22

2665 Words

Kinagabihan ay pinatawag si Jeric sa Delta Office. Kaagad naman syang binati ni Maya sa reception. "Kamusta Shyboy?" pabirong bati ni Maya. "Ayos naman Ate Maya," tugon ni Jeric na ngumiti. "Eto assignment mo ngayon. On dispatch ka ngayon kasama ng Fox," wika ni Maya na inabot ang dispatch card nya. "Ano po ito?" tanong ni Jeric na tiningnan ang isang card na halos kasing laki ng usb. "Dispatch card. Nariyan ang detalye at impormasyon ng misyon mo," paliwanag ni Maya "Ano pong meron?" tanong ni Jeric. "Surveillance at intel mission ngayong gabi sa boundary malapit sa Esmeralda. May mga kahina-hinalang paggalaw ng mga tao doon. Binigyan ka ni Artemis ng go signal na makasama sa misyon. Ipinahiram ka sa Fox kasama ni Lira," banggit ni Maya. "Pahiram?" tanong ni Jeric na naguguluhan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD