Napansin ni Adrian na inaalalayan ni Jude si Jeric ng pumasok ang dalawa sa opisina. "Anong nangyari?" tanong ni Adrian. "Wala po Kuya. Ayos lang po ako," ani Jeric. "Pasensya na po. Nabigla po yata ako at hindi ko natantya. Napagod lang po ako ng kaunti," wika ni Jeric na muling tinanggal ang salamin nya. "Sinasabi na nga ba na gagawin mo 'yan, kaya ayaw kitang payagang pumasok. Magagalit na naman si Ate mo kapag nalaman nya 'yan," pangaral ni Adrian na napapailing. "Huwag nyo na pong sabihin kay Ate pakiusap. Sesermunan na naman nya ako at baka hindi sya pumayag na pumasok ako," pakiusap ni Jeric. "Magpahinga ka na muna dyan. Kapag maayos na pakiramdam mo uuwi na tayo. Tatapusin ko lang ang ginagawa kong report," ani Adrian. "Pero kailangan ko pa pong magbigay ng incident report p

