Mukhang naging effective naman dahil lahat sila nagyukuan lang at sinabi ng mga guard na sila na ang bahalang umayos sa bill. Sila na rin daw ang mag explain sa kanilang mga amo. Sasabihan ko sila tito after two days na tanggalin na nila ang mga ito sa kanilang mga trabaho. Ngayon sana pero hindi pa pwede at baka makahalata ang mga ito. Alam kong nagsasaya na ang mga iyon, gusto nilang masulot kasi ang pwesto ni James kaya sa ngayon ibigay niya na lang yun muna sa kanila dahil hindi niya na kaya. Hahayaan niya muna sila saka na siya gumanti kapag siya'y magaling na. Siya na lang ang bahala kapag. Napangisi ako ng makita kong wala ni isa sa kanila ang sumunod sa amin. Napansin ko na ang mga tauhan ni tito lang ang sumunod. Nagtinginan kami ni Shadow sa napansin pero hindi umimik at baka t

