Nagising si Adrian. Bumangon si Adrian sa kinahihigaan nya. "May bisita pala tayo," wika ni Adrian na umupo at nag-inat. "Pasensya na po kung masyado kaming maingay," sabi ni Zarah. "Ok lang. Kamusta na ang pakiramdam mo, Jeric?" tanong ni Adrian kay Jeric. Sumagot si Jeric sa salitang Merala. "Ano!?" gulat na tanong ni Zarah na kumunot ang noo. "Ibig sabihin ni Jeric ay maayos lang sya," paliwanag ni Roche. "Pasensya na. Nakalimutan ko," ani Jeric. "Marunong po kayong mag-Merala?" tanong ni Zarah kay Roche. "Madalas mag-usap ang dalawang iyan ng Merala sa bahay. Tinuruan ako ng kaunti ni Addy para makaunawa," sagot ni Roche. "Oo. Sa Esmeralda ako lumaki bago kami lumipat dito," tugon ni Jeric. Lumingon si Zarah kay Adrian na tumango. "Naaalala mo na?" tanong ni Zarah. "Kaunti

