Sa Royal Palace kaagad ginamot ni Niño si Jeric. Pinatawag rin ang pinakamagaling na Healer para gisingin si Jeric. Lumabas si Niño sa kwarto ni Jeric. Kaagad naman syang sinalubong nina Ethan at Andy. "Kamusta si Jeremy?" tanong ni Ethan. "Ligtas na po sya. Stable na ang vitals nya pero wala pa rin syang malay," ani Niño. "Mabuti naman. Totoo bang ang ulat pinagtangkaan ni Luis si Jeremy?" tanong ni Ethan. Marahang tumango si Adrian. Napabuntong-hininga na lamang si Ethan. "Paano nangyari iyon? Hindi nya kayang saktan si Jeremy," tanong ni Niño na galit. "Kontrolado na sya ng Setro ni Esme," wika ni Ethan. Tumango si Adrian. "Ilang araw na po nyang nilalabanan ang kontrol at nagtatagumpay sya. Pero nitong mga nakaraang araw ay tila lumakas ang tawag sa kanya ng Setro ni Esme na h

