Binaba ni Zarah ang paa nya sa sahig at sinuot muli ang sapatos nya ng biglang yumanig ang barko. Inalalayan ni Jeric kaagad si Zarah. "Ayos ka lang?" tanong ni Jeric na nag-alala. "Oo. Ano 'yun?" tanong ni Zarah na nabahala. "Jeremy, ayos ka lang?" tanong ni Zarah. "Oo," sagot ni Jeric. Saglit nakiramdam ang dalawa. Nakinig lang sya sa transceiver nya para malaman ang nangyayari. "Tumigil ang barko," wika ni Jeric na nabahala. "There's a disturbance!" ani Ivan sa radyo. "I'm on it!" tugon ni Soundbyte. "Keep the passengers calm and safe," utos ni Ivan sa ibang mga kasama. "Mabuti pa siguro ay bumaba na muna tayo sa kwarto mo," wika ni Jeric na ginabayan si Sarah pabalik sa loob ng barko. Bumaba sa cabin ang dalawa. "Huwag kang lalabas hanggang hindi ako ang tumatawag sa'yo. Ti

