Pinaasikaso ko kaagad siya pagdating namin ng hospital. Kumalma naman ako ng malaman kong nasa mabuti na siyang kalagayan. Tinawagan ko si Kevin at inalam ang kalagayan ng kanyang kaibigan at sinabing ok naman na daw siya. Mga galos daw ang natamo, pina check ko din buong katawan ni Jayjey at baka may tinamaan ng bato or what...pero ok naman lahat ng mga test niya so far and I am thankful for that. May mga galos at pantal lang siya sa kanyang mga binti at likod sa pag talon niya...Gumulong kasi siya sa may batuhan. Mabuti na lang hindi tumama ang kanyang ulo sa mga bato. Pinalipat ko siya sa kwartong pribado para may space at maging maayos siya. Binantayan ko siya ng magdamag, ako na rin ang gumagamot sa kanyang mga sugat at pantal sa tuwing nag rounds ang Nurse na gumamot sa kanya. Umaga

