Chapter 03

1184 Words
Nagising ako sa bungad ng araw sa mukha ko. Si Mama nanaman ang nagbukas nun.Halos araw araw ganun si Mama. "Hoy, malandi kong anak gumising ka na may susunduin pa Tayo!". Si Mama talaga. "Opo, talandi kong ina." Pero pabulong lamang ang huli Kong Saad. "Walangya ka rinig ko yun! Maggayak ka na!" Sabi ni Mama at nasundan pa iyun ng kaunting bangayan bago ako naghanda para makapunta na kami sa airport para sunduin sina Tatay. Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas na ako at sumalo kina Mama na nagsimula nang mag agahan. "Hindi manlang maghintay!?" Singhal ko sa dalawa. “Kanina pa kita inalok , matagal kang mag paganda parang Wala kang tiwala sa genes namin!?”. Angal ni Mama. “Umupo kana”. Si papa na napapatawa nalang. Pero agad ding napalitan ng serious mode. “Opo”. Tugon ko nalamang at tumabi sa pwesto ng aking ina. Ganito kami sa bahay minsan magulo at may kawalangyaan na taglay Ang bawat myembro. Hindi parin mawawala na magkasundo at mapag usapan ang mga nagaganap sa araw araw nami. Tulad nalang ngayon na seryoso Ang aking ama. May ibig itong sabihin. “Hoy Alana Kiara Rivaz”. Maawturidad na tawag ni Papa. “Po”. Anas ko na may pagka bigla at takot sa boses. Parang hinahabol na nang mga kabayo ang dibdib ko dahi sa kaba. Seryoso talaga si Papa. “Sa tingin mo ilang taon ka na?”. Tanong ni Papa. “Hm, twenty three po? At magtu twenty four na po ako sa susunod na March--”. Hindi na niya pinatapos Ang sasabihin ko. “Yeah, at hanggang ngayon nag aaral ka parin, mag asawa ka na tyaka mo--“ Hindi na siya pinatapos ni Mama. “Hon hayaan mo siya bata pa naman at kaya pa yan”. Saad nito. “Hindi!,  eh Tayo bata pa ba?, Malapit na tayong mag fifty plus tapos sasabihin mo ganan. Pinagtatanggol mo pa.” Humarap Ito sakin. “At ikaw maghanap ka na nang asawa Alana”. Saad ni Papa. “Opo, naka plano na nga po ang lahat si Prince nalng Ang kulang kaya maghintay lang po kayo.” Sabi ko na medyo may lakas ng loob na tono. “Kiara”. Yan Ang pangalan na ginagamit ni Papa sakin pag galit na talaga siya. “ Ang sinasabi mong lalaki yun ay lalaki Rin ang hanap, at Isa pa mag kaibigan kayo diba?!”. Tanong ni Papa. “Opo, pero--”.  Hindi Niya muli ako pinatapos. “So, kung gusto mo siya gumawa ka na nang paraan , mga hakbang, at pagkatapos ng semester mo pikutin mo na!”.  “Jace!” sigaw ni Mama. “Hindi ganan Ang anak ko." Sabay baling Niya sakin. “Anak maganda at matalino ka kaya gamitin mo yan sayang Ang gene na binigay ko sayo Kong sasayangin mo lang!." "Op". Tumayo na ako itinaas ang mga nakakuyon na kamay sa ere. "gagamit na ako ng tamang dahas at karisma" at humalakhak ako at pinalakpakan ako ng dalawa kong matinong magulang. Ang saya magkameron ng masayang pamilya at baliw na magulang. Pagkatapos ng kaguluhan sa bahay. 'back to normal' na ulit at sinundo ang nakabusangot na bakla at pumuntang airport. Sa likod ng driver Ang pwesto na inupuan ko. Habang nasa byahe kinukulit ko Ang bakla Kung bakit siya nakabusangot. "Hays Ana."sabay buntong hininga Niya at humarap sakin. "Alana talaga" at sinabayan ng mas mahaba pang buntong hininga. "Papaanong Wala na?" Tanong ko. "Gusto na nina Mama ng apo dahil, ilang taon na daw ako , twenty four na at wala pang asawa at nag aaral parin daw." Bumaling Ito sakin. "Kasalanan mo Ito pinakilala mo ang sarili mong girlfriend kita tapos 'yan tuloy hindi na naniniwala sakin na ganito ako." Mahabang litanya niya at iminuwestra sakin ang sarili. "Tapos nag aaral ulit Tayo. Kasalanan mo talaga.*" Sabay akto Niya na nagtatampo. Ako Naman lumapit at niyakap siya. Mahigpit na mahigpit na yakap sa tagiliran . Naramdam kong napasinghap siya dahil sa ginawa ko. Pero Wala akong pakialam. "F*ck , kadiri ka layuan mo ako." Sigaw Niya at nagwawala na dun sa pwesto niya. Tumatawang binitawan ko siya at pinakatitigan Ang reaksyon. "Ano masarap ba ang pakiramdam?" Tanong ko at pinakatitigan Ang mamulamula niyang mukha.  "Baliw kana!" Sigaw Niya at mas namula pa. Tinakpan niya ang bagay na nas pagitan ng mga binti Niya at pinanlakihan ako ng mata. Hindi ako tanga pero. Iignorahin ko muna Ang isiping yun na tinakpan niya. “Hanggang ngayon ba naman nahihiya ka pa? Boobs lang to 'no harm'. " Sabay hagalpak ng tawa. Tinititigan Niya lang ako ng masama at Hindi na pinansin.. Humihingal na tumigil na ako sa pagtawa at inabot ang bote ng tubig malapit sa npintuan ng kotse. "Tita Iyah, inaatake na po ata ng asthma si Kiara." Rinig Kong Sabi ni Prince sa medyo panic na boses. Pinalalim ko pa ang paghinga at nagpapanic na talaga siya. Gusto Kong matawa pero pigil ko. "Tita?" Tawag Niya ulit kay Mama. Lumapit na sakin si Prince at hinagot ang likod ko. Sarap Naman. Landi "Levi, gumaling Nayan at matagal na yun  ,at Kung oras na Niya oras na Niya." walang lingon sagot nito. Tinigil ko na Ang pagdrama at humagalpak muli ng tawa.  "Haha.. sorry.."at tuloy parin sa pagtawa nag peace sign na lang ako. "Gaga!" At tumawa na lang din si Prince. Alam Kong hindi Basta problema yung iniisip niya dahil satingin ko side lang yun ng problema Niya ang sinabi niya. Alam kong may mas malala pa soon. Pero ayaw niya sabihin kaya, hahayaang ko siya na siya mismo ang mag Sabi sakin ng Hindi ko pinipilit. Pagdaan ng kalahating oras pa nasa Airport sa Cavite na kami. "At exactly two o'clock the airline 726 AZI will be landed from U.S California airline. Have anice day and sorry for the delay a while ago." And so on. " Ma ala una palang at sabi alas dos pa ang baba. Gala muna kami." Sabi ko sabay sukbit ng kamay Kay Prince. "Ayoko Kiara dito nalanga ako mag aantay." Sabi ni Prince kaya hinayaan ko na lang. Pumunta ako sa Isa sa mga ice cream parlor at umorder ng dalawang half galon na Rocky road at vanilla cheese flavor na ngayon ko lang nalaman na nag eexist pala. Binuksan ko na Ang isa na may lamang vanilla at cheese flavor. Nag pakuha nalang ako ng kutsara sa Cashier at umalis na. Habang nag eenjoy pa ako sa pagkain ng ice cream ko ay may dumanggil na tao sa likod ko dahilan para matapon ang nasa half galon na kinakain ko. Pagkatingin ko sa likod lalaki pala na nakahead phone at nakasuit na pakayuko at kinukuha ang mga papeles na nalaglag. Kasalukuyang nakatalikod sa akin Hinayupak! Yung ice cream ko. Tinitigan ko Ang mahigit kalahati pa na ice cream na nahulog sa sahig. At bumaling ulit sa nkabangga sakin. "Hoy mamng Hindi tumitingin sa daan!" Tawag pansin ko sakanya at humarap na siya. Mahabaging hembre. Heaven. Gayon nalang ang pagkagulat ko nang isang mala adonis na mukha Ang humarap sa akin. Mala Christian Grey na pangangatawan at tindig. Isang lalaking mukang galing sa langit at pinagpala ng lahat ng Santo. At makalaglag panty na ngiti.  Heaven here I come. ....... Good day and happy reading
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD