Kinabukasan nagulat si Zarah ng makita na naghihintay si Jeric sa gate ng bahay nila. Sumilip sya sa relo na nagtataka. Bumaba si Zarah sa salas. Kapapasok lang ni Jeric sa salas. "Gia moria!" bati ni Jeric sa kanya. "Gia moria!" bati ni Zarah na nagtaka. "Ready ka na?" tanong ni Jeric na nakangiti. "Anong ginagawa mo rito? Ang aga-aga pa eh," wika ni Zarah na lumapit kay Jeric. "Sinusundo kita," sagot ni Jeric. "Pumasok ka muna. Kukunin ko lang ang gamit ko," wika ni Zarah na bumalik sa loob ng salas paakyat ng kwarto nya. Sa kanyang pagbalik ay tumayo si Jeric ng makita syang pababa. "Aalis na po kami," paalam ni Jeric kay Rocco na nakasalubong nila sa pinto. "Mag-ingat po kayo. Kayo na po ang bahala kay Miss Zarah," bilin ni Rocco. "Teka, hindi nyo po ako ihahatid ngayon?" ta

