Nagpaalam ako kay ate Karen at tita na tingnan ang kwarto ni James habang wala siya. Hindi siya nagpapapasok ng kung sino sino lang sa kanyang kwarto kaya samantalahin ko na. Sinabi ni ate na nasa taas sa ikalawang palapag sa may dulo daw kaya nagpunta na ako agad sa taas at pagbukas ko tumambad sa akin ang napakalinis na kwarto. Black color ang dingding halatang lalaking lalaki ang may ari. Napatingin ako sa buong paligid, maluwang ang kwarto niya. May sariling sala at may nakasabit na malaking tv sa dingding. May nakagay din na mga collection niyang aircraft at mga baril na galing ibang bansa maliliit sila na for display only. Kung titingnan mo parang mga totoo. Ang gandang pag masdan, hahawakan ko sana kaso huwag na lang at bak mahulog ko magkaroon pa ako ng kasalanan. Nakakatakot pa

