A second chance03

1160 Words
Kinikilig pa rin ako lalo na at tinuturing akong kapamilya na rin nila tita. Sana nga soon, matutunan na rin akong mahalin ni James. Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako sa hapag kainan sabi ko sundan ko lang si James. "Go anak talk to him", sabi naman ng kanyang ina na nakangiti. " Sige po tita," paalam ko. "Manang Ana naihatid na ba ni Ate Linda yung kape kay James," tanong ko. " Hindi pa Jayjey, bakit hija?, sabi naman ni Manang Ana "Pwede po bang ako na lang ang maghahatid sa kanya. Dun din po ang punta ko Manang," sagot ko naman. "Sige, at sabihin ko sa kanya na ibigay sayo, " sabi ni Manang Ana Samantalang kakatapos lang maligo ni James sinabihan niya si Manang Ana na ihatid sa kanya yung kape sa may garden sa labas. Ohhhh...this is relaxing hinilot ko ang aking batok at tumingin sa kalangitan, the skies so bright sambit ko. Habang nag muni muni ako biglang may tumikhim sa tabi ko. Hindi ako nag abalang tingnan siya dahil sa amoy pa lang alam ko na kung sino. "Anong ginagawa mo dito? Gusto kong mapag isa kaya makakaalis ka na," sabi ko. "Ang sungit mo naman dinala ko pa man din ang kape mo. Its been a long time I did not see you tapos ganyan lang sasabihin mo sakin" palatak niya. Ano pa nga bang bago kahit na ipagtabuyan mo, hindi siya makikinig sayo kaya wag ka na magpagod magsalita. Gusto ko pa sanang mag relax pero parang nawalan na ako ng gana. Jay jey Castillo kaibigan ng ate ko nuong nag aral dito ang kapatid ko halos dito na siya tumira din, gustong gusto ng magulang ko na siya ang maging asawa ko. Hindi ko alam bakit gustong gusto siya nila mama pero kahit na gusto nila siya para sa akin pero wala silang magagawa dahil ako pa rin ang masusunod sa personal kong buhay and besides I am not yet ready to settle down. I am still enjoying being single, I do have lot of flings wherever I go actually not only me but also my friends. Ayokong matulad kay Nimer na halos mamatay na kung hindi makita ang asawa. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan kaya parang natakot ako, ayoko ng mag seryoso lolokohin ka lang pagkakaperahan lahat naman sila. Kaya sana kung makakahanap ako yung tipong tanggapin ka kahit na ano ka pa hindi sa dahil mayaman ka at gwapo. Tiningnan ko si Jay jey malabong magustuhan ko siya dahil masyado siyang clingy, madaldal, pahalata masyado na may gusto sayo gaya ng iba. "James, helloooo"....sabay tapik sa noo ko. "Your spacing out" sabay hawak sa balikat at yugyog sa kanya. Noong tumingin sa akin si James, tiningnan niya ako ng parang kakain na ng buhay kaya bigla kong nabitawan ng di oras. "Hindi ka ba nakakaintindi sa akin ha," sabi niya, tatayo na sana si James kaso bigla kong hinawakan ang kamay. "Ok I am sorry bakit ba ang ilap mo sa akin hindi naman kita kakainin ah. Lagi ka na lang galit sa tuwing kinakausap kita baka isipin na ng iba na may nakakahawa na akong sakit. Hindi naman ako pangit, ano bang problema sakin at ayaw mo akong kausapin unless my gusto ka sakin," sabay kindat ko sa kanya. "Kita mo na, ok na sana, naniwala na sana ako kaya lang kung anu ano na naman sinasabi mo, sinong di maiinis diyan sa inaasta mo," sabi ko. Bigla kong inalis ang aking kamay sa kanya at hinawakan ang noo niya sabay sabing magpagamot ka na kaya sa mental at kahit kelan hindi ako magkakagusto sayo sa hitsura mong yan lalo na yang kulot mong buhok , mahaba kong sabi sa kanya dahil sa inis ko. "Sige magsalita ka pa at sasabihin ko kay tita lahat ng sinabi mo. Oh! Ano aalis ka pa ayaw mong bumalik dito. Dahil ba sa hindi ako kasing laki ng dibdib ng Gisselle na yun. Jenny said na nagpabalik sa akin sa kanya. Bigla akong napatingin sa kanya hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi paano niya kilala si Gisselle ang f**k buddy ko na siya lang nag tagal sa akin. Na kung wala akong mahanap siya ang tinatawagan ko na willing namang makipaglaro pero alam naman niya na hanggang dun lang kami. Binalikan ko siya ang hinatak ang kamay, "how did you know her? hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya binabantayan niya ba lahat ng galaw ko, malaman laman ko lang talaga humanda siya sakin. Ang pinaka ayaw ako sa lahat yung kino control ako. "Aray...ano ba masakit? Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sakin, hindi ko akalain na magagalit siya ng ganun. Bigla akong natakot, kaya hinablot ko ang kamay ko saka tumakbo at baka kung ano pa ang gawin niya. Totoo nga ang sinasabi nila na nakakatakot siya kung magalit. Ang lakas ng pitik ng dibdib ko hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako sa bahay, lakad takbo ang ginawa ko. Hinabol pa ako ni Kuya Mon pero sabi ko lang na uuwi na ako at may gagawin pa. Bwisit na lalaking yon tinakot pa ako, gahasahin ko kaya siya sabi ng malandi kong isip. "Oh, Jayjey bakit andito ka na agad akala ko ba magtatagal ka pa don," sabi ni Nana Encar at siya ang nagbukas ng gate. " Ano po kase Nana sumakit po ang tiyan ko bigla kaya napaaga ang uwi ko," palusot ko na lang sa kanya. "Pupunta na po ako sa kwarto ko Nana at hihiga na po ako," sabi ko pa. " Sige anak dalhan na lang kita ng tsaa at baka napasama lang ang tiyan mo dahil sa kinain mo siguro," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako para wala ng marami pang tanong. Pagpasok ko sa aking kwarto, sinara ko agad ang pinto pagkapasok ko sabay hawak sa dibdib kong ang lakas pa rin ng kaba. May araw ka rin sa akin James akala mo ha, sa isip isip ko pero natakot ka naman sabi din ng kabila kong isip. Bigla kong ginulo ang buhok ko sabay sabing erase erase erase...mag shower na lng ako para mawala ang inis ko. Bago ako pumasok sa shower room binuksan ko muna ang kwarto ko para maipasok ni Nana Encar ang tsaa dahil alam kong kakatok yun ng kakatok kapag di ko pinag buksan gusto kong mag babad sa bathtub. Inalis ko lahat ng damit ko at pumasok sa shower room. Habang nagbababad naisip ko naman si James kung bakit ganon na lang ang reaction niya . Ano kayang meron at bakit parang may malalim siyang pinag huhugutan. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko, sabihin ko kaya kay tita na mag outing kami kasama siya para maka bonding ko na naman siya. Wala pa naman akong pasok sa ngayon at alam kong mag stay siya diyan ng medyo matagal. nasabi din ni Karen na uuwi sila. Oh, diba complete package.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD