Inilabas kinabukasan si Jeric sa ospital at iniuwi sa East Palace para doon magpahinga. Isang buong araw na pahinga sa higaan ang kanyang ginawa. Nang sumunod na araw ay nagbalik na ng kaunti ang lakas nya kaya nakalabas sya ng kwarto nya. Nakasalubong nya si Saldy sa pasilyo. "Magandang araw, Kamahalan," bati ni Saldy. "Magandang araw po," bati ni Jeric. "Hinahanap po kayo ng inyong kual," pahayag ni Saldy. "Nasaan po si Kuya?" tanong ni Jeric. "Nasa hardin po," sagot ni Saldy. "Salamat po," ani Jeric na nagtungo sa direksyon ng hardin. Nadatnan nyang naroon sina Luis, Jude, Ivan at Adrian na nagsasanay. Naramdaman ng apat ang kanyang pagdating. "Jeremy! Pahinga ka na muna Jude," wika ni Luis. "Salamat, Kuya," ani Jude na pinaglaho ang sandata nya. "Hinahanap mo daw po ako," wik

