to see ulit" malanding sabi nito sa kabilang linya. Hanggang kailan talaga walang pinagbago, napaka vocal sa lahat.
" Well, that's good news because we will visit my province because Ma'am Roggy called me earlier and they invited me to become their guest speaker when that day came, you know ma'am Roggy right?" mahabang sagot ko sakanya at alam ko ring matutuwa siya dahil gustong gusto niyang sinasama ko siyang umuwi sa probinsya namin dahil napaka payapa at presko doon.
" Yeah I know ma'am Roggy, she is your grade 6 subject teacher right? and I am so excited to visit Binalonan again" mukhang sayang saya na naman ang babaeng ito.
"Yes she is. Pero natatakot akong pumunta baka pag pumunta ako don andon din siya" Saad kong naka-upo na at naka sandal sa headboard ng kama ko. Biglang nalungkot ako, kung magkikita ulit kami ng dati kung nobyo ay ito ulit ang unang pagkikita namin pagkatapos ng 7 years naming paghihiwalay
" Hay nako Eli masaya na yun kaya dapat maging masaya ka narin, andami daming nagkakagusto sayo pero ang gusto mo siya eh mayron na nga siyang asawa at anak. Tanga tanga ka din ehh noh." at narinig ko siyang tumawa.
" Love, you know how I love him. In our 7 years of broke up I never fell in love with someone because I really f*cking madly in love with him" Saad ko habang nagpupunas ng luha sa mga mata ko dahil bigla na naman itong tumulo na ang akala ko naka move on na ako pero hindi pa pala.
" Alam mo beshie you better go and consult a therapist kasi your f*cking obsessed to him" mataray niyang saad na parang siya talaga ang nanay ko.
" Pero pano pag sabihin nila na nababaliw na talaga ako?" maayos na tanong ko sakanya.
" P*tangin* mo ka, hindi ka pa ba baliw sa lagay na yan" humagalpahak siya ng tawa sa kabilang linya. Naka ngiti nalang ako dahil parang hindi siya sikat na Modelo dahil sa inaasta niya.
" Okay bye, good night and anyways beshie you better consult too masyado ng maluwag yang turnilyo ng utak mo"
" F*ck you!" sigaw nito sa kabilang linya. Agad kong pinatay tawag. Tumingin ako sa kisame at napangiti. Hay nako Love, kung umasta ay parang hindi sikat na Model. Nakilala ko si Love sa Isang bar sa may Makati nakita ko siyang naka upo magisa sa may counter table ng bar kaya nilapitan ko siya pero hindi ko siya pinansin dahil mukhang bad trip ata dahil nakakunot ang noo at nakataas ang kilay niya sa akin.
Umorder ako ng isang boteng Cristal Champagne, binuksan at nagsalin ako sa aking baso na binigay ng bartender, agad ko naman na tinungga iyon at medyo uminit pa ang lalamunan ko nong humagod roon ang ininom ko. Napatingin naman ako sa katabi ko na babae na titig na titig sa akin na animo'y kinakabisa ang mukha ko. Napatigil ako sa paginom ng alak nong magsalita siya.
" Hin-di ba Ika..w yung kila..lang Heartles..s and cold-blood-ed na business woman?" she said while looking at me so closely at napangiti pa ito nong mapagtanto na ako nga siguro yung tinutukoy niya.
" Yes I am" tipid na sagot ko at tumonga na naman ng alak.
" I'm Lav..ender Agonci...llo but you can call me love, that's my nickname and you are?" sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.
" Jelie Fernandez, but you can also call me Eli" tinaggap ko naman ang kamay niya at don na nga siya nakipag kwentuhan sa akin napakadaldal niya samantalang ako ay patango tango. Simula nong maghiwalay kami ng dati kong nobyo ay hindi na ako naging vocal.