Pagpasok ni Jeric sa gubat ay siniguro nyang walang nakasunod sa kanya. Natagpuan nya si Jude na nakaupo sa sanga ng isang puno. "Pasensya na po kung nahuli ako," banggit ni Jeric. "Ayos lang kararating ko rin lang. Magsisimula na tayo." ani Jude. Kaagad hinubad ni Jeric ang mission watchegulator nya. Pumikit at ginawa ang mga inutos kahapon. Umabot si Jeric ng tatlong oras na hindi inaabot ng pagkawala ng kontrol o antok pero napansin ni Jude na wala sa kondisyon si Jeric. Nakaupo sya sa ilalim ng puno nakahawak sa dibdib. "Magaling! Nakokontrol mo na kaagad. Kailangan mo na lang patahimikin ang aura mo," puri ni Jude na namangha. "Salamat po!" tugon ni Jeric na hinihingal. "Simula bukas kailangan mong mapanatili iyan ng buong maghapon habang kumikilos ka. Kapag nakasanayan mo ito

