Dali dali akong nagpaalam at nagpunta sa opisina ni Boss, mahirap na at baka mawala pa ang sinasabi niyang mission na yun. Wala pang 30 minutes nanduon na ako. Dali dali akong umakyat at hindi alintana ang aking mga kasamahan na pinagtitinginan ako. Kumatok ako at binuksan agad ang pintuan hindi na hinintay na may magbukas dito. Nawindang ako ng makita kong may kahalikan si boss. "Dammit, get out...bulyaw niya at binato ako ng flower base. Sinara ko agad ang pintuan, muntik nang tumama ang flower base sa aking magandang mukha ani ko. "Tang inang buhay to oh, mukhang wrong timing ata ako," bulong ko. Nagtitinginan sa akin ang mga nandodoon, yung iba nagtatawanan at tinuturo ako. "Yan kasi, alam mo namang ngayon lang magkaroon ng iniirog yan tapos ginanyan mo pa. Tsk tsk tsk...ani naman

